Category Archives: HUMOR

UNGOL


Napaka-swerte ko talagang anak sa mama ko, buhat kasi nang magkasakit ako nakadalawang cellphones na agad ako. Yung una sinira ko kaka-kutkot noong wala pa ko sa tamang pag-iisip. Sa madaling salita, ilang buwan pa lang sira na agad. Kaya naman para hindi daw ako ma-stressed, muli akong binigyan ng bagong cellphone – Oppo F7. Hindi ko alam mga features nito kasi never talaga akong bumili ng cellphone. Lahat kasi ng cellphone ko dati libre galing sa postpaid lines ko (na hindi ko na nabayaran buhat noong nagkasakit ako).

Dahil may bago na nga akong cellphone, pinamigay ko na yung luma kong cherry mobile na nagloloko. So, pinagawa nila at swerteng napaayos naman nila. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon para mai-transfer pa yung mga files ko kasama ang mga pictures at videos para hindi na ko magdownload uli tulad ng non-stop songs ni Moira at iba pa.

‘Yun nga lang wala palang kasamang earphones yung Oppo F7 bukod sa libreng powerbank at selfie stick. Pero okay na rin mas gusto ko yung powerbank kaysa sa earphones.

Inantok ako sa kakatransfer ng files ang dami kasi. Noong natransfered ko na, agad akong nag soundtrip. Talaga nga namang nakakaantok mga kanta ni Moira, para akong dinuduyan sa pagkakatulog.

Pagkagising ko, agad-agad na nagkwento si mama:

Mama: “nak akala ko inaatake ka na naman”
Otep: “bakit naman ma!? Ma, magaling na ko!”
Mama: “May ungol kasi ng ungol kagabi, kinabahan ako”
Otep: “Huh? guni-guni mo lang yun”

Doon ko na naalala na nag auto-play pala yung mga videos, ibig sabihin after nung non-stop songs ni Moira yung mga x-videos/porno naman yung nag play. Hahaha 😀

Hiyang-hiya ako ng oras na yun. S’ya pa yata nagpatay ng cellphone para tumigil yung mga karakter nag nagsisi-ungol.

So anong lesson ang natutuhan natin dito ngayon? Huwag ng mag save ng mga x-videos! Hahaha. 😀

Ganun pa man, sana makabawi na ko kay Mama sa mga sakripisyo at naibigay n’ya sakin. Sana makapag-umpisa na ko sa work uli, kumita at maabutan man lang si Mama ng mga yaman ko.

Mabuhay si Otep! 😀

CREAMER-S ®


Anila walang nakakatawa kapag buhay-kamatayan na ang pag-uusapan. Bawal tumawa sa blogpost na ito ngayon, kahit pa kinukunsidera na ito ng marami bilang HUMOR BLOG come-on!

creamer-s

Kahapon, mga bandang ala-sais (as usual) late pa rin ako sa office, pagbukas ko ng pinto nakita ko agad ang balahura kong officemate. Ewan ko ba nagsasawa na ako kakaaway-bati kaya para matapos na, wala na lang batian.

Maya-maya nakaramdam ako ng kung anong anik-anik sa loob ng tiyan ko. Basta masakit sya. Nag pray ako agad kay Bro na sana natatae na lang ako kaysa sumakit tiyan ko nang ganito.

Sa totoo lang nadadalas na ang pagsakit ng tiyan ko. Hindi ko alam kung dahil ito sa sobrang acidic na ako kaka-kape o dahil sa hindi pagkain ng agahan o dahil sa sobrang kain sa nakaraang Chinese New Year! KUNG HEI FAT CHOI pala! Sino dito ang mga year of the rabbit? magiging close ko daw kayo at baka mauwi pa sa pagmamahalan lels. hahaha! 😛

Habang tumutuntong ang katanghalian, pakirot na nang pakirot tiyan ko. Pakiramdam ko bandang gitna at ilalim sya ng dibdib ko nanggagaling (sikmura). Tapos nung tumagal hindi ko na alam kung saang part na sya.

Nakararamdam na rin ako ng pagsusuka pero hindi ko tinutuloy kasi baka matsismis ako dito sa office na nagdadalang tao. Joke! pero Hindi na talaga joke ang nararamdaman ko. Kung anu-ano na nga naiisip ko.

Habang tinatanaw ko ang Asian Hospital dito sa Alabang parang gusto ko na rin magpadala sa ospital. Naisip ko bigla, na magandang ideya ang magpa EyeBall sa Ospital. Madami kaya akong matatanggap na teady bears, flowers at abuloy na din just in case? Tapos pag nagkataon pa kapag nadala ako sa Morgue hindi lang Eyeball ang drama ng mga kapwa ko blogista kundi magiging Grand EyeBall na! BONGGA!

Pakiramdam ko talaga may appendicitis na ako noong mga oras na yun. Lalo na’t dalawa sa kapatid ko ay nagkaroon na – (family history). Mas madami nga lang tahi ng ate ko kasi tatlong beses na s’yang na-cesarean. (hanggang ngayon hindi ko pa rin maimagine hiwa ng tiyan nya). 😛

Sobra na akong nagpapanik kasi ang kirot na ng tiyan ko, e sino pa ba tatawagin ko kundi “mama ko…” “mama ko chakit chan ko” 😦

Text ako agad sa mama ko.

OTEP: “Ma, ang sakit ng tiyan ko” 😦 (sad face)

MAMA: “P chick up na patolong k jan” (pang jejemon lang kung maka “chick”)

OTEP: “Mawawala din ‘to”

MAMA: “Kc kahapon maalat poteto chip inubos mo, inum ka ng CREAMER S d2 ako sa dasma kung dmo kaya magpaalam k punta k doctor sabihin m sa bos mo”

(hindi ko nabasa kaya walang reply)

MAMA: “Tip ano punta ako bumuli ako CREAMER S dalhin k jan text mama”

(hindi ko pa rin nabasa)

MAMA: “Tip ang gamot s sakit ng tyan BUSCU PAN nabili ko CREAMER S saan ka text mama”

Noong nabasa ko ‘yan lalong nagkasakit-sakit tiyan ko sa katatawa. Ilang beses ko inisip kung ano ang CREAMER S, akala ko pinapainom lang ako ng gatas. hahahaha!

Doon ko naalala na may KREMIL-S pala ako sa bag na binili ko pa noon sa SM MALL OF ASIA noong minsang nag ka EB kasama sina Axl, Bino, Tolits, Jay, Empoy, Mark, Kurog, Xander, Kuya Burn, Zyra, Lester atbp.

Walang patumpik-tumpik! ni-hindi na nga ako kumuha ng tubig kasi chewable naman! ang sarap! parang kendi! Matapos ang mahigit isang oras….

OTEP: “Ma, ayos na! CREAMER S lang pala! hahahaha” lels

MAMA: “Nag-aalala ako sayo punta ako jan dka sumasagot”

Doon ko naisip na maganda pa rin palang magkaroon ng mini-drug store sa bag. Naalala ko bigla si Mahal na Poon at CJ sa Iloilo kaya pala lagi sila may dala noon.

Ngayon, Natutuhan kong laging magdala ng paunang lunas dahil sa mga pangyayaring ito.

Sana hindi na sumakit uli tiyan ko. Salamat sa Creamer-S.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Maraming Salamat pala sa mga karagdagang followers! HAY LUV U OL!

  • blackloves​me
  • AJ Luna
  • wanhandred​wan
  • Carl Augustus
  • geminians
  • at sa 3 Somesone (email subscribers) [so hindi na someone yan somethree na! Ngi! lels.]

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Salamat 🙂

LIHAM PARA KAY ANTONIO


Dear Antonio,

Napanood ko na ang pelikula mo. Mabuti na lang at hindi ako nag-status na bukod sa magaling kang pintor ay naging heneral ka pa. Nag-trending sana ‘ko. Hindi ako nainform na kapatid mo pala si Juan Luna. Haha. Biro lang.

Pero ang totoo, napataas talaga ang kilay ko sa pagkakapatay sayo (kahit wala akong kilay). Sabi ko nga, kapag bida talaga ang tagal mamatay? Totoo ngang napakabrutal ng pagkakapatay sayo. Pinudpud ka na nga ng bala, halos katayin ka pa nila sa pagkakabolo sayo! Para kang dinumog ng mga zombies sa scene na yun ha! Patawarin!

Balita ko umabot na daw sa mahigit dalawang daang milyong piso ang kinita ng pelikula mo. Iniisip ko nga, magkano kaya ang parte mo dun? Ganoon pa man, napakalayo pa rin ng kinita ng kabaro mong si Praybeyt Benjamin na humigit kumulang sa kalahating bilyong piso, (sa pangalawang pelikula pa lang nya yun ha!). Kung nagkaroon ka kaya ng tsismis na badaf ka noong panahon ng pamumuno mo, aabot din kaya ng ganoon ang kinita ng pelikula mo? Haha. Biro lang uli.

Mabuti na lang nagkaroon ng isyu sa pagkaka pull out ng mga sinehan sa pelikula mo. Hindi ko sana napanood ang talambuhay mo. Pero alam mo sa tingin ko, kaya mas pinipili ng mga Pilipino ang komedya at romansa dahil sawang-sawa na sila pulitika. Mabuti na lang talaga at may natitira pa ring tsismis sa buhay mo. Sino ba talaga ang nagpapatay sayo si Buencamino ba o si Aguinaldo?

Kung nabubuhay ka lang siguro ngayon baka napapa-Punyeta! ka rin sa galit. Dahil bukod sayo, hanggang ngayon wala pa ring lubos na katarungan ang mga kaso nila Ninoy Aquino, Ampatuan Massacre, Fallen 44 at iba pa. Sa isyu na lang sila nabubuhay.

Ngayon tatanungin kita, ano ang mas nakakagalit sayo, ang hindi pagsuporta sa dekalidad na pelikula, ang mga patayang wala pa ring hustisya, o ang tapatang Pastillas at tambalang AlDub? Mamili ka! #Punyeta! Haha.

Alam mo habang pinapanood ko ang pelikula mo, bukod sa magulo naman talaga ang digmaan, ang gulo din ng pamahalaan nyo no? Yung totoo, minana lang ba namin yun sa inyo?

Siguro kung hindi ka napatay noon, marahin naiba din ang kasaysayan namin. Baka naging senador ka rin tulad nila Enrile, Honasan at Trillanes o baka naging presidente ka pa tulad ni Ramos. –mga sundalong nagkaroon ng pusisyon sa pulitika matapos ang pagsusundalo. Naging kalaban ka kaya ng kalaban, o naging kalaban ka ng kakampi?

Sakaling nabuhay ka naman sa panahon ngayon at nabigyan ng pagkakataong tumakbo’t palarin sa darating na halalan, nanaisin mo kayang manatili sa pagkakabilanggo ang mga taong napatunayan nang nanamantala sa kaban ng bayan? Ipapagpatuloy mo kaya ang magagandang sinimulan ng papalitan mong pamahalaan? O, magpapasulsol ka sa mga taong personal mong mapapagkatiwalaan nga’t pero mayroon baluktot at maitim na pananaw?

Salamat na lang sa pelikula mo’t hindi na ako mahihirapan pang pumili ng Pangulo at Pangalawang Pangulo. Nagkaroon ako ng pointers kung ano ba dapat katawanin ng isang lider na tulad mo. Dapat may PRINSIPYO! May DISIPLINA‘t marunong dumisiplina. ‘ika mo nga “Bayan o Sarili!?”, kaya dapat may nagawang SAKRIPISYO at handang magsakripisyo pa. Higit sa lahat, may PANGARAP!, may plano at hangaring tulad sa giyerang nais ipapanalo!

Hanggang dito na lang,

Ang iyong tagahanga,
Otep

larawan: Facebook (c) Jem Javier

MGA KWENTONG DE METRO


Late na!, Kailangan ka na sa opisina!, At taeng-tae ka na! -ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit malimit akong magtaxi.

