Category Archives: MOVIES

ANG PWET NI KIT THOMPSON


BELLE DOULEUR”
Star on Facebook 3.1 Star on Facebook 3.1 Star on Facebook 3.1 Star on Facebook 3.1 Star on Facebook 3.1

Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapanood ng sine. Naaalala ko pa na sobrang fanatic ‘ko ng Cinemalaya, na sa mismong CCP pa talaga ako nanonood. Bukod kasi sa pagiging artistic ko, mahilig din ako sa kadramahan. In short., maarte talaga ako! Kaunting tama lang sa puso —iyak. Yung tipong kahit hindi naman kayo, iniiyakan mo. hahaha. #Hopia. Sadyang marami lang talaga akong pinanghuhugutan.

Naikwento ko na ito sa facebook ko, na awol ako sa work! Akala ko kasi 6:00 pm pa lang, 10:00 pm ang duty ko. 6:00 am palang pala! takang-taka ako bakit ang liwanag pa. In short, hindi ako nakapasok sa opisina! Wala na kong nagawa kundi maglibot at maghintay sa pagbubukas ng SM sa Manila. Dahil nga sa wala akong magawa, na hook ako sa “Belle Douleur” exciting ang title kasi hindi ko maintindihan hahaha.

A Beautiful Pain- Yun pala ibig sabihin nun. Hindi ito pang-i-spoil ha, pero hook na hook talaga ako! intense! ika nga. may mga ganoong scene na hindi ko inaakalang makikita. Inggit na inggit ako sa pwet ni Kit Thompson, mas pogi pa ang p’wet n’ya kaysa sa pagmumukha ko. hahaha.

Hindi ko alam kung paano ko ito iku-kwento, pero tungkol ito sa babaeng mas may edad kaysa sa lalake. Tingin n’yo magwowork ang ganitong relationship!?

Ibang-iba ito sa mga tipikal na love stories na puro pabebe at mga hugot na puro kababawan. Tungkol ito sa totoong realidad (totoo na, realidad pa! haha) Basta, tungkol ito sa mga katotohanang pagmahal mo, kahit anong sakit, hahayaan mo itong bitawan para sa mahal mo. Matututo kang magpalaya dahil mahal mo yung tao at magiging masaya ka para sa kanya. Hindi tayo perpektong tao. Marami tayong pwedeng ibigay sa mga mahal natin, at may mga bagay din na hindi natin kayang ibigay kahit mag-circus at mag-ta-tumbling pa tayo!

Napaisip tuloy ako, sa mga panahon na ‘to, dapat natututo na kong magpalaya sa puso ko, pero bakit puro galit pa rin ako? Ang lungkot lang. Wala kasing naiwang beautiful pain sakin. Lahat puro sakit! at pisikal na sakit pa mismo! Biruin n’yo nawalan pa ko sa katinuan!? Hahaha! Sadyang nakakasira lang ng isip ang pag-ibig!

Sa huli, naniniwala akong may hatid na kagandahan ang lahat ng masasakit na napagdadaanan natin. Malay natin, kaya pala hindi sa atin ibinibigay ang mga ginugusto natin kasi may mga bagay palang mas gugustuhin natin sa hinaharap.

Para sa mga single, libre pa rin ang mangarap!

TRAILER

LIHAM PARA KAY ANTONIO


Dear Antonio,

Napanood ko na ang pelikula mo. Mabuti na lang at hindi ako nag-status na bukod sa magaling kang pintor ay naging heneral ka pa. Nag-trending sana ‘ko. Hindi ako nainform na kapatid mo pala si Juan Luna. Haha. Biro lang.

Pero ang totoo, napataas talaga ang kilay ko sa pagkakapatay sayo (kahit wala akong kilay). Sabi ko nga, kapag bida talaga ang tagal mamatay? Totoo ngang napakabrutal ng pagkakapatay sayo. Pinudpud ka na nga ng bala, halos katayin ka pa nila sa pagkakabolo sayo! Para kang dinumog ng mga zombies sa scene na yun ha! Patawarin!

Balita ko umabot na daw sa mahigit dalawang daang milyong piso ang kinita ng pelikula mo. Iniisip ko nga, magkano kaya ang parte mo dun? Ganoon pa man, napakalayo pa rin ng kinita ng kabaro mong si Praybeyt Benjamin na humigit kumulang sa kalahating bilyong piso, (sa pangalawang pelikula pa lang nya yun ha!). Kung nagkaroon ka kaya ng tsismis na badaf ka noong panahon ng pamumuno mo, aabot din kaya ng ganoon ang kinita ng pelikula mo? Haha. Biro lang uli.

Mabuti na lang nagkaroon ng isyu sa pagkaka pull out ng mga sinehan sa pelikula mo. Hindi ko sana napanood ang talambuhay mo. Pero alam mo sa tingin ko, kaya mas pinipili ng mga Pilipino ang komedya at romansa dahil sawang-sawa na sila pulitika. Mabuti na lang talaga at may natitira pa ring tsismis sa buhay mo. Sino ba talaga ang nagpapatay sayo si Buencamino ba o si Aguinaldo?

Kung nabubuhay ka lang siguro ngayon baka napapa-Punyeta! ka rin sa galit. Dahil bukod sayo, hanggang ngayon wala pa ring lubos na katarungan ang mga kaso nila Ninoy Aquino, Ampatuan Massacre, Fallen 44 at iba pa. Sa isyu na lang sila nabubuhay.

Ngayon tatanungin kita, ano ang mas nakakagalit sayo, ang hindi pagsuporta sa dekalidad na pelikula, ang mga patayang wala pa ring hustisya, o ang tapatang Pastillas at tambalang AlDub? Mamili ka! #Punyeta! Haha.

Alam mo habang pinapanood ko ang pelikula mo, bukod sa magulo naman talaga ang digmaan, ang gulo din ng pamahalaan nyo no? Yung totoo, minana lang ba namin yun sa inyo?

Siguro kung hindi ka napatay noon, marahin naiba din ang kasaysayan namin. Baka naging senador ka rin tulad nila Enrile, Honasan at Trillanes o baka naging presidente ka pa tulad ni Ramos. –mga sundalong nagkaroon ng pusisyon sa pulitika matapos ang pagsusundalo. Naging kalaban ka kaya ng kalaban, o naging kalaban ka ng kakampi?

Sakaling nabuhay ka naman sa panahon ngayon at nabigyan ng pagkakataong tumakbo’t palarin sa darating na halalan, nanaisin mo kayang manatili sa pagkakabilanggo ang mga taong napatunayan nang nanamantala sa kaban ng bayan? Ipapagpatuloy mo kaya ang magagandang sinimulan ng papalitan mong pamahalaan? O, magpapasulsol ka sa mga taong personal mong mapapagkatiwalaan nga’t pero mayroon baluktot at maitim na pananaw?

Salamat na lang sa pelikula mo’t hindi na ako mahihirapan pang pumili ng Pangulo at Pangalawang Pangulo. Nagkaroon ako ng pointers kung ano ba dapat katawanin ng isang lider na tulad mo. Dapat may PRINSIPYO! May DISIPLINA‘t marunong dumisiplina. ‘ika mo nga “Bayan o Sarili!?”, kaya dapat may nagawang SAKRIPISYO at handang magsakripisyo pa. Higit sa lahat, may PANGARAP!, may plano at hangaring tulad sa giyerang nais ipapanalo!

Hanggang dito na lang,

Ang iyong tagahanga,
Otep

larawan: Facebook (c) Jem Javier