Category Archives: MOUNTAIN

HAYAHAY TRIP SA MT PUNDAQUIT + ANAWANGIN COVE 2017 @ 1.5K (MAY SUKLI PA)


mt pundaquit
Elevation: 464 masl | Trail: Brgy. Pundaquit, San Antonio, Zambales | Diffiiculty: 3/9

Kung naghahanap ka ng Adventure na may kasamang hayahay trip o tipong matapos mapagod sa pag akyat ng bundok ay tamang pahinga naman sa isang dagat ang gusto n’yong ma-feel, tamang-tama sa inyo ang Mt. Pundaquit + Anawangin Cove (over night) sa Zambales sa budget na Php 1,500 (may sukli pa).

Bago ang kwento narito ang details ng naging damage:

BUDGET:
P 207.00 – Bus Manila to Olongapo
P 260.00 – Bus San Antonio to Manila
P 044.00 – Olongapo to San Antonio – PhP44 (ordinary bus)
P 060.00 – Tricycle to Brgy Pundaquit, Purok 2 (vice versa)- Php30-35 per head
P 020.00 – Environmental Fee (Municipal Hall)
P 650.00 – Package Per Head
Inclusive of:

  • Boat (back and fort)
  • Uling
  • Bonfire
  • Tent (2)
  • Guide
  • Cooler with Ice
  • Entrance Fee Anawangin
  • Drinking Water (1 Container)
  • Utencils and Cookware
  • Option trip to Camara Island (depende kung malakas ang alon)

P 1,241.00 = Total (food not included, iba-iba naman kasi tayo ng kinakain/ pwede pang sharing)

— oOo —

IMG_6005

SAN ANTONIO, ZAMBALES — Summer na! Sigurado akong madami sa inyo ang naghahanap na ng mapupuntahan. At sigurado din akong isa sa mga criteria n’yo bukod sa accesible ito, kinukunsidera n’yo rin ang budget pati na rin syempre ang dagsa ng tao sa lugar.

Ang totoo, isa sa option kong puntahan sana ay ang Layag-layag beach at Masasa beach sa Batangas pero kung makikita n’yo ang mga post sa FB tulad sa DIY Group, sobrang dami na ng tao na dumadagsa doon. Nakakatamad tuloy puntahan na parang hindi ka na rin makakapag relax ng maayos kung itutuloy mo.

Kaya naman kahit nakapunta na ako sa Zambales mas napili ko na lang na magbalik dito.

Madaming tao!? walang problema dahil nakaparaming Cove dito mamimili ka na lang at di ka mauubusan ng pwesto. Pwede kang mag-Anawangin Cove, mag-Talisayen Cove at mag-Nagsasa Cove. Syempre mas malayo mas tataas ang presyo, pero mas malayo mas kaunti ang tao.

Pero kung bundok + dagat talaga ang hanap nyo tulad din ng hanap ko saktong-sakto talaga ang Mt. Pundaquit + Anawangin Cove.

PAANO PUMUNTA?:
Option 1 (one way) : Victory Liner Cubao/Caloocan San Antonio, Zambales (bound Iba/Sta Cruz, Zambales) ➠ Trike from San Antonio to Brgy Pundaquit, Purok 2 (bakery)

Note:
First trip from Victory Cubao: 5:00 am.
Last trip from Victory Cubao: 11:55 pm

Option 2 (via Olongapo City) : Victory Liner Cubao/Caloocan Olongapo CitySan Antonio, Zambales (bound Iba/Sta Cruz, Zambales)  Trike from San Antonio to Brgy Pundaquit, Purok 2 (bakery)

Note:
First trip From Victory Cubao: 3:00 am

ITINERARY:

DAY 1
11:55 – ETD Manila to San Antonio via Victory Liner Cubao
04:00 – ETA San Antonio, Zambales (pay 20 pesos for environmental fee @ waiting shed, Municipal hall). Take trike to Purok 2, Pundaquit
04:15 – ETA, Purok 2, Meet ate Shella and guide. Final Preparation. (comment for contact of ate Shella)
05:00 – Start Trek to Summit
07:00 – ETA to Summit
07:30 – Start Trek to Anawangin Cove from Summit
09:30 – ETA to Anawangin Cove.
10:00 – onward: Open time 😀 lol

DAY 2
05:30 – Wake up call (kung gusto nyo mag sun rise watching sa isa sa mga peak dun mababa lang naman)
06:00 – onward: open time
13:00 – break tent, preparation for side trip to Camara Island (Optional, pag malakas ang alon kawawa naman)
14:00 – Waiting for the Boat. ETD Anawangin Cove to Camara Island
14:30 – ETA Camara Island.
15:00 – ETD Camara Island to Ate Shella’s house
15:30 – ETA Ate Shella House. (take shower. Tabo pala) 15 pesos
16:00 – ETD San Atonio to Olongapo/Manila
22:00 – ETA Manila

Mula Victory Liner Cubao nag-option 2 na lang kami dahil hindi na namin mahihintay ang 3:00 am first trip bound to Iba, Zambales. ganun din naman yun, lahat naman ng bus dadaan ng Olongapo City. Mula sa Olongapo City, sumakay kami ng Iba/Sta Cruz na bus. Marami namang bumababa sa San Atonio kaya di kayo lalagpas.

Sa waiting shed mismo kayo ibababa. Nag-aabang na agad doon ang mga tauhan ng City hall para maningil ng 20 pesos environmental fee. Bibigyan naman kayo ng ticket na ipapakita/ibibigay bago makapasok sa Brgy. Pundaquit. Kung doon naman kayo sasakay ng trike, doon na rin kayo mag la-log-in.

Kung may sundo naman kayo, bago na kayo pumasok ng Brgy Pundaquit (parang check point) magbabayad ng 20 pesos para environmental fee, doon na rin kayo magla-log-in.

At dahil 7:00 am na kami nakarating doon matapos makuha ang 3:00 am trip to Olongapo City. 8:00 am na kami nakapag simulang umakyat.

Umaga palang napakainit na! Kaya mainam kung magsisimula kayo ng medyo maaga. Maganda ding makita ang sun rise sa bundok.

Sa trail makakakita kayo ng ganitong halaman.

Maraming katagawan sa uri ng halaman ito: Dulce Kurumbot, Kulangut-kulangutan, Pagkaing Ahas, Bukot-bukot, Taklang manenok at Pusa-pusa. Hindi ko alam sino ang nagsasabi ng totoo. haha

Kinakain daw iyan. Pero hindi ko na tinikman kasi mahina sikmura ko sa mga bagong pagkain. Sabi naman ng mga kasama ko, matamis daw sya! K.

Easy trek lang ang Mt. Pundaquit na may taas na 464 masl kayang-kaya ng begginer na tulad ko. 😀

Madali man, pahihirapan din kayo ng init dahil 95% open trail ito, ibig sabihin bibihira lang ang puno. Ganoon pa man, sulit-na-sulit ang trail.

Mabuti na lang may payong ako. 😛

Hindi ko ugaling magmadali sa trail, lalo na’t wala naman kaming hinahabol na oras. Hindi mo ma-appreciate ang ganito kagandang lugar kung hindi mo titigilan.

Sabi ng guide namin, “Swimming pool” daw tawag dito – mga naipong tubig sa ilog na nagmistulang lawa. Marahil gawa ng summer o mainit na panahon  kaya halos di na dumadaloy ang mga tubig dito. Ganoon pa man napakalinaw pa rin ng tubig!

Sa tulad naming nagsimula noong tirik na ang araw, hindi talaga maiwasan ang huminto ng huminto. Maiman na yun kaysa ma-stroke kami sa ganito kainit na panahon.

Sulit naman ang lahat, lalo na kung nasa sa summit ka na, nakakapanabik bumaba kapag natatanaw mo na ang dagat at puting buhangin nito.

Natatangi ang bundok ng Pundaquit dahil pagkababa na pagkababa mo, mismong Anawangin Cove na agad ang babagsakan mo. Hindi tulad sa ibang bundok na pagkababa mo ay hahanap pa kayo ng side trip.

Agad naming kinuha ang gamit sa bangka na pinasabay namin para hindi na namin dalhin sa bundok. Lumaklak ng coke at halo-halo bilang reward sa sarili namin. Nagtayo ng tent, naghanda ng makakain at nagduyan.

May nabibiling mga duyan doon sa halagang 100-150 pesos, pero mainam pa rin kung may dala ka. Haaaaaaaaaaaay.. ang sarap lang mag duyan.

Hayahay ang sumunod na kwento. Ang sarap magpahinga matapos ang nakakapagod na pag-akyat ng bundok. Tandaan: Mas masarap magpahinga pag pagod na pagod ka. Kaya kung pupunta ka rin naman doon, mas mainam na daaanan mo ang bundok Pundaquit.
Gustung-gusto ko ang dagat pero ayaw ko maligo. weird. kaya natulog na lang ako sa duyan habang nagpabalik-balik sa dagat ang mga kasama ko.

Gabi na ng magising ako. Nag bonfire kami at kumain ng BBQ. oo may nagtitinda doon. 🙂

Matapos noon muli kaming bumalik sa dalampasigan para naman manood ng mga bituin. Sobrang ganda. Nakakapawi ng pagod. Kaya muli akong nakatulog lol. 😀

Pagkagising namin kinaumagahan, nag almusal lang kami at umakyat naman ng mababang bundok doon. Sobrang ganda. Tanaw na tanaw ang kabilang cove ng Anawangin.

May Dalawa kasing Cove sa Anawangin ang una ay nasa north kung saan doon talaga ang mga resort, ang isa ay nasa south na walang-katao-tao. Hindi ko alam kung bakit walang tao dito, siguro pribado o kung ano.

At dahil nakakaakit ang katahimikan doon, lakas loob kong sinundan ang trail pababa ng mag-isa. Sanay naman ako mag-isa.

Pagkababa, nawala ang pagod ko dahil napaka ganda nga doon. At sa aking obserbasyon kaya siguro hindi ginawan ng resort doon dahil medyo mabato o siguro inilaan iyon para sa mga pahiwakan at ibang nilalang ng dagat bilang tirahan o pangitlugan nila. Ma-halaman dagat din kasi yung parteng iyon.

Wala lang, lakas ng trip ko e. (huwag nyo akong gayahin)

Muli akong umakyat para puntahan ang mga kasama ko. Sa pagbaba namin, pumasok naman kami sa isang resort kung saan may sarili silang ilog (susyal). Ewan ko kung bakit kailangan nilang hati-hatiin ang Anawangin bilang resort, napapaisip ka na lang tuloy kung kailan pa nagkaroon ng pagmamay-ari ng isang ilog, bundok at dagat ang isa tao. Kaya wag kayo magtataka kung bakit may kanya-kang bakod na kahoy doon.

Wala namang kumaladkad samin palabas, siguro kinakailangan mo lang magbayad kung doon ka gagamit ng mga palikuran nila at magtatayo ng tent.

Napakaganda ng resort nila, mas malawak, mas magaganda ang puno at may ilog nga doon. Sa tingin ko nga mas maganda iyon kung hindi tag-araw dahil sagana iyon sa tubig mula sa mga bundok.

Bumalik din kami sa bakod namin este sa resort namin matapos noon, Inubos ko ang mga nalalabing oras sa pakikipagkwentuhan, pagkain, pahinga, pahinga, pahinga at napakaraming pahinga. sulit na sulit ang weekend!

Akala ko tapos na ang adventure, pahil pagsakay namin sa bangka pabalik sa bahay ni Ate Shella ay napakalakas ng alon. Hindi na nga kami natuloy sa sidetrip namin sa Camara Island na sya namang pinasalamat ko dahil gustung-gusto ko na talaga bumaba sa takot. Basang-basa ako. Siguro karma ko iyon dahil hindi mo nagawang maligo sa dagat. hahaha. 😀

Buhay naman kaming nakalapag sa lupa, sa buhangin pala. Wala akong lifevest noon. Kaya mainam na i-secure iyon sa makukuha nyong bangka. Mainam pa rin ang safety first. Ganoon pa man ipinaalam ko naman iyon kay Ate Shella.

S’ya nga pala, pwede din naman kayo mag back trail sa Mt. Pundaquit kung ayaw nyo magbangka, iyon nga lang, pagod kayong uuwi ng Maynila. E diba kaya tayo nag babakasyon para magpahinga?

Sulit na sulit ang weekend na iyon, Sobrang sarap mag pahinga. Hindi lang nabusog ang sikmura ko pati na rin sa mga nakita ko.

Nakakatangal ng stressed. Wala kang ibang inaalala, walang iistorbo sayo. Walang FB, walang email, walang wifi, walang text dahil walang signal dito ang meron lang unli-pahinga 🙂

Nature Connection ko. 🙂

ANG MT. UGO AT ANG BAON KONG HOPIA


mt-ugo
Elevation: 2,150 masl; Coordinates: LLA: 16.31916°N, 120.80166°E | Trail: Kayapa, N. Viscaya; Tinongdan, Itogon, Benguet | Difficulty: 5/9

ITOGON, BENGUET — Kalahating taon na rin noong huling ahon ko sa isang bundok. At para sa kaalaman ng lahat, mapalad akong isa sa mga huling umakyat sa Mt. Apo bago ito masunog. Nakakalungkot na marami pang taon ang hihintayin bago ito maakyat muli.

Nakakapanabik na may kasamang takot na sa wakas, muli na naman akong sasabak sa mahaba-habang lakaran. Ayaw ko nang maulit yung nangyari sa akin sa Mt. Isarog, kaya natatakot talaga ako. Akala ko talaga hindi ko na iyon kakayanin. Mangiyak-ngiyak akong inakyat iyon. Tila tinaydor kasi ako ng lahat ng kasu-kasuhan ko sa pananakit: paa, tuhod, hita, balikat at isama mo na rin ang mga baga ko. Iba pa yun sa nararamdaman ng Puso ko (mas masakit yun. lol). 😛

Wala akong practice bukod sa paglalakad ng apat na kilometro araw-araw bago ang pag-akyat na ito. Kaya matinding mentalidad lang ang baon ko at tiwala na kahit anong mangyari ay kakayanin ko ito. Mabuti na lang talaga at sanay akong magtiwala. Pinagkatiwalaan nga kita noon e, sarili ko pa kaya? 😛

Espesyal sakin ang Mt. Ugo, noon pa man bukang-bibig ko na ito. Hindi ko alam, pero siguro namisteryohan lang ako sa kuwento ng ‘karas’ ko kung bakit niya ito paborito. O siguro, gusto ko lang talagang ipagduldulan sarili ko sa kanya… na gusto ko sya, na gusto ko syang makasama isang araw. Kaso sa social media palang rejected na ‘ko. Nagawa n’ya akong i-blocked sa twitter e. Sakit besh! Kasalan bang i-like lahat ng post nya? Nagmukha akong stalker! Kaya hindi ko rin sya masisi sa ginawa n’yang iyon. Hindi ako maka move on kaya nagawa ko naman syang i-blocked sa facebook. haha (lakas maka estudyante). 😀

Ngayon, mas naiintindihan ko na kung bakit gusto kong makapunta sa Mt. Ugo hindi dahil sa namimisteryohan lang talaga ako dito. Kundi, gusto kong pagkwentuhan ang mga naging karanasan mo, sa mga naging karanasan ko dito. Pero hindi din, gusto ko lang talagang mag kwento.

Dear KT,

Musta? Nakarating na pala ako sa Mt Ugo, totoo nga the best dun! Sigurado akong minsan sa paglalakad ko sa trail ay nagawa ko ring apakan ang mga naapakan mo. Ang chessy nun! kaso bigla akong napasimangot, naalala ko kasi na minsan sa buhay ko  ay naging hopia ako sa tulad mo, pero hindi din.. lagi naman.

Idol si Doraemon,
Otep

Puyat man dahil galing sa trabaho, tiwala lang talaga na hindi ako aantukin. Isa ito sa mga sakripisyo ng mga panggabi, kumikita ka ng maayos pero maraming bagay ang hindi mo mai-enjoy kung itutulog mo lang ang mga libreng araw mo.

Alas-11 ng gabi nang bumayahe kami pa-norte sakay ng Victory liner sa Kamuning, Quezon City. Akala ko makakatulog pa ko pero nagpipintig ang sintido ko na gustong kumawala at mag-ingay habang nagsisigaw na “Hindi ka pwedeng matulog!!”. Paskyet talaga gusto ko syang ibato sa bintana kung pwede lang.

20160820_054310
Aritao, Nueva Viscaya bus terminal. Unknown mountain at the backround.

Madilim pa noong makarating kami sa bus terminal ng Aritao, Nueva Viscaya. Doon namin hinintay ang Jeep na magdadala samin sa bayan ng Kayapa kung saan naroon ang jump-off paakyat ng Mt Ugo. Dahil bida-bida ako, at sobrang namiss ko ang topload, ginawa ko iyon. Tang-ina ang lamig!.

Isang oras na byahe din yun sa taas ng Jeep.

20160820_061501
Topload

Pangalan pa lang ng lugar hindi mo alam kung naghahamon o nang-aasar – Kayapa?

20160820_073415
Donny and I infront of Kayapa Town Hall

Napakasimple lang ng lugar, simple man may mga bagay na dapat igalang at obserbahan. Bawal po namigarilyo sa Kayapa kung ayaw mong mamultahan.

Maraming kainan sa Kayapa Public Market, doon na kami kumain ng almusal. Sayang nga di ko nagawang magpabalot, masarap sana ang naging tanghalian ko.

20160820_073827
Selfie at Kayapa Public Market

Alas-9 na ng umaga nang magsimula kaming maglakad paakyat. Gaya ng mga una kong ahon sa ibang bundok, magandang kilalanin mo muna ang sarili mong kakayanan. Mahirap magbida-bida sa trail. Medyo kilala ko na naman sya. 😛 lels, critical time ko talaga ang first 15-20 minutes. Huwag pilitin kung sobrang naghahabol ka na ng hininga dahil sigurado akong magpipintig na naman sintido ko at makakaramdam ng pagsusuka.

20160820_102515
Pine trees after hours of walking.

Walang warm up ang trail papuntang Ugo, I mean, walang mahabang lakaran sa patag bago ang mga paakyat katulad sa Mt Pulag.

Isa sa kagandahan ng Mt Ugo traverse maraming water source! mabuti na lang dahil sobrang pait ng tubig ko mula sa bago kong water bladder. Pero mas mapait pa rin ang feeling ko sayo. Hindi pala uubra ang simpleng hugas at babad ng tubig dun. Isang aral na naman ng ang natutuhan ko sa pamumundok. Bawal mag assume.

Matapos ang apat na oras na paglalakad at pagpapabebe. Narating namin ang kumunidad kung saan kami nananghalian. May tindahan dito, may softdrinks at pwede ka rin maglabas ng galit mo dahil may toilet.

Kulang-kulang isang oras din ata kami nanatili dun bago magpatuloy.

Makabunot-tinik sa dibdib ang sumunod na trail. Tamang-tama sa busog naming tiyan. Pang-alay lakad lang ang peg. Isang mahabang lakaran sa patag na daan. Kung hindi ako nagkakamali, dini-develop na ito para maging kalsada. Iniisip ko nga, sakaling ma-sementuhan na ito, parang mawawalan na ng thrill ang pag-akyat. Sabi naman ni kuya Noel na guide namin, sakaling mangyari naman iyon ay magbubukas na sila ng bagong trail. Nayz!

20160820_124434
Groupie: Jason, Vthel, Criz, Sam and I.

20160820_141013

Inukang kalsada sa mga gilid ng kabundukan ang dinadaanan namin. Kitang-kita ang kalawakan nito kahit saan. Napakasarap singhutin ng hangin. Nakaka-high! Habang papalayo nang papalayo, paiba-iba na rin ang nagiging timpla ng mga nakikita mo, para syang computer games na habang tumataas ang level mas gumaganda ang laban pero mas humihirap. Sobrang ganda ng mga kabundukan! parang sila-sila nag ti-team effort kasama ng mga ulap para magpasikat sa kagandahan nila.

20160820_141032

20160820_141029

20160820_134939

Tama nga sabi ni Aia (malupet na bundukero na limang beses ko na atang nakasama sa pamumundok) mas maganda pa ang makikita namin kapag nakarating kami sa junction.

20160820_142946
Aia and I with Criz. “Walang himala noh!”
20160820_143024
Me @ Junction.

Nang makarating kami dun, ibang parte naman ng mga kabundukan ang nakita namin. Shet ang ganda nga! Mas buhay ang kulay ng mga bundok dito. Mayroon din ditong waiting shed at tindahan kung saan makakabili ng mainit at native na kape. (Starbucks junction branch ika nga).

Isa na namang mahabang lakaran papuntang last water source bago mag campsite.

20160820_152031

Matapos ang derechong lakaraan, kinailangan naming bumaba sa isang guho ng lupa. Nagsimula nang umulan. Pasakit kung tutuusin dahil kailangang magsuot ng poncho. Mainit yun kung pinagpapawisan ka.

Agad din akong nagrefill ng tubig pag dating doon. Dalawang litro para share ko sa pagluluto (na hindi naman nagamit) at dalawang litro para sa water bladder ko. iba pa yun sa isang litrong orange juice. Habang sinusulat ko ito, ngayon ko lang nalaman na limang litro pala ang dala ko. edi wow!

Isang kumunidad muli ang narating namin. Mayroon doong waiting shed. Bahagya kaming nagpahinga nang may naramdaman akong kakaiba sa kamao ko. Shet isang Limatik! busog na sya sa dugo ko ng makita sya. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil may limatik din pala dito. Napabulong na lang ako “Welcome to AIDS world! Wahahhaha” lels. joke lang virgin pa ko.

Sa muli naming paglalakad, damang-dama ko na ang pananakit ng paa ko. Puro paahon na kasi, sumasabay pa ang ulan. Nagiging maulap na. May pagkakataong halos di mo na makita ang dulo ng pupuntahan mo dahil dito.

Gusto kong marinig sa guide namin na “Malapit na” pero hindi. S’ya na yata ang pinaka honest na guide na nakilala ko. May pagkakataon na dini-discribe pa nya ang campsite “Nakikita nyo yung patay na puno na yun? sa likod noon, doon ang campsite.” e mukhang apat na bundok pa yun. Taragis talaga! hahaha gusto ko na lang maupo sa ugat ng puno at sabihing.. “dito na lang ako please” pero hindi pwede. Infairness kay kuya Noel, ayaw nya talagang umalis sa likod namin. (ganun naman talaga ang guide, dapat meron sa unahan at likod).

Marami kang makikitang patay na puno sa Mt Ugo. Kung tutuusin nagiging trade mark na nga yun bundok kung maghahanap ka ng litrato sa internet. Ayon sa guide namin, namamatay daw iyon dahil sa mga tumatamang kidlat. Napuputol.., Nasusunog. Kaya nakakatakot din palang pumunta dito kapag tag-ulan. Pero may mga puno doong mukhang wala namang sunog pero patay na. Baka namatay sa lungkot. aw. 😦

Tila hindi kami lumalapit sa campsite, parang palayo pa nga kami ng palayo. Hanggang marating namin ang isang lugar na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa diwa ko. Ang mga ulap na tumatawid sa kabilang bundok habang nasa gitna ka nito. Ang mga pine trees na sinasagian nito na biglang mawawala tapos bigla muling lilitaw. Paulit-ulit lang sila sa ganoong senaryo na nagpapahanga sakin habang sinasampal ka ng malamig na hangin na tila sinasabing “Hindi ka nanaginip! Totoo ang lahat ng ito”. Ang galing!

Sayang talaga. Kung hindi lang maulan baka nalabas ko pa ang cellphone ko. Pero hindi naman sa sinisisi ko ang ulan. Gusto ko pa nga siyang pasalamatan, dahil kung hindi nu’n umulan baka hindi ko rin yun nakita sa ganoong akto.

Minsan pala talaga, mararamdaman mo ang pinaka magandang karanasan sa pinaka-panget na pagkakataon na iniisip mo. Mapapahiya ka na lang din sa sarili mo. ehe!

Isang paahon na lang! May isa pa pala! at meron pa palang isa! Hanggang marating ko ang campsite. Para akong last finisher sa isang funrun tapos uwian na. 9 hours yun be! 9 hours!!
Mabilis kong naitayo ang bago kong tent sa tulong ni Kuya Noel. Bahagyang nag ayos sa loob, at bigla na ding nakatulog.

Wala akong kain-kain. Mas masarap matulog kaysa kumain noong mga oras na yun. Ako na ang may 48 hours na gising.

Nagising na lang ako nang hating gabi para umihi. Wala ng ulan. At nakakamanghang sobrang liwanag ng buwan. Sapat na nga ang liwanag para maaninag mo ang loob ng tent.

Sakto namang tapos na silang mag social. wala na rin dahilan para manatili sa labas na nakapaka lamig, kaya agad din akong bumalik sa tent at muling nakatulog.

DAY 2

20160821_053751
Sunrise

May kaunti na ring liwanag nang lumabas ako. Nakakamangha ang campsite na hindi ko man nakamusta noong naka finisher ako kahapon. bida-bida pa rin ang patay na puno sa campsite kaya pinuntahan ko “Ikaw pala yung nakikita ko lagi sa picture sabi ko sa isip ko. Sabay sariling sikap na lang mag picture-picture.

20160821_082016
and yes! May aso nga sa campsite.

20160821_080811

20160821_075247

Nakakainggit sila na kanya-kanyang grupo. Hindi mo masabing “pasali” hahaha.

20160821_080805

Matapos kumain, nag break camp na rin kami agad. At nagsimulang umakyat ng summit sa ganap na alas-8.

Kaya itong akyatin ng 15 minutes. Wala namang kakaiba sa summit bukod sa kakaibang pakiramdam na may natuntungan ka na naman na bagong bundok. Pero hindi din, nakaramdam lang din ako ng inggit sa mag jowang ka grupo ko. Shet. Nikikilig ako. hahaha.

20160821_091744

20160821_092128
Summit
20160821_091323
Wala na ang marker sa summit, kaya ito na lang,

20160821_091849

20160821_091147
Maraming nag-iisip na kapag narating mo na ang summit, doon na natatapos ang lahat. Hindi pala! dahil ang pagbaba ang totoong magpapabusog sa mga mata mo.

Kung ang Mt. Pulag may sea of clouds, ang Apo may boulders, ang G2 may Knife edge, ang Isarog at iba pa ay may mga mossy forest. Ang Ugo talaga ay isa, sa may pinaka magandang Trail.

Sya! hanggang sa susunod, enjoy the trail mula! 🙂

20160821_102637

20160821_102702

20160821_110723

20160821_103900

20160821_103202

20160821_103036

20160821_110631

20160821_102806

20160821_102801

20160821_100956

20160821_100426

20160821_095300

20160821_094642

20160821_094634
Pasasalamat: Sir Bench and “Team Ugo – Traverse Part 6

14047343_1411187092231656_1083832563031590055_o
Photo not mine, credits to the owner.

MT APO: LEAVE NOTHING BUT FOOTPRINTS (Part I)


mt apo
Elevation: 2,954 masl  (official) Coordinates: 6°59′15″N 125°16′15″E [1] Trail: Sta Cruz | Mountain type: Stratovolcano |  Listing: Country’s high point Ultra prominent peaks
DAVAO CITY — Sa taas na 10,311 talampakan, itinuturing na pinakamataas na bundok ang Apo. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Davao del Sur, isla ng Mindanao.

Dahil sa taas na katangian nito, kinakailangang mong maging physically at mentally fit bago umakyat dito. Isa sa mga iminumungkahing paghahanda ay ang pagka-cardio o pagja-jogging araw-araw dalawang linggo bago ang pagsuong dito. Syempre mas mainam kung may ibang mga bundok ka munang naakyat bago ang Apo.

Bukod sa paghahandang pisikalan,  kinakailangan mo din syempreng paghandaan ang budget o gastusin para sa paglalakbay na ‘to. Sa halagang P5,500 na all-in package (maliban sa airfare-balikan mula sa Maynila) puwede ka nang makarating dito. Mahal man s’ya kung tutuusin, wala namang katumbas na halaga ang pakiramdam na makatungtong sa tuktok nito. Sa kabuuang budget, hindi bababa sa P10,000 ang nagastos ko. Kaya mas mabuting makakuha ka muna ng murang airfare promo para maka menus.

DAY 0

Sa Davao International Airport na kami nagkita-kita ng mga kasama ko. Labing isa kami sa grupo. Tatlo sa kanila ay nakasama ko na sa Mt Pulag (pangatlo sa pinaka-mataas). Dahil nga sa 11 kami, siguradong hindi bababa sa apat na taxi ang kakailanganin papunta sa tutuluyan namin. Mabuti na lang may mga van sa airport na nag o-offer ng service sa halagang P500.00. Nakatipid kami kung tutuusin, nagkasabay-sabay pa kami.

Sa unang gabi namin sa Davao, tumuloy kami sa Green Windows Dormitel. Sa totoo lang, wala akong ideya sa tutuluyan namin. Akala ko transient house lang sya kaya sobrang natuwa ako nang sa isang mataas na gusali pala kami sa Davao magpapalipas ng gabi. May 8 double decker ang isang kuwarto na kakasya ang 16 na katao. Nakuha namin iyon sa humigit kumulang P3,000 lang.

DAY 1

Ala-5:00 ng umaga ang call time namin. Sa Dormitel na kami sinundo ng aming mga guide.

Mula sa tinuluyan namin, dalawang oras pa ang byahe sakay ng dalawang van papunta sa Lungsod Digos, Barangay Kapatagan. Doon na kami nag-agahan, bumili ng baon para sa tanghalian, nag-ayos pa ng ilang gamit at nag-orientation.

kapatagan
Kapatagan Public Market

Nagawa pa naming magpabawas at magpaiwan ng mga gamit. Katulad ng mga damit at iba pa na gagamitin sa sidetrip sa Samal Islands.

Alas-9:30 na nang magsimula ang 30-minute travel time papuntang jumpoff ng Sta Cruz trail sakay ng 4×4 truck.

Noong una, hindi ako makapaniwalang doon kami sasakay. Akala ko sa mga gamit lang. Labing lima kaming nagsiksikan doon kasama pa ang aming mga dala. Sumabit na nga lang ang mga guide.

truck
Sardinas mode.

Wala pa man sa totoong adventure, pero maituturing mo na talaga itong isang makalaglag-pusong adventure. Masakit sa balat ang init ng araw. Nakakatakot ang matatarik na paakyat-babang mga daan. Marami namang sementado pero marami pa ring lupang lubak-lubak at mababato. Masakit sa puwet ang maupo sa sahig ng truck. Nakaka manhid pa ng mga paa ang maipit nang mga kapwa mo nakasampa. Kung tutuusin mas gugustuhin mo na lang maglakad sana. Pero sabi ko nga, “Ginusto ko to e!” Hahaha Astig yun! 😛

Saganang akin, hindi naman ganun kaganda ang Mt. Apo sa unang tanaw. Para lang syang ordinaryong bundok na kakikitaan mo ng kalbo at mabatong bahagi sa itaas nito. Kung titignan nga, para lang syang abot-kamay sa lapit, na parang…. wala lang! Gugustuhin mo lang s’yang akyatin kasi s’ya ang pinaka mataas dito. Parang pang day-hike nga lang. lol 😛 Pero tatlong araw at dalawang gabi pala kayo mananalagi dito hanggang makumpleto n’yo ang paglalakbay. Pero lahat ng pananaw kong iyon nabago nang maranasan ko ito:

JUMPOFF

jumopoff
Jumpoff

Sa nag-iisa at natatanging tubig na nadaanan namin sa jumpoff, nakakatawang hirap na hirap na agad akong tawirin ito. Mahirap ng ma out of balance at mabasa ang sapatos ko! nagsisimula palang kaya kami!

Medyo paahon agad ang jumpoff. Para s’yang isang mataas na burol na pinahaba ang trail para hindi sya ganoon kahirap akyatin. Sa taas noon ay mayroong munting pamayanan.

_RMA0548
Sa mga sitwasyong halos tabunan ka ng alikabok, mas okay maging #TeamDulo.

Maalikabok ang trail. Literal na kumain kami ng alikabok! Marahil bibihirang makatikim ang ulan ng Mindanao sa mga panahong ito.

Matapos ang 45 minuto. Narating namin ang Sitio Cunan. Ito yung tinutukoy kong pamayanan sa tuktok matapos ang jumpoff. Dito kami unang nagpahinga. Halos 30 minuto din siguro kaming nanalagi dito.

culan
Munting Paaralan ng Culan.

Magtatanghali na nang marating namin ang Sitio Tumpis. Mula dito ayon sa signage ay 10.07 kilometro pa ang layo  namin sa summit. Dito naman namin kinain ang nabili naming tanghalian sa Kapatagan. Dito na rin ang unang water source, ang susunod na water source ay sa Campsite 1 pa. At dito na rin pala nawala ang cellphone ng kasama naming sir Ronnel.#PicturePaMore! Lol. 😛

Tinuloy-tuloy na rin namin ang paglalakad matapos mag tanghalian papuntang (pinaka) paanan ng bundok. Mga bukid ang dinaanan namin na pawang mga Carrots ang nakatanim. Isang malupit na ahon ang ginawa namin matapos nun.

Plant4
Dito ko nauunawaan kung bakit itinatanim o itinatali ang mga orchids sa mga sanga ng puno, sa mga bakuran natin. Ganoon pala ang natural habitat ng mga orchids sa bundok. kewl.

Matapos makalabas sa gubat, tila isang kapatagan ang bumulaga sa amin. Dito ang best view ng Apo para sakin. Pagkatapos ng maalikabok na jumpoff at paahon na bundok, matataas na damo naman ang sinuong namin. Napapabulong na nga lang ako. “Buti pa tong mga damo matatangkad” lol. 😛

best view
Ferns everywhere! Best part of the trail.

Literal na hawi ang gagawin mo sa mga damo para makita mo ang trail.  Natatangi ito sa mga nasuong ko nang bundok.

hawi
Hawi pa more!!

Sakaling malagpasan mo na ang matataas na damo, Isang gubat muli ang papasukan nyo. Dito na ang tipikal na trail sa loob ng bundok. Hindi mo alam kung magpapasalamat ka dahil nakatakas ka na sa init ng araw at alikabok, o isusumpa mo na ito dahil sa mga paahong parte.

assault
Halos isang oras din ata ang puro paahon.
Arrow Marking
THIS WAY.

Hindi naman nakakaligaw ang trail dahil tadtad ito ng dilaw na ribbon bilang marking o palatandaan, susundan mo na lang. Mababakas pa rin dito ang arrow marking na gawa sa yero/lata na niluma na rin ng panahon.

tarzan
ohhhh Woaaaahh!! Tarzan mode.

Jungle na jungle kung ilalarawan ko ang gubat, ito na siguro yung sinasabi nilang pwede ka na maglambitin sa mga baging mala-Tarzan. Pero hindi ko ginawa mahirap na. 😀

Plant2
Hindi nawawalan ng bulaklak sa paligid ang Apo.
Plant3
Ito pa.
Plant 1
Ito pa.

Inabot kami ng halos 6 na oras bago kami makarating sa Tinikaran Campsite 1. Apat na oras dito ang sa loob ng kagubatan. Laking panghihinayang ko nga dahil hindi ko dinala ang hammock ko. Ayos na ayos pa naman sana itong paglagyan dahil mapuno dito. Sobrang lamig nga lang.

campsite 1
Tinikaran Campsite 1: Sobrang okay mag Hammock sana dito.

Kasama sa package namin ang tent at mga sleeping bags. Pero hindi ko naisip na kasama din pala sa package ang pagtatayo nila dito. Kewl. Kumbaga sa hotel, matutulog ka na lang sir!

Tent Otep
Pangdalawahan at Pangtatluhang tao ang provided na tent sa amin.

Sa Campsite 1 ang huling water source hanggang makarating ng summit (kaya tipid-tipid din). Hindi ganun kaaya-aya ang water source. Isa lang syang bukal sa ilalim ng malaking bato, na may mga gumagalaw pang insekto sa ilalim. Sakaling kawkawin mo nga, lalabo agad ito. Wala namang sumakit na tiyan sa amin. Sa katunayan, yun din ang ginamit sa pang saing.

Bukal
Nag-iisang water source sa Campsite 1.

Sa mga maselan ang tiyan, mabuting magdala ng sapat na tubig-inumin.

Nakakalungkot nga lang, sobrang kalat ng lugar. Mga lata, bote, plastik pati dumi ng tao na hindi man ibinaon sa lupa. Kung hindi ko nga nalamang may clean-up drive naman twice a year ikalulungkot mo talaga ng husto yun.

Kinagabihan, masarap na Sinigang na Baboy ang kinain namin. Pop na Pop sakin yun!

Sa kaunting social habang kumakain at paglalaro ng baraha, natapos ang unang araw at gabi namin sa puso ng Bundok Apo.

Bukas uli!