1 #SUCCESS!

Tandang-tanda ko pa noong nanggaling ako mula sa isang simpleng pakikipagkwentuhan sa isang kapihan (ang sagwa parang lamay lang!) sige na nga, -sa starbucks! lels. 😛

Matapos noon nakadama na lang ako ng isang pag-aaklas mula sa kaibuturan ng bahay-tae ko. Oo para silang nagwewelga sa Mendiola, ang kinaibahan lang mas gusto nilang makalabas kaysa makapasok.

Wala na akong choice noon kundi sumakay ng taxi para maibigay ang kagustuhan ng mga kritiko ko.

Malas lang at kinukumpuni pala ang Nagtahan Bridge kaya umabot sa dulo ng Quirino Extension ang traffic. Wala akong magawa kundi magtayuan ang mga balahibong pusa’t ko’t maramdaman ang kakaibang lagkit ng pawis ko.

Marami akong naiisip noon, tulad ng bumaba na lang sa taxi kapag hindi na talaga kaya. Pero maiisip mo din bigla, ang mga pwedeng mangyari katulad na lang ng pagbulusok ng isang halimuyak na hindi mo inakala. Ganoon din ang mga maaaring tumulo sa sapatos mo. Yak!. Mahirap naman sigurong paniwalain ang sarili, na baka nakaapak ka lang 😀

Erase! Kinaya ko yun! Hindi ko man nabutan ang kubeta at least narating ko naman ang kusina! haaaaaaaaaaaay. Nakuha naman sya sa babad. hahahaha lels. 😛


Continue reading MGA KWENTONG DE METRO

KWENTONG RAMBUTAN


May mga pangyayari na hindi ko malilimutan sa loob ng Jeep, tulad noong minsang papauwi ako mula sa klase ko sa TUP-Manila:

“Ma, pabili po” –sabi noong babaeng sales lady (may tatak kasi yung uniforme nya). Magkautot-utot ako noon sa kakapigil ko ng tawa.

Mas lalo na noong sumagot yung drayber “Ano po yun?” hahaha laughtrip talaga.

Iba pa yun sa mga madalas na mapangkawagang pangyayari sa pag-abot ng sukli ng iba mula sa dyarber.

“Bayad daw po, makikiabot … ay sukli pala” ewan ko pero ang babaw talaga ng kaligayahan ko! haha

Pinangako ko sarili kong hindi ko mababanggit ang mga pangungusap na yun habang may nananalaytay pang dugo sa mga ugat-ugatan ko. Maswerte naman akong hindi pa nagaganap sa’kin yun. Kaso may kakaiba pa palang mas pipigil sa utot ko katatawa.

Dahil nga healty living na ako ngayon, buhat noong biglang payat ko kaka nightshift, naisipan ko na lang mag prutas.

Maswerte namang isang tambling lang ang office ko sa Muntinlupa Public Market. Alam n’yo, pagnapapadaan ako doon parang ang sarap humiga sa mga pulutong ng prutas… mansanas, dalandan, mangga, saging at kung anu-ano pa.

Minsan hindi na rin ako kumakain ng kanin , puro prutas na lang. Sa isang gabi nakaka apat na malalaking hinog na mangga ako. Ang sarap talaga!

Sabi nila pag puro prutas lang ang kinakain mo, kikinis daw ang balat mo bakit iba ang resulta sakin? Imblis na kuminis ako.. nagiging mas kahulma ng hinog na mangga ang ilong ko. Trulalu Pare!

<—————– Tingnan nyo ilong ko sa side bar, mas malaki na sya dyan ngayon

Ang mga prutas pana-panahon din daw yan, minsan tag-lansones, tag-pinya, at kung anu-ano pang “tag!”. Ngayong Oktubre kapansin-pansin na tag-rambutan na ngayon.
Grabe pare! namumula ngayon ang public market dahil sa mga Rambutan. Syempre dahil tag-Rambutan ngayon mas mababa ang demand. Pababaan sila ng presyo may sampung piso kada kalahating kilo, bente.. at dahil mayaman ako bumili ako sa tag- P25 per kalahating kilo.

Mas na-ingganyo pa kong bumili noong nakita kong ang daming tambay na maiitim na medyo mapulang langgam. Tawagin na lang natin silang “mapultim na langgam. Sabi ko meeeeeeen! Matamis ‘to!!!

“Ate kalahating kilo nga… ay sige isang kilo na lang para singkwenta” –mayaman ako.

Si Ate pagkadampot palang ng mga may kalakihang mga rambutan pinuputakte na agad ng langgam. Sa isip-isip ko “tamis-tamisah ka teh”. Hindi ko alam kung tama yung timbang nya pero nagdagdag pa sya ng dalawang piraso. Binalot nya agad sa plastic, binuhol at binigay sakin.

Nasa Jeep na ako noon papuntang GMA Cavite nang maisipan kong tikman na ang tamis-tamisang Ramputan. Pucha pare confirmed! Nagkakatasan sila sa tamis.. mamasa-masa pa. minsan tutulo pa ang mga tubig-tubig kaya manghihinayang ka.

Medyo mabilis naman mapuno ang Jeep rush hour na rin kasi yun. Noong nakaandar na ang jeep na nasa kahabaan na nang SLEX (South Luzon Expressway) Parang may kakaibang dance production ang nagaganap sa loob ng Jeep. Si ate pagpag ng pagpag sa hita nya. Si kuya sa damit nya. Si manang sa braso nya. Si manong sa leeg nya. Pati ako pinuputakte na.

Ang daming tamis-tamisan! Nakawala pala sa lungga ang mga langgam na kasama sa kilo na binayad ko! Sabi na e!

Mandaraya yung pinagbilhan ko. Ilang guhit din kaya ang nadagdag dahil sa mga langgam!?

Si Manong ang sama ng tingin sakin. Sabi sa’kin.

“Boy ang daming langgam sa bag mo!?”

“Huh!? Hindi po galing sa bag ko ‘yan sa plastic bag po..”
turo sa baba. “…Yung rambutan po!”

Napa ahh.. na lang si manong sabay tingin ng masama sakin na parang pupuksa.
Si ate naman feeling haciendera kung maka-react!

Nagkakalat na talaga ang batalyon ng mga langgam pati sa driver at dalawang pasahero sa unahan tamis-tamisan na rin.

Wala akong magawa kundi pigilan na naman ang utot ko. Tamis-tamisan din ako pero hindi naman ako apektado. HELLO!!!

Mga itim na langgam lang yun. Hindi pupula itlog mo pag kinagat ka nito! Pero kasing –laki na talaga sya ng pulang langgam.

Napansin ko lang, kapag umaandar ng mabilis ang Jeep napapahinto rin pala ang mga langgam, takot din pala silang mahulog sa kinakapitan nila. Pero pag natitigil ang biyahe, sila naman ang maglalakbay papunta sa ibang tao.

Teka saan ko ba isisingit ang pangarap dito?

Ayun! Pangarap kong magkapuno ng rambutan kahit isang pares lang. Bahala na sila mag jerjer para dumami. Doon magpapabahay ako ng mga langgam na iti-trained ko para matutong manlapa ng tao.. Yung tipong makatotohanan pag-inano sila ng langgam. Ang OA e. para itim na langgam lang kala mo mga ginagahasa na sila e hindi naman nangangagat yun. Echosera Masyado! kala naman nila mabibigyan sila ng mga chikinini nun.

Pero seryoso gusto ko magkapuno ng rambutan tapos kapag lumaki na at nagkabunga na, ipapatikim ko ‘to sa pinakamamahal kong nilalang.

Ako:
Mahal Rambutan ka ba?

Mahal ko: Bakit naman?

Ako: Mukha ka kasing tamis-tamisan.

Mahal ko: haha.. Ikaw Rambutan ka ba?

Ako: Bakit naman?

Mahal ko: Kasi ikaw na lang ang di ko natitikman.

Ako: Hahaha… Ikaw langgam ka ba?

Mahal ko: Bakit naman?

Ako: Ang Kateh mo kasi!