Category Archives: TRAVEL

SNORKELING: APO REEF


Day 1: Occidental Mindoro: San Jose – Sablayan – Apo Island

map1Ilang araw bago maganap ang trip na ito, nakatanggap ako ng imbitasyon mula kay Chyng Reyes (oha! ako na naaaya ng lumelevel na blogger) para maki-join force sa lakad nila sa Apo Reef. Noong una hindi ako naka “oo” agad, kasi naman sobrang iksi na ng preparation tapos kare-resign ko lang. Pero ang totoo akala ko talaga Apo sa Davao yung pupuntahan namin kaya nahirapan talaga akong “umo-o” 😀 (naka schedule na rin kasi ang pagpunta ko doon sa Davao sa July sayang naman kung mauulit).

Pero aaminin ko na-excite ako ng bunggang-bungga! 😀 kaya nagpa-booked agad ako ng one-way sa Cebu Pacific kahit humigit kumulang 2k na ang pamasahe. Wala na rin akong nakuhang pabalik kaya bahala na kung paano makakauwi. Napabili na rin ako ng worth 4k na Camera na GE.. yung pinakacheap pero 14mp na (sulit!). Last time kasi nang hiram lang ako ng Camera (yung kamuntikan na mahulog sa palayan ng Sagada) tapos pagbalik ko ng Maynila doon ko natuklasan na low-res pala yung nagamit kong setting kaya hindi ko malakihan nung ine-edit ko na).

First time ko sasakay sa erpley ng Cebu Pacific, gaya ng una kong lipad hindi na rin ako nakatulog kasi kailangan daw 2 hours before ng flight ay dapat nasa airport ka na. Sakay ng Taxing walang metro, sakto naman akong nakarating sa Terminal 3 at dumerecho sa express lane nakapag pa webcheck na rin naman kasi ako noong gabing ‘yon.

Nasa baba palang ako natanaw ko na agad si Donnie, ganoon din si Chyng kahit first time ko palang siya mameet. yeah! 3rd prize ako! Sumunod na ring dumating ang 4th-6th prize na sina Peng, Maricar at Jeng.

Si Peng, Jeng, Donie at Chyng Reyes habang nagkukulutan sa lapag, este naghihintay pala ng flight. lels. 😀

Mabilis na rin ang mga pangyayari noong mga oras na iyon kumain at nagtake out sa Jollibee, bumili ng makakain sa Mini Stop (natakot kasi na wala talagang makakain sa isla) at naupo sa lapag habang hinihintay ang flight namin.

ON BOARD

map2Makailang refresh din ang ginawa ko sa web check-in ng Cebu Pacific para sumakto at makaupo sa side ng window ng erpley at maswerte namang napunta din sa tabi ng bintana (A8 yung seat number ko) . Kaso, malas pa rin pala kasi sa pakpak pa rin ako natapat. epic fail! dalawang bata ang katabi ko, maya-maya wala na sila. Ayaw nila ako katabi? Mabuti na lang at tumabi sakin si Jeng 😀

Parang napadaan lang kami sa himpapawid mahigit 30 minutes lang kami sa ere.. napapatanong tuloy ako.. 2k na yun? lels.

Pakpak ng Eroplano baw
Ang walang kamatayang Japan-Japan thanks to Jeng.
Welcome to San Jose, Occ. Mindoro (Madali na manlait kapag nakapunta ka na sa magandang Airport, sana pagandahin na nila ‘to tulad sa Iloilo) 🙂

Matapos makuha ni Maricar ang balikbayan box nya. haha! joke lang (naka bag kasi sya na de -ulong). sumakay na rin kami sa trike papuntang terminal ng bus pa-Sablayan. Kaso wala daw biyahe ang mga de-aircon kaya umandar muli ang tricycle para dalhin kami sa isang Bus Stop na ordinary lang biyaheng pa-Abra de Ilog. Dito na rin namin nakita at nakilala ang iba pa naming mga makakasama na nag Bus/Roro papunta dito: Jay, Kate, Gladys, Ken at Aisa.

PAALALA: Bago sumakay tanungin n’yo muna yung mga tricycle driver kung magkano ba talaga ang pamasahe. Sabi kasi samin sa loob ng paliparan P20 lang, pero noong pagbaba namin sa 50 per person na! Mabuti na lang marunong tumawad ang mga kasama ko kaya P100 na lang ang binayad namin.. parang naging tatlo isang daan na lang. Tagti-thirty five kami.

Now Boarding on Bus lels. 😛

Hindi ko alam kung may oras ‘tong bus na ito o naghihintay lang madagdagan ng pasahero. Medyo may katagalan din kaming naghintay. Nagawa pa naming magbabaan para bumili ng karagdagang dalahin tulad ng tubig at sunblock. May nakilala pa kaming Manong na reporter daw ng Love Radio sa Occidental Mindoro at Palawan na sya ring Board Member ng Lugar. Sinabihan nya din kami na tatakbo sya sa pagka bise-alkalde! Manalo nawa!  (feeling ko nga bet n’ya si Jeng. ayiiiiiiii lel. 😛 )

Isang malawak na taniman din pala ang Occidental Mindoro 🙂

Humigit Kumulang tatlong oras ang tinagal namin sa biyahe mula San Jose hanggang Sablayan. Tumuloy muna kami sa Sablayan Tourism Office, nagparehistro at nagbayad na rin ng bangka kasama na rin ang rerentahan naming tent at snorkel. (speaking snorkel hindi ko talaga alam ‘yun kaya nagmukha akong anga-anga sa kanila).

Ilang araw din kaming magiging Mangyan 😀
Amazing Sablayan: Tourism Office

P950.00 ang orihinan na ambagan namin pero dahil may kaunting problema sa computation bali naging P965.00 na yung nai-share ko. (ayos lang to be fair sa lahat).

Agad na ring kaming umalis lulan pa rin ng tricycle papuntang Pier kung saan naghihintay na ang aming kapitan. P10 per head ang singil sa amin. Pero sabi sa tourism office 8.00 pesos lang. (nyewan!)

Sa daungan palang kita na agad ang linaw ng tubig. Masisilayan mo na agad yung mga buhay na naninirahan sa ilalim nito tulad ng mga starfish.. o ha! san ka nakakita na Starfish na apat lang ang  galamay? (galamay ba tawag dun?) 😀

Starfish na Disable lels.

Humihit kumulang tatlong oras uli ang nailagi namin sa tubig. Nakakapagod sya kung tutuusin habang nagba-vibrate ang buo mong katawan dahil sa makina ng bangka, pero sulit na sulit pagbaba mo isla na Apo. Agad e-eksena sayo ang modernong Light house na parang gustung-gusto mo na syang agad akyatin.

Welcome to Apo Island
Ito yung sumalubong sa amin pagbaba.

Matapos maibaba ang mga gamit namin, hinanda na namin yung mga dala naming makakain. Lamon ang ginawa ko sa Champ na nabili ko sa Jollibee.. alam mo yung pakiramdam na nabusog ka dahil sa kailangan mo lang kumain? Ewan ko basta hindi ko naenjoy yung berjer ko! siguro dahil alam kong matatagalan pa ang pagkain ko ng kanin.

SNORKELING

map3Ito na yung sagot sa matagal ko nang katanungan kung ano ba yung snorkel at snorkeling. Katawa. pero ganun ako kawalang alam sa mga bagay na iyan. Lulan pa rin ng sinakyan naming bangka, suot ang mga life vest at dalang snorkel na sira (yung akin lang ata), dahan-dahan kaming bumaba sa bangka at sa unang apak ko sa tubig ay parang may mga bagay na nag-uudyok sa akin na huwag ko nang ituloy. Hindi ko akalain na kaya pala akong ilutang ng life vest. 😀

Hila-hila ng bangka habang nilu-lublob ang mukha, kitang-kita ko ang kaluluwa ng karagantan! Shetness!! pagkaganda-ganda. May mga isdang grupo-grupo ayon sa kanilang mga kaurian at kulay. May mga baby pating akong nakita, mga corales, mga starfish at kung anu-ano pa. May mga pawikan din pero hindi ko sila nasilayan sa bilis ng mga pangyayari halos gusto ko paikutin ulo ko ng 360 degree. (Nakanang parang PHL360degree lang lels Go! Chyng! obvious naman na ikaw yung nasa promo nila) Nagkalunuk-lunok ako ng maalat na tubig, pero sige pa rin kagagamit ng snorkel kahit sira. (para-paraan lang).

Naalala ko pala kalagayan ni Peng halos magmukha siyang pawikan nang halos maglapas-pasok ulo nya sa life vest hahaha! (yung life vest yung naging bahay nya) pero bago naman matapos ang snorkeling namin ay nasilayaan naman n’ya ang ganda ng ilalim ng tubig.

BARAKS: Dito tambay yung mga bantay dagat 😀
snorkeling habang kinakaladkad ng bangka. kewl.
ang Green Turtle yey!
Mga Tsismosong Isda 🙂
Agua! Agua! Nasaan ka na? ako pala si Otep hinahanap ko si Nemo lels. 😀

Ayoko mangitim (pero nognog ako ngayon) Nanatili sila sa dagat habang ako nagbanlaw na at nagpaduyan duyan na lang.

Habang nagtatampisaw ang karamihan sa dagat, gumala muna ako at lakas loob na pinuntahan ang Light House. Akala ko kasi hindi kami pupunta dito, pupunta din pala kami kinabukasan.(heksyated lang!) Akala ko walang daan sa gubat kaya sa dalampasigan ako dumaan. May pagkakataon pa ngang nadulas ako sa patag na bato ayun baldog! pero wala naman tao.

Dito ako Nadulas, remembrance.
Isa sa mga obstacle sa tabing dagat.

Parang mina-magnet talaga ako ng lighthouse kaya kahit sobrang layo ko na lakad pa rin ako ng lakad. Swerteng wala palang nagbabantay sa lighthouse kaya malaya akong nakapasok. Nagtangka akong umakyat pero hanggang kalagitnaan lang ako sa takot na mahulog ako at walang makakita. Sobrang ganda sa itaas kahit sa gitna lang ako.

Ang mapang-akit na LightHouse
Hanggang dito na lang inabot ko haha.
kahit anino nagja-Japan-Japan hahaha!
Papagawa ako ng ganito sa bahay 😀

Pero nakadama ako ng kakaiba na tila madaming elementong nakatingin sa akin kaya agad din akong bumaba. Sa takot na madulas muli sa mga batong minsa’y kakikitaan mo ng naipon na tubig kahit low tide kaya iniwasan ko ito, kaya sa mga pilapil na lang ako nagdaan kahit pa natatakot akong minsan sa paglalakad mo’y dakmain ka na lang ng hayop na nagtatago sa mga matataas na halaman at puno.

Safe pa rin naman akong nakatuntong sa hide out namin lels. Akala ko doon sa taas ng light house ko makikita ang paglubog ng araw pero hindi ko nagawa kaya pumunta na lang ako sa kanluraning bahagi ng isla at doon nasaksihan ko ang napakagandang paglubog ng araw. Nakita ko rin pala sina Maricar at Gladys.

kaka emo.. may mas maganda pa akong shot dyan. 😛

Pagkatapos masilayan ang paglubog ng araw nasa bandang likod lang pala ang nagmimistulang luwang mata -ang buwan. Napakaganda, bilog at maliwanag sya, sapat para bigyang liwanag ang buong isla.

NIK-NIK

Doon, nagsisimula na palang umatake ang mga lamok ng isla. Noong una Mik-mik ang dinig ko, Nik-nik pala. Hindi ako tsismoso pero sabi ng mga bantay-isla, isang oras daw sila aatake pero alas-diyes na! kulang na lang ilipad nila ako. Tantad ako ng kagat. Mabuti na lang binahagian ako ni Peng ng Off! (lamok siguradong tepok! -parang katol lang lels) hahaha. At salamat na rin pala… at may jacket ako at mahabang medyas na nabili ko pa sa Sagada.

Nakahiga kami sa kumot na inilatag ko sa buhangin sa ilalim ng buwan, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang tumo-toma si Peng at Donnie.

“Ma’am.., Sir, pasok na po kayo sa tent” -yan yung gumising sa amin. Akala ko umaga na, alas dose palang pala. Bumangon din ako agad para ipagpatuloy ang panaginip ko sa loob ng tent. Nakalimutan ko kung ano ang panaginip ko pero alam ko noong mga oras na iyon na gustung-gusto ko na makakain ng KANIN!! 😦

DAY 1 EXPENSES:

  • 1,880.48 = Airfare Ticket
  •       81.00 = 7-eleven
  •    200.00 = Taxi
  •    200.00 = Terminal Fee
  •     149.00 =  Jollibee
  •     145.00 = Mini Stop
  •       35.00 = Trike to Bus Station
  •       51.00 = Sun Block & Bottled Water
  •     113.00 = Bus to Sablyan
  •    965.00 = Contribution
  •       10.00 = Tricycle to Pier
  • P 3,829.48 = Total (Ang gastos ko! haha)

DAY 1 – SNORKELING: APO REEF 
► DAY 2 – APO REEF TO SABLAYAN
 DAY 3 – ANG MGA PAROLA NG SABLAYAN

–oOo–

Maraming Salamat muli sa mga karagdagang email subscribers | followers!

  • talinolakaspaninindigan
  • singchampagnesupernova
  • ryleian

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito.

Ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Maraming Salamat! 😀

BAGUIO: NANG MULI AKONG YUMAKAP SA ULAP


Matagal na panahon na rin ang nakararaan noong huling biyahe ko. Isa na siguro ito sa pinakamatagal kong biyahe -ang Cavite to Baguio.

Hindi na rin siguro lingid sa inyo ang kinahantungan ng buhay ko mula nang makagat ko ang sariling dila at nakatulog ng maraming panahon. Sanhi iyon ng masyadong pagbibida-bida, pagpapayaman at kasumpa-sumpang huwad na pagmamahal.

Kung mararamdaman sana lahat ng tao ang pakiramdam ng isang taong nawalan, nasaktan at nakulangan, mawari mauunawaan n’yo kung ano ang nais kong ipahayag. Napakahirap lumaban, ilang espada din ng luha ang sumugat sa’king buhay.

Gaya ng sabi ng karamihan, malalagpasan ko rin daw ‘to. Baka isa lang itong pagsubok na magpapatatag sa buhay ko. Kaya naman pilit akong lumalaban o nakikipaglaban sa kalungkutan. Alam kong deserve ko naman maging masaya matapos ang napakaraming buwan ng kapighatian.

Nang biglang may dumating sa buhay ko. Inalok ako ng mga pag-asa na nagdulot ng pagbuo ng mga pantasya, imahinasyon at pangarap. Sa wakas! nahuhugot na ko sa pagkakabaon at pagkakalugmok ko. Nagigising ako sa umaga na may mga ngiti sa aking isipan, ganoon din sa pagtulog. Unti-unti kong naranasan ang mga pangarap na sa panaginip ko lang natatagpuan.

Nadala ako ng mga imahinasyon ko, naniwala akong totoo ang mga ito. Nagpaindayog ako sa sarap at saya ng kasalukuyang nararamdaman ko. Tao pa rin ako! Buhay pa rin ang puso ko! Marunong pa rin akong umibig.

Gaya ng mga kasabihang “Kapag may gusto, may paraan; may dahilan pag ayaw” Ginusto ko ang isang bagay kaya gumawa ako ng paraan. Wala naman akong ipon pero nagawa kong makahagilap ng pamasahe papunta sa City of Pines. Inalok ako ng isang katuparan, tao lang naman ako para sumunod at para maramdaman ang kasiyahan.

Unti-unti kong naramdaman ang init, kasabay nito ang mga tibok ng puso kong di mapakali kung saan ito patutungo. Ang tanging pahiwatig nito sa pagkakaalam ko… ay umiibig ako. Dinala ako nito sa ulap. Inangat ako nito sa kasiyahan. Naramdaman ko ang kagaangan nito habang ako ay inilulutang nito sa alapaap ng mga pangarap.

Natapos ang araw. Kasabay nito ang malalamig na sandali na parang kailan lang ay nakakapaso sa pagkakabaga! Wala akong nagawa kundi magpasugat sa mga espada ng luha ko. Sobrang sakit!

Inilaglag ako bigla nito sa lupa mula sa napakataas na ulap ng mga pantasya at pangarap ko.

Lumpung-lumpo ako. Napapatanong tuloy ako, kung ano bang nagawang kasalanan ko bakit mo ako ginago?

Umalis ako noon sa bahay ng buo, masaya at puno ng pananabik. Umuwi ako ng kulang-kulang, sugatan at puno ng galit sa puso. Bakit ba may mga taong hindi marunong magpahalaga sa nararamdaman ng iba o kahit man lang sa oras na nilaan natin sa kanila. Sa huli, kasalanan ko pa rin ito. Nabubuhay pa rin ako sa mga imahinasyong suntok sa buwan ng mga katuparan.

Paki-usap ko lang sana sa mga taong nanlalaglag sa kaulapan, matuto naman tayong magpahala at mag-ingat sa mga pusong tinitibok kayo. Mas lalo na kung hindi naman kayo sinasaktan nito. Huwag kayong manulak na magpapabaon sa amin sa kalungkutan!

Sa huli, natutuhan kong magdala ng pananggalang… huwag makalimot magdala ng lubid ng katapangan na magliligtas sayo sa mga patibong na may mga huwad na pag-ibig!

ALAALA NG BUNDOK APO


mt apo
Elevation: 2,954 masl  (official) Coordinates: 6°59′15″N 125°16′15″E [1] Trail: Sta Cruz | Mountain type: Stratovolcano |  Listing: Country’s high point Ultra prominent peaks
DAVAO – Matatakutin ako sa dilim pero walang nagawa ang takot sa inaantok kong ulirat kaya agad din akong nakatulog kagabi.

Kina-umagahan, malamig na umaga na ang gumising sa’kin. Hindi pa man ako nakakalabas sa tent pero usapang musang at alitaptap na agad ang naririnig ko. Nag-imagine tuloy ako kung ilang uri kaya ng hayop ang nagbantay at pumalibot sa amin habang mahimbing kaming natutulog.

Habang naghahanda ng agahan ang mga guide namin, sinamantala namin ang pagkakataon para makipaglaro sa mga sinag ng araw na pilit na pumapasok sa siwang ng mga sangga at mga dahon. Ang sarap sa pakiramdam ng init na nagmumula doon.

Matapos mag-agahan, inihanda na rin namin ang mga lunchbox para sa tanghalian namin. Syempre luto pa rin ng mga guide. Malas lang maubusan ako (umalis lang kami ng saglit para kumuha ng tubig sa bukal). Mabuti na lang at marami akong dalang emergency food katulad ng tinapay.

Alas-ocho-y-medya na nang magsimula kaming rumatsada papuntang campsite 2. Noong mga unang sandali easy-easy lang kami sa paglalakad. Mayroon pang mga lugar na matatarik pero mga meron ding pababa naman. (mas gugustuhin mo naman yun kaysa pataas di ba? ). Pero dahil may mga matatarik na pababa asahan na ang mga susunod na paahon. At hindi lang basta paahon dahil matapos noon puro paahon na talaga lahat!

Hindi ko na nabilang kung ilang beses akong nag T5! (5 Minutes break) Pero may isang lugar doon na namukod-tangi na parang ayaw ko na umalis sa pagkakatindig ko. Para syang bintana na sinusulyapan mo para makita mo yung nasa labas. Ganda!

Matapos ang mahigit isang oras na pag-akyat, narating namin ang trail na medyo patag na. Sinyales na pala iyon na malapit na pala kami sa Tinikaran Campsite 2. Doon muling nakumpleto ang grupo. First time namin nag group picture taking dito.

Ilang sandali lang kami nagpahinga at nagpatuloy na kami sa susunod na pakay — ang mga boulders!! Sa tingin ko, ito na yung highlights ng adventure na ‘to. Pero bago pa iyon meron pa ring mga obstacles.

Kung nagbalak ka ng umakyat ng Apo at napa search sa internet isa sa mga pictures na makikita mo ang mga punong tumba na tila mga hurdles. Kinakailangan mo ng wagas na paghakbang para malagpasan mo ito.

BOULDERS
Ilang minuto pa at mararating na ang starting point ng boulders. Ayon sa signage, 3.85 km na lang ang layo nito mula sa summit. Mukhang malapit na pero ilang oras pa ang pupunuin para matapos ang humigit-kumulang apat na kilometrong iyon.

Sa puntong iyon, may maaamoy na kayong kakaiba na tila bugok na itlog na may kasamang pulbura. At habang papalayo kayo ng papalayo sa pinanggalingan nyo mas nalalapit naman kayo sa mas matinding amoy — sulfur iyon na inilalabas ng Apo. Ang bundok apo kasi ay isang stratovolcano o natutulog na bulkan. Hindi na naitala ang huling pagputok nito na maaring naganap pa noong nakaraang limang siglo.

Napakainit ng araw na iyon. Kaya mabuting makapagpahid muna kayo ng sunblock sa balat nyo na hindi ko nagawa bago magpatuloy umakyat. Mas lalong pang uminit nang masilayan ko na ang mga sulfuric vent with sound effects pa! Nakakamangha ang mga imaheng iyon! Pakiramdam ko maluluto ako sakaling madikit o mahulog ako sa mga umuusok na parteng iyon.

Hindi pa natapos ang mga supresa ng Mt. Apo, matapos masilayan ang mausok na parteng iyon, makakahalubilo mo naman ang mga nagkalat na blueberries na ready to eat na sa gilid ng mga boulders. Napakarami nila! Hindi ako kumakain ng blueberries pero tuwang-tuwa akong makita sila.

Nakakatulong ang ganda ng lugar para maibsan yung sobrang pagod sa pagsuong sa mga boulders. Sobrang lalaki ng tipak ng mga bato. Mapapatanong ka na nga lang sa sarili kung paano napunta o inuluwa ng lupa ang mga ganoong kalalaking mga bato. Sobrang galing ng kalikasan.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses kami tumigil. Sobrang hirap akyatin ng mga bato. Pilit ko na ngang iniiwasan ang trail o mga palatandaan nito dahil saganang akin, mas madaling gumalaw sa sarili mong diskarte o gumawa ng sarili mong trail. Ang importante naman makarating ka sa dulo.

Kaso noong makarating ka sa dulo, akala mo dulo na! hindi pa pala. Yung akala mong tanaw mo na ang summit hindi rin pa pala. Wala ka nang ibang pwedeng gawin kundi ipagpatuloy mo pa ang tila walang katapusang paglalakad mo.

Sa Hangganan ng mga boulders isang supresa muli ang nasilayan ko. Tila isang shooting location. Ang gaganda ng mga bato na napapalibutan ng mga halaman, iba’t ibang uri ng berries ang nandoon. Sabi ko kukuhaan ko ng picture ito pagbaba. E naging maulap edi wow! Kaya kung may pagkakataon kuha lang ng kuha. Pero kung tutuusin mas nakadagdag pa nga yung mga ulap na parang nasa loob ka ng literal na panaginip.

87 DEGREE
Bukod sa mga boulders, may isa pang obstacle ang naghihintay — ang “87 degree” — isang napaka tarik na parte na aakyatin mo. Hindi naman kailangan ng lubid o anu pa man kundi ang diskarte. Samahan pa ng mga gumugulong na malilit na bato kaya kailangan ng pag-iingat.

Lahat na ata ng klase ng daing narinig ko na sa mga kasama ko. Pero aminin nyo, minsan nakakatulong din mga hinaing natin para makadagdag ng lakas. Pero hindi din, gusto lang natin umarte na nahihirapan tayo. hahaha. 😀

CREATER
Tila walang katapusang pag-ahon. Akyat! akyat! akyat! Hanggang marating naman namin ang creater ng Mt Apo.

What is creater? -ang may gawa ng langit at lupa. #korni.

Dahil nga bulkan ang Apo mayroon itong creater kung saan dito nya inilabas ang poot nya sa mundo. Marahil dito din galing ang mga boulders.

Maulap nang marating namin ang creater. Kung suswertehin ka nga daw, pwede mong makita itong may tubig. eh El Niño ngayon. so alam na.

Sa kadahilanang wala ngang tubig ang creater, malaya ka pang makakapunta sa gitna nito. Kung may toyo kang tulad ko, baka ginawa mo din ang ginawa ko. Pilit akong gumawa ng pangalan ko sa pamamagitan ng mga bato. Nakabuo naman. Pagod nga lang.

Nagulat na lang ako ng ilang sandali biglang nawala ang mga ulap sa creater. Para syang kurtina sa isang malaking entablado na sa pagkakataas nito ay bubulaga sayo ang napakagandang obra ng kalikasan.

Sa unang pagkakataon nasulpayan na namin ang totoong summit.

Hindi ko malilimutan ang sandaling makita ko ang nasa paligid ko. Totoo ngang napakataas na namin. Hindi ko na alam kung alin ang langit, lupa at tubig sa kalayuan. Pero sigurado akong mga ulap ang malawak na nasisilayan ko. Para na akong nasa taas ng eroplano.

CAMPSITE 3
Ilang minuto pa ang lalakbayin bago makarating sa huling campsite malapit sa summit.

Marami pa ring mga halaman na hahawiin mo, pero ‘di hamak na mas madali na ito dahil pababa na at ang ilan ay bahagyang patag na din.

Napakaganda ng huling campsite. Katulad ng paghahambing ko matapos ang mga boulders, tila isa muling shooting location.

Napapalibutan ng maraming peak ang campsite. Kung tutuusin para kayong nasa isang lambak o kapatagan sa pagitan ng mga bundok. Ito na ang pinaka magandang campsite na narating ko. Mas lalo ko pang na-appreciate ng tumuntong ako sa isang mataas na bato dito. Gusto ko na nga sanang deretsohin ang summit dahil napakalapit na nito, dito.

Hapon na ng makumpleto ang grupo sa campsite. Noong una maganda ang hapon at handang handa ng magpakitang gilas ang araw sa paglubog nito. Kaso naging maulap kaya hindi na rin namin tuluyang nasilayan.

MALA-PULAG SA LAMIG
Kung naging malamig ang naging unang gabi namin sa loob ng kabundukan. Sa pagkakataong ito na mas malapit na kami sa summit ay naging triple na ito. Sobrang lamig talaga na mangangatog ang baba mo. Sabi nga nila na may pagkakataong nagiging 1 degree ang lamig dito.

Naging maulan ang gabi. Hindi naman kami nabasa sa tent, pero may mga ilang tubig talagang hindi maiiwasang makapasok. May mga pagkakataong nagigising ako dahil sa ilang patak sa ulo ko. Pero wala iyong nagawa sa mahimbing na pagkakatulog ko.

Good night! 🙂

PULAG: KAPAGURANG GUGUSTUHIN MO


After 4 years… balik tayo please. Hindi ko pa natapos yung kwento haha

Libre Lang Mangarap!

5Napapagod ka na ba? Yung pakiramdam na pwede mo namang iwaksi at iwasan ang isang bagay pero hindi pwede dahil kailangan? E, yung ‘pagod’ na kahit alam mong hirap na hirap ka na pero disidido ka pa ring tapusin ‘to dahil alam mong dito ka masaya?

Sigurado akong minsan mo ring naramdaman ‘to. Yung pagkakataong… pwede ba sa isang araw man lang ay makatakas tayo sa pagod at sa positibong pagkakataon naman ito maranasan?

Halos mag-iisang taon na rin noong maganap ang kakaibang karanasan kong ito. Pakiramdam ko ito na yung tinatawag na “nagpabuhay sa katawang-lupa ko”. Sa loob ng dalawang araw at tatlong gabi, nalayo ako sa problema ng syudad. Wala akong ibang naiisip kundi ang mga bagay kung paano ko malalagpasan at mapagtatagumpayan ang pakay kong maakyat ang pinaka mataas na bundok sa Luzon sa taas na 2,922 meters (above sea level), at pangatlo sa buong Pilipinas matapos ang bundok Dulang-dulang at Apo sa Mindanao.

‘Araw’…

View original post 996 more words

HAYAHAY TRIP SA MT PUNDAQUIT + ANAWANGIN COVE 2017 @ 1.5K (MAY SUKLI PA)


mt pundaquit
Elevation: 464 masl | Trail: Brgy. Pundaquit, San Antonio, Zambales | Diffiiculty: 3/9

Kung naghahanap ka ng Adventure na may kasamang hayahay trip o tipong matapos mapagod sa pag akyat ng bundok ay tamang pahinga naman sa isang dagat ang gusto n’yong ma-feel, tamang-tama sa inyo ang Mt. Pundaquit + Anawangin Cove (over night) sa Zambales sa budget na Php 1,500 (may sukli pa).

Bago ang kwento narito ang details ng naging damage:

BUDGET:
P 207.00 – Bus Manila to Olongapo
P 260.00 – Bus San Antonio to Manila
P 044.00 – Olongapo to San Antonio – PhP44 (ordinary bus)
P 060.00 – Tricycle to Brgy Pundaquit, Purok 2 (vice versa)- Php30-35 per head
P 020.00 – Environmental Fee (Municipal Hall)
P 650.00 – Package Per Head
Inclusive of:

  • Boat (back and fort)
  • Uling
  • Bonfire
  • Tent (2)
  • Guide
  • Cooler with Ice
  • Entrance Fee Anawangin
  • Drinking Water (1 Container)
  • Utencils and Cookware
  • Option trip to Camara Island (depende kung malakas ang alon)

P 1,241.00 = Total (food not included, iba-iba naman kasi tayo ng kinakain/ pwede pang sharing)

— oOo —

IMG_6005

SAN ANTONIO, ZAMBALES — Summer na! Sigurado akong madami sa inyo ang naghahanap na ng mapupuntahan. At sigurado din akong isa sa mga criteria n’yo bukod sa accesible ito, kinukunsidera n’yo rin ang budget pati na rin syempre ang dagsa ng tao sa lugar.

Ang totoo, isa sa option kong puntahan sana ay ang Layag-layag beach at Masasa beach sa Batangas pero kung makikita n’yo ang mga post sa FB tulad sa DIY Group, sobrang dami na ng tao na dumadagsa doon. Nakakatamad tuloy puntahan na parang hindi ka na rin makakapag relax ng maayos kung itutuloy mo.

Kaya naman kahit nakapunta na ako sa Zambales mas napili ko na lang na magbalik dito.

Madaming tao!? walang problema dahil nakaparaming Cove dito mamimili ka na lang at di ka mauubusan ng pwesto. Pwede kang mag-Anawangin Cove, mag-Talisayen Cove at mag-Nagsasa Cove. Syempre mas malayo mas tataas ang presyo, pero mas malayo mas kaunti ang tao.

Pero kung bundok + dagat talaga ang hanap nyo tulad din ng hanap ko saktong-sakto talaga ang Mt. Pundaquit + Anawangin Cove.

PAANO PUMUNTA?:
Option 1 (one way) : Victory Liner Cubao/Caloocan San Antonio, Zambales (bound Iba/Sta Cruz, Zambales) ➠ Trike from San Antonio to Brgy Pundaquit, Purok 2 (bakery)

Note:
First trip from Victory Cubao: 5:00 am.
Last trip from Victory Cubao: 11:55 pm

Option 2 (via Olongapo City) : Victory Liner Cubao/Caloocan Olongapo CitySan Antonio, Zambales (bound Iba/Sta Cruz, Zambales)  Trike from San Antonio to Brgy Pundaquit, Purok 2 (bakery)

Note:
First trip From Victory Cubao: 3:00 am

ITINERARY:

DAY 1
11:55 – ETD Manila to San Antonio via Victory Liner Cubao
04:00 – ETA San Antonio, Zambales (pay 20 pesos for environmental fee @ waiting shed, Municipal hall). Take trike to Purok 2, Pundaquit
04:15 – ETA, Purok 2, Meet ate Shella and guide. Final Preparation. (comment for contact of ate Shella)
05:00 – Start Trek to Summit
07:00 – ETA to Summit
07:30 – Start Trek to Anawangin Cove from Summit
09:30 – ETA to Anawangin Cove.
10:00 – onward: Open time 😀 lol

DAY 2
05:30 – Wake up call (kung gusto nyo mag sun rise watching sa isa sa mga peak dun mababa lang naman)
06:00 – onward: open time
13:00 – break tent, preparation for side trip to Camara Island (Optional, pag malakas ang alon kawawa naman)
14:00 – Waiting for the Boat. ETD Anawangin Cove to Camara Island
14:30 – ETA Camara Island.
15:00 – ETD Camara Island to Ate Shella’s house
15:30 – ETA Ate Shella House. (take shower. Tabo pala) 15 pesos
16:00 – ETD San Atonio to Olongapo/Manila
22:00 – ETA Manila

Mula Victory Liner Cubao nag-option 2 na lang kami dahil hindi na namin mahihintay ang 3:00 am first trip bound to Iba, Zambales. ganun din naman yun, lahat naman ng bus dadaan ng Olongapo City. Mula sa Olongapo City, sumakay kami ng Iba/Sta Cruz na bus. Marami namang bumababa sa San Atonio kaya di kayo lalagpas.

Sa waiting shed mismo kayo ibababa. Nag-aabang na agad doon ang mga tauhan ng City hall para maningil ng 20 pesos environmental fee. Bibigyan naman kayo ng ticket na ipapakita/ibibigay bago makapasok sa Brgy. Pundaquit. Kung doon naman kayo sasakay ng trike, doon na rin kayo mag la-log-in.

Kung may sundo naman kayo, bago na kayo pumasok ng Brgy Pundaquit (parang check point) magbabayad ng 20 pesos para environmental fee, doon na rin kayo magla-log-in.

At dahil 7:00 am na kami nakarating doon matapos makuha ang 3:00 am trip to Olongapo City. 8:00 am na kami nakapag simulang umakyat.

Umaga palang napakainit na! Kaya mainam kung magsisimula kayo ng medyo maaga. Maganda ding makita ang sun rise sa bundok.

Sa trail makakakita kayo ng ganitong halaman.

Maraming katagawan sa uri ng halaman ito: Dulce Kurumbot, Kulangut-kulangutan, Pagkaing Ahas, Bukot-bukot, Taklang manenok at Pusa-pusa. Hindi ko alam sino ang nagsasabi ng totoo. haha

Kinakain daw iyan. Pero hindi ko na tinikman kasi mahina sikmura ko sa mga bagong pagkain. Sabi naman ng mga kasama ko, matamis daw sya! K.

Easy trek lang ang Mt. Pundaquit na may taas na 464 masl kayang-kaya ng begginer na tulad ko. 😀

Madali man, pahihirapan din kayo ng init dahil 95% open trail ito, ibig sabihin bibihira lang ang puno. Ganoon pa man, sulit-na-sulit ang trail.

Mabuti na lang may payong ako. 😛

Hindi ko ugaling magmadali sa trail, lalo na’t wala naman kaming hinahabol na oras. Hindi mo ma-appreciate ang ganito kagandang lugar kung hindi mo titigilan.

Sabi ng guide namin, “Swimming pool” daw tawag dito – mga naipong tubig sa ilog na nagmistulang lawa. Marahil gawa ng summer o mainit na panahon  kaya halos di na dumadaloy ang mga tubig dito. Ganoon pa man napakalinaw pa rin ng tubig!

Sa tulad naming nagsimula noong tirik na ang araw, hindi talaga maiwasan ang huminto ng huminto. Maiman na yun kaysa ma-stroke kami sa ganito kainit na panahon.

Sulit naman ang lahat, lalo na kung nasa sa summit ka na, nakakapanabik bumaba kapag natatanaw mo na ang dagat at puting buhangin nito.

Natatangi ang bundok ng Pundaquit dahil pagkababa na pagkababa mo, mismong Anawangin Cove na agad ang babagsakan mo. Hindi tulad sa ibang bundok na pagkababa mo ay hahanap pa kayo ng side trip.

Agad naming kinuha ang gamit sa bangka na pinasabay namin para hindi na namin dalhin sa bundok. Lumaklak ng coke at halo-halo bilang reward sa sarili namin. Nagtayo ng tent, naghanda ng makakain at nagduyan.

May nabibiling mga duyan doon sa halagang 100-150 pesos, pero mainam pa rin kung may dala ka. Haaaaaaaaaaaay.. ang sarap lang mag duyan.

Hayahay ang sumunod na kwento. Ang sarap magpahinga matapos ang nakakapagod na pag-akyat ng bundok. Tandaan: Mas masarap magpahinga pag pagod na pagod ka. Kaya kung pupunta ka rin naman doon, mas mainam na daaanan mo ang bundok Pundaquit.
Gustung-gusto ko ang dagat pero ayaw ko maligo. weird. kaya natulog na lang ako sa duyan habang nagpabalik-balik sa dagat ang mga kasama ko.

Gabi na ng magising ako. Nag bonfire kami at kumain ng BBQ. oo may nagtitinda doon. 🙂

Matapos noon muli kaming bumalik sa dalampasigan para naman manood ng mga bituin. Sobrang ganda. Nakakapawi ng pagod. Kaya muli akong nakatulog lol. 😀

Pagkagising namin kinaumagahan, nag almusal lang kami at umakyat naman ng mababang bundok doon. Sobrang ganda. Tanaw na tanaw ang kabilang cove ng Anawangin.

May Dalawa kasing Cove sa Anawangin ang una ay nasa north kung saan doon talaga ang mga resort, ang isa ay nasa south na walang-katao-tao. Hindi ko alam kung bakit walang tao dito, siguro pribado o kung ano.

At dahil nakakaakit ang katahimikan doon, lakas loob kong sinundan ang trail pababa ng mag-isa. Sanay naman ako mag-isa.

Pagkababa, nawala ang pagod ko dahil napaka ganda nga doon. At sa aking obserbasyon kaya siguro hindi ginawan ng resort doon dahil medyo mabato o siguro inilaan iyon para sa mga pahiwakan at ibang nilalang ng dagat bilang tirahan o pangitlugan nila. Ma-halaman dagat din kasi yung parteng iyon.

Wala lang, lakas ng trip ko e. (huwag nyo akong gayahin)

Muli akong umakyat para puntahan ang mga kasama ko. Sa pagbaba namin, pumasok naman kami sa isang resort kung saan may sarili silang ilog (susyal). Ewan ko kung bakit kailangan nilang hati-hatiin ang Anawangin bilang resort, napapaisip ka na lang tuloy kung kailan pa nagkaroon ng pagmamay-ari ng isang ilog, bundok at dagat ang isa tao. Kaya wag kayo magtataka kung bakit may kanya-kang bakod na kahoy doon.

Wala namang kumaladkad samin palabas, siguro kinakailangan mo lang magbayad kung doon ka gagamit ng mga palikuran nila at magtatayo ng tent.

Napakaganda ng resort nila, mas malawak, mas magaganda ang puno at may ilog nga doon. Sa tingin ko nga mas maganda iyon kung hindi tag-araw dahil sagana iyon sa tubig mula sa mga bundok.

Bumalik din kami sa bakod namin este sa resort namin matapos noon, Inubos ko ang mga nalalabing oras sa pakikipagkwentuhan, pagkain, pahinga, pahinga, pahinga at napakaraming pahinga. sulit na sulit ang weekend!

Akala ko tapos na ang adventure, pahil pagsakay namin sa bangka pabalik sa bahay ni Ate Shella ay napakalakas ng alon. Hindi na nga kami natuloy sa sidetrip namin sa Camara Island na sya namang pinasalamat ko dahil gustung-gusto ko na talaga bumaba sa takot. Basang-basa ako. Siguro karma ko iyon dahil hindi mo nagawang maligo sa dagat. hahaha. 😀

Buhay naman kaming nakalapag sa lupa, sa buhangin pala. Wala akong lifevest noon. Kaya mainam na i-secure iyon sa makukuha nyong bangka. Mainam pa rin ang safety first. Ganoon pa man ipinaalam ko naman iyon kay Ate Shella.

S’ya nga pala, pwede din naman kayo mag back trail sa Mt. Pundaquit kung ayaw nyo magbangka, iyon nga lang, pagod kayong uuwi ng Maynila. E diba kaya tayo nag babakasyon para magpahinga?

Sulit na sulit ang weekend na iyon, Sobrang sarap mag pahinga. Hindi lang nabusog ang sikmura ko pati na rin sa mga nakita ko.

Nakakatangal ng stressed. Wala kang ibang inaalala, walang iistorbo sayo. Walang FB, walang email, walang wifi, walang text dahil walang signal dito ang meron lang unli-pahinga 🙂

Nature Connection ko. 🙂