Category Archives: FRIENDS

KONSEPTO


konsepto ng kaibiganHindi ito ang unang pagkakataon na magsusulat ako patungkol sa isang kaibigan, pagkakaroon ng isang kaibigan, at pakikipagkaibigan. Sadyang mahina lang talaga ang loob ko sa paghawak ng mga ganitong usapin at saloobin. Pero hindi rin siguro, sadya lang talaga akong madamdamin.

Bata palang ako alam ko na sarili ko kung sino ang dapat pakibagayan sa hindi. Alam ko din kung sino ang mga dapat kong pakisamahan sa dapat iwasan. Sa madaling sabi, –ako na choosy! Haha.

Pero sa lahat ng gusto kong pakisamahan, sila iyong… alam kong nasasakyan ang lahat biro ko. ‘Yung tipong alam mong nanlalait ka pero ayos lang sa mga kapwa mo laitero. Syempre, mas masarap pa rin pakisamahan ang mga tsismoso! :D

Ang kaso lang, hindi ka naman panghabang buhay na bata o estudyante. Hindi naman laging masasaya, kulitan at tsismisan na lang. Dadaan at mapapadpad ka sa pinakamalulungkot at pinaka bigo mong sandali sa buhay. Ang tanong, lagi pa rin ba silang nandyan?

Noong natapos na ako sa pag-aaral at nagkaroon ng hindi man kagandang trabaho pero masasabi kong hanap-buhay, nabuo ang konsepto ko sa pagkakaroon ng isang kaibigan. Siguro nabuo at magsimula iyon noong unti-unti nang  nagkakalayo ang mga pinaka-malalapit kong kamag-aral at kaibigan, at sa sandaling halos wala ka ng matakbuhan.

KONSEPTO NG KAIBIGAN AYON KAY OTEP

  • Maasahan – Hindi lang sa utangan pero alam mong kapag kailangan na kailangan mo, makakagawa ng paraan.

-“Walang-wala din ako, ibugaw mo ko dali!”
-“kill me na lang!”

  • Laging Nandiyan – Hindi ka iiwanan, iwanan ka man pero alam mong babalik ka pa rin ‘yan. Isang tawag lang darating na, labag man sa loob n’ya pero pupuntahan ka pa rin, mumurahin ka nga lang

-“Kapag hindi importante yang sasabihin mo, babatukan talaga kita!”
-“Nanalo ako sa ending! yey!”

  • Lakas-Trip! – Hindi lang sa kalokohan pero laging sumasakay sa kung ano man ang naisipan, mapaliteral man o katang-isip lang.

-“Gala tayo!”
-“tsongki na lang!”

  • Malihim – Hindi sa isa’t isa, pero alam mong kapwa kayo may sekreto na kayo lang ang nakakaalam

-“May Tulo ako!” :(
-“Belat!” :P

  • Totoo – Hindi dahil sa nagsasabi lang sya ng katotohanan kundi dahil ayaw nyang lumaki ang ulo mo.

-“Wow seryoso ikaw gumawa nito!? Weh? Di nga?”
-“Lul!”

  • Palakwento – Hindi lang puro bibig pero alam mong may tengang handang makinig.

-“May kwento ako daliiii… (kinikilig)… ay wala pala” hahaha.
-“Pakyu!”

Higit sa lahat,

  • Karamay – Hindi dahil sa namatayan ka lang, kundi dahil alam mong kailangan mo ng makakausap sa oras na halos hindi ka na makahinga sa bigat ng nakapatong sayo na problema, buhay pag-ibig, pamilya, trabaho, kinamumuhiang tao at ipa pa.

-“Ang tanga-tanga mo kasing hayop ka!”
-“hayop ka din! thank you ha!”

Mahirap sa tulad ko na madami ka ngang ituturing na kaibigan pero dumadating sa punto na wala kang maituring na ‘pinaka’ sa kanila dahil wala naman talagang pekpektong kaibigan. Pero ang pinaka mabigat na katanungan, itinuturing ka rin ba nila?

Ilang taon na rin ang nakararaan noong makakilala ako ng isang kaibigan. Ayos naman ang samahan namin at ayos din naman sya. Maihahambing ko sya sa isang magaling na manunula, mahahalina ka sa bawat salitang binibigkas nya lalo na’t kabundot ng bawat salitang iyon ay ang Diyos. Sa mas malalim na paghahambing para syang hindi makabasag-pinggan.

Hindi man sa pagkakataon o pananadya, nakilala nya din ang mga kaibigan ko. Doon nakaramdam ako ng selos hindi dahil sa hindi na ako napapansin kundi sa katotohanang wala talaga silang balak isama ako sa buhay nila. Hindi ko lang maintindihan na sa kabila ng turingan namin bilang magkakaibigan ay parang pinaglilihiman ka.

Parang sa isang pagkikita-kita ng mga akala mong kaibigan/katropa, sa sitwasyong makakakita ka ng mga group picture nila sa faceboook tapos ikaw lang pala ang hindi inimbita hahaha. Ang sakit nun men! Wawa.! Kaya mapalad ka kung hindi mo pa iyon nararansan.

Ganoon din sa mga tinuturing mong mga kaibigan na dapat ay nagkukwento sayo ng mga buhay-buhay nila (kahit hindi mo naman pinagkukwento) pero halos gusto mo na silang yugyugin at sabihing “magkwento ka!” pero hindi naman pwedeng ganun. At sa panahong nagkukwento na nga sila ay parang wala ng sustansya.

Sa oras naman na gusto mong magbahagi ng buhay-buhay mo, bigla mo na lang mararamdaman na hindi naman sila interesadong marinig ang kwento mo.

Kaya ako, hindi ko na iyon ginagawa sa ngayon. Napatunayan ko kasi na kung matalik ka talagang kaibigan, magkukusang magbahagi ‘yon. Hindi naman sa obligasyon pero alam kong bahagi yun ng konsepto ng pakikipagkaibigan.

Meron ka ngang kaibigan, laging naman nandiyan, napagkukwentuhan mo, napaprangka ka, napapagalitan ka, napupuri ka, lahat ng katangian ng isang kaibigang nasa konsepto mo ay nasa kanya na maliban sa isa –ang presensya. Iba pa rin talaga kapag personal mong nakakausap yung taong iyon. Ganoon pa man magpapasalamat ka pa rin, kasi kahit alam mong sa cellphone at internet lang kayo nagkakausap alam mong may nagpapaka-totoo at totoo sayo.

May pagkakataon namang may mga bagay na susubok sa pagkakaibigan nyo, isasalba mo iyon, magtatagumpay ka, muling mabibigo pero ipaglalaban mo pa rin dahil alam mong naging aral sa inyo ang mga kaganapang iyon. Sana nga hanggang huli na. sigh*

Pero may mga bagay na kahit sa kinahaba-haba na nang taon ang nakararaan hindi mo na talaga kayang ibalik yung dati. Mapapatawad mo s’ya pero hindi mo na sya matatawag na kaibigan.

Ganyan ang buhay-kaibigan sa akin, may mababaw may malalim. Ang konsepto ng pagkakaroon ng kaibigan ko ay nananatiling konsepto. Pero hindi ibig sabihin noon ay may mananatili at babatay na lang ako/tayo sa mga konsepto. Sadyang hindi lang talaga tayo pwedeng mamili. Sabi ko nga dati, na kung nakabibili nga lang sana ng best friend kahit napakamahal pa, handa akong mag-ipon at mabaon sa utang magkaroon lang ng kahit isa.

Ang pagpili ng kaibigan ay hindi lang sa paraan tulad ng pagpili ng kulay na nais mong ilapat sa isang papel o canvas, ang pagkakaroon ng isang kaibigan ay sa paraan tulad din ng kung paano mo ilalapat ng tama ang pangkulay. Sa ganoon, sa sandaling magkamali ka ng hagod, alam mo pa rin kung paano mo ito maisasaayos o mapapaganda, sa anyong napakakulay na tila may buhay ang iyong ipinipinta.

*Photo mula kay Pareng Google

–oOo–

Maraming Salamat sa mga  bago kong Subscribers/Followers:

zioncampo
http://www.unsayuso.com
4 na email followers

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”

Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

#NoteToMyEx


Nakanang tumetrending!

Maraming bagay ang umuudyok para isulat ko ito. Una nang makita kong trending ang #NoteToMyEx sa twitter. Pangalawa nang halos dalawang linggo na akong inuulan ng text ng dati kong housemate o sabihin na nating dating kaibigan sa paghingi ng sorry sa nagawa n’ya sa’kin (taragis! isang taon!? -isang taon bago bago humingi ng sorry? Ayos ha!) at Pangatlo, nang maamoy ko ang pabango ni ex habang naglalakad na tila nagpaparamdaman tulad sa isang taong yumao na. Lol. 😛

Nang maamoy ko iyon, ayokong isiping namimiss ko sya dahil hindi naman talaga. Siguro may mga bagay lang na bumabalik na ayaw ko nang maalala. Kaya bukas! bukas na bukas hahalug-hugin ko ang buong SM makakita o makaamoy lang ng ganoong uri ng pabango. Yun lang ang naiisip kong paraan para masanay ako. Para sakaling makaamoy ako muli ng ganoong uri ng amoy, hindi ko na sya maaalala.

Oo bitter ako, bitter ako hindi dahil sa mahal ko pa rin sya, kundi dahil sa mga nagawa n’ya sa akin.

Mahigit isang taon na ang nakararaan at mahigit dalawang taon naman buhat noong pinagkaingatan kong huwag munang magmahal dahil sa mala MMK na katapusan ng huli kong relasyong napasukan.

Sabi ko noon, dalawang taon na naman e, siguro ito na yun.

Masakit mang aminin pero ang hirap pala, kapag nagkatagpo ang dalawang taong malungkot –parang magiging panakip bukas ka lang sa mga nararamdaman nya. Ginawa n’ya akong ka-kuwentuhan ng problema nya, sa pamilya nya, sa trabaho. Akala ko kailangan n’ya ako dahil kailangan n’ya ko, ‘yun pala dahil kailangan nya lang ako. (san ko ba narinig yun? Haha) 😛

Hindi ko naman sinasabing ginamit n’ya lang ako, pero sa kanya na mismo nagmula. Masakit man marinig at pilit itanong pabalik sa kanya -pero niloko n’ya lang talaga ako.

Tandang-tanda ko noon, noong gabing normal lang naman na nagtetext ang dalawang magkasintahan. Nakapagreply s’ya pero hindi na sa mga sumunod. At dahil ako ang taong may ugaling hindi dapat pinupursigeng magtext o tumawag ang isang tao dahil nakakasakal iyon.., hinayaan ko sya. Kinabukasan, normal muli kaming nakapag-usap sa text at humingi ng pasensya dahil nawalan daw s’ya ng load.

Hindi ko alam kung ano ang naisipan n’ya o baka gusto nya lang talagang maging tapat sa akin kaya nagawa n’yang amining umalis sya ng oras na iyon na hindi nya ipinapaalam sa akin. Nagawa n’yang makipag-kita sa iba. At dahil may malaking tiwala ako sa kanya, hindi ko inisip na sinasaksak n’ya na pala ako patalikod.

Kahit ugali kong magbigay ng tiwala sa mga taong mahal ko, nagagawa ko pa rin namang mag-analisa ng mga pangyayari. Sabi ko, kung nawalan ka pala ng load ng mga oras na iyon, nakakapagtaka namang nagawa n’yo magkita ganoong sa facebook lang naman kayo magkakilala?

Nakakabasag ng tiwala ang mga sitwasyong iyon kaya nauwi kami sa labo-labo.

At dahil may mga pakiramdam ako sa mga bagay-bagay lalo na kung mahal ko ang isang tao, hindi ko alam kung paano nangyari pero natuklasan kong… yung ka-housemate ko pala ang naging katagpuan nya.

Kilala ko ang housemate ko, sa tagal naming nakahalubilo ang isa’t isa tuwang-tuwa pa iyon sa pagkukwento ng mga maling gawain n’ya; na ang kamalian naman naming mga kaibigan n’ya… ay ginagatungan pa namin.  Feeling  nya tuloy ang guwapo-guwapo nya.! (natuto naman akong hindi dapat kinakatuwa ang kamalian ng iba, dahil nasasanay at lumalaki ang ulo) Hindi ko naman kasi lubos maisip na pati akong kaibigan nya ay tataluhin nya!

Umalis ako ng bahay n’ya, kung saan nagbabayad din ako ng buwanang renta. Wala syang narinig sa akin kahit alam nyang may kasalanan s’ya sa akin kaya hindi nya na rin ako nagawang pigilin. Nanliligid man ang luha ko at pilit-pigil huwag itiklop ang mga kamao ko, nagawa ko pa ring pigilin ang sarili dahil ayaw kong ipakita sa kanya na talunan at kaawa-awa ako at sya ang nanalo sa ginawa nyang laro.

Grabe! Alam mo ba yung pakiramdam na talunan ka? Yung mga oras na wala kang maisip kundi sya, yung mga oras na gusto mo namang gumanti sa kaibigan mo dahil tinalo ka nya, yung pakiramdam na nag-iisa ka, nalulugmok, pinipilit na huwag mong kausapin ang mahal mo pero nagkukusa ang mga mata at ang mga daliri para kontakin at kausapin sya. Mas mahirap kapag nalaman mong okay lang siya habang ikaw nag-uumiyak, nakikiusap, hindi dahil gusto mong balikan ka nya, kundi layuan nya yung unggoy! halimaw at impaktong kaibigan mong iyon!

Pero totoo nga na habang pinoprotektahan mo ang isang tao at pilit na inilalayo sa patibong, sila pa mismo ang lumalapit sa panganib. Sumama na sya sa bahay ng kaibigan ko kung saan dati akong nakatira. Hirap man akong paniwalaan sa kwento ng mga kakilala ko sa bahay na iyon, pero mukhang may nangyari sa kanila. aw.

Bumaba ang tingin ko sa kanya. At alam n’yo ba kung gaano kasakit yun sa parte ko? lalo na kung alam nyong iningatan ko sya.

Wala na naman akong nagawa kundi tanggapin iyon. Hindi naman sila nag-tagal at wari kong nagkatikiman lang. lol. Kaya para maibsan yung nararamdaman ko at dahil alam kong mahirap magtanim ng sama ng loob, muli kaming nagsimula pero bilang kaibigan na lang. Mas bata s’ya sa akin, kaya alam kong napakapusok nya. Nagawa ko syang paghigpitan kahit alam kong “wala” na kami o kahit anong namamagitan sa akin bukod sa tinuturing ko syang kaibigan.

Pero sobrang kate! Lol. 😛 Ibig kong sabihin sobrang pusok n’ya mahilig syang makipag kita kung kani-kaninong nakikilala n’ya sa facebook. Di naman makaka-pagkaila dahil may limang libo s’yang friend sa FB (sya na maganda). Pero nagagawa n’ya talagang baliwalain mga sinasabi ko.

Hindi na kapani-paniwala pero pati sa mga kaibigan ko ay related na sa kanya. Ugali na n’ya talagang sumama at makipagkita sa mga taong hindi n’ya kakilala. Hindi na nakakagulat kung nagkakilala din kami dahil sa isang pagkikita. (dahil sa blog ko)

May mga pagkakataong halos habulin ko s’ya hindi man literal pero parang ganoon. Nagawa n’ya akong iwanan sa mall habang lakas loob sa sarili kong babalikan n’ya ako kung saan n’ya ako iniwan. Pero hindi. Nagawa ko s’yang sundan sa pupuntahan n’ya at pigilang huwag makisama sa mga taong hindi n’ya naman lubusang kakilala. At nagawa kong maghintay sa kahabaan ng EDSA habang nilalamok at abutin ng umaga para hintayin s’ya sa muli n’yang pagbabalik galing sa overnight kasama ang mga bago n’yang kakilala.

Nagawa n’ya akong balikan ng umagang iyon habang nagkasingkit-singkit ang mga mata kong nagkaka eyebags na at mabusog sa mga usok ng mga tambutso sa kalsada. Ganoon ako kamartir men! Para iyon sa isang kondisyong hindi na ako papasok muli sa opisinang magkasama naming pinapasukan para lubusan na n’yang kalayaan sa mga mata ko.

Hindi man n’ya nasunod ang kondisyon ko na hindi pagsama sa mga bago n’yang kaibigang wala namang magandang idudulot sa kanya. Nagawa ko pa ring tuparin ang pangako ko na hindi na papasok muli sa trabaho at tuluyang magreresign na. Ganoon pa man nagawa ko naman kasing ipabatid sa kanya na kaya kong magtiis ng gutom, puyat at maglakad (dahil walang-wala din ako ng mga oras na iyon) para lang maprotekhan s’ya sa iba.

Inaamin kong nagkamali ako, na hinayaan kong mawala at ipakita sa kanyang wala na akong tiwala sa kanya na hindi n’ya kaya ang sarili nya. Pero nangyari na.

Nagawa kong magresign. Pero hindi pumayag ang manager ko. Pero dahil na rin sa isang kondisyon na ililipat ako sa pang-gabi at opisina (sa alabang) pumayag na rin ako.

May samaan man ng loob kami sa isa’t isa, kahit kilo-kilometro na ang layo namin sa isa’t isa may mga pagkakataong nagkaka away-bati kami. At dumadating sa puntong “tama na, paulit-ulit na lang”. Kaya ako na rin ang gumawa ng paraan para magka-ayos na kami.

Hindi naman sa pilit, pero nagawa talaga naming maging magkaibigan. Yung tipong alam na naming kung saan kami lulugar at hahayaan na namin ang isa’t isa kung ano man ang gawin n’ya sa buhay n’ya.

Dumating sa pagkakataong nagawa n’ya nang iwan yung company namin, pero hindi naman dahil sa akin no! kundi sa personal n’yang dahilan.

Nagipit sya, dahil nagresign s’ya na wala namang malilipatang kumpanya. Dahil nakakaluwag ako noon at alam kong normal na kaming kumikilos higit sa magkilala kundi dahil sa inayos na pagkakaibigan pinahiram ko sya. Sinu pa ba ang magtutulungan? Ganoon naman talaga di ba? Hanggat ma’y maiaahon na pakikitungo sa isa’t isa iaahon at iaahon natin iyon. Ginawa ko ang lahat para umayon kami sa kung anong mayroon kami at masaya akong naiahon iyon bilang literal na magkalayong kaibigan.

Mahirap pero aminin nating lahat ng bagay may hangganan yung tipong natutuyuan ka na at wala ka nang mapipiga dahil nasaig ka na.

Sa kabila ng lahat-lahat! Hindi pa rin nya naiparamdam sa akin na kaibigan ko siya at nagawa nya pa rin akong saksakin patalikod.

Nagawa nyang magpagamit sa pinaka halimaw na kakilala ko na blogger naman (parang ang dami kong kaaway no?).  Nagawa n’yang mag text sa akin (na wrong send daw) na mula sa blogger na tinutukoy ko. Wala naman akong pakialam sa nilalaman ng text message,  ang akin lang hanggang sa huling pagkakataon, hindi n’ya pinahalagahan kung ano ang mararamdaman ko noong mga oras na iyon o kung ano na ba ang namamagitan sa amin -pagkakaibigan.

Sa ngayon tulad ng housemate kong may namagitan sa kanila, ulanin man ako ng text na “sorry” o mga quotes o group messages na yan. Wala na akong magagawa dahil pinag-daanan ko na lahat ng iyan. Nagawa ko na yung mga dapat kong gawin para palutangin kung ano man ang pwedeng isalba. Hindi na ako galit sa kanila (ang hirap na din kasi magtanim ng sama ng loob) Ang akin na lang ngayon ay umasta na lang tayo na hindi tayo nagkakilala.

Sa dati kong housemate na nag “so-sorry” sa akin matapos ang isang taon, sana naisip nya na kung nakikipag-away ako sa kanya edi dapat noon pa noong lumabas ako sa pintuan ng bahay n’ya ay nakarinig sya akin –pero wala kahit isa. Isa lang ibig sabihin n’on, ayaw ko ng away kaya wala syang dapat isorry sa akin. Sa ex ko mag sorry ka man o hindi sa akin, tanggap ko na iyon. Sabi nga sa akin ng nakatatanda n’yang kapatid “kung kami nga na kapamilya o kapatid nya hindi sya maintindihan ikaw pa kaya?” Ang akin lang ay nangyari na ang nangyari kaya, kumilos na lang tayo na hindi na lang tayo nagkakakilala. Wala naman sigurong masama dun mas masama siguro kapag dumating pa tayo sa sukdulan.

Kung naiisulat ko man ito ngayon, hindi ito dahil sa sobrang sama ng loob ko sa inyo kundi dahil alam kong matagal ko na itong gustong ikwento sa sarili ko at sa iba na rin, kung paano ako nagtangkang sumagip ng pagkakaibigan, kung paano naging tanga at kung paano natuto sa mga dati kong kakilala.

ALABANG BOY; ISANG GABI…


Madalas kong nasisilayan sa gitna ng gabi ang mabasa-basang kapaligiran, kasama ang mga manining-ning na bituin at mapang-akit na buwan. Maliwanag ang kapaligiran., huwari’t sa kadahilanang hindi mo kakikitaan ng ulap ang kalangitan. lels. 😛

Second week ko na sa pangalawang tahanan k0 sa ngayon. At nakatutuwang umakma ito sa ideal location (toinks!) kung saan nais ko mag opisina o lugar kung saan ko ginugustong makapagtrabaho-Muntinlupa. Isang tambling lang kasi ito mula sa tahanan namin sa Cavite. Ibig sabihin, male-less na ang mga gastusin ko sa transportasyon ganun din sa pagbabayad ko sa renta kung maninirahan pa ako sa iba. Dahil doon  na mismo ako sa lugar kung saan ako inire na Nanay ko mag-uuwian. Higit sa lahat maleless na ang posibilidad na male-late pa ako!. hohoho (one-ride na lang kasi)

Opps.. theres more! Higit sa lahat mai-aaply ko na ang turo sakin ni Monci at Papa CJ (Christian Joy) na “save before you expense” kasi nga makakatipid na ‘ko 🙂

First time ko din magpaka literal na panggabi. (Dati kasi halos late na rin ako umuwi sa Pahayagang pinasukan ko). Salamat na lang sa Boss ko na bigay-luho sa kalagayan ko at pagtitiwala sa kakayahan ko Naks! jokeness. hmmm siguro sabihin na lang natin na kahit di ka magpaliwagan details-to-details alam nya na agad ang sulusyon sa dinudulog ko (sipsip! lels) 😀

Alam mo kung bakit mas prefer ko din mag panggabi…? nababawasan kasi ka-emohan ko lalo na pag di ka makatulog. Nakakapraning kaya yun. Lalo na kung sa loob ng madaming buwan iisang tao pa rin ang pumapasok sa isip mo (daig ko pa nga ang inlove mula sa maka-labas left and right atrium ng nakaraan kong puso.

Nakakabadtrip lang kasi… puro kasinungalinan lang natamo ko sa taong tinuring kong Bestfriend. Pero hindi rin siguro! kasi kung best friend ko sya mauunawaan ko sya, pero hindi ko talaga maunawaan o ayaw nya lang magpaunawa?. Parang sa makabagong kasabihan na…

“Kaya mo nasasabing binabalewala ka ng isang tao, kasi iniisip mo na mahalaga ka sa kanya” e hindi naman? BASAG!

MAHIRAP MAGING CONCERNED!

Totoo ba yan ^ ? Ang hirap-hirap kaya. Ang hirap ipaunawa na nag-aalala ka! Mas mahirap pa pag kapag sinabi n’yang “Kaya nya” kahit Hindi. At mas mahirap pa kung sasagutin nya ko na “okey lang magkamali kasi natututo ko sa magiging kamalian ko” Kakapraning Men! Bakit ang hilig-hilig sumagot ng mga tao ng ganyan? Kailangan pa bang magkamali para matuto? Puwede namang pag-aralan yun di ba? Kahit sabihin nating iba pa rin ang resulta sa aktwal na pangyayari, kaysa sa mga posibleng mangyari.

Kunwari sa sitwasyong naghahanap ka ng dalawang butiking nagsesex sa kisame para gawing sex scandal at ipost sa xtube.com, tapos sa sobrang inip mo nakaidlip ka sandali. Malas naman na habang natutulog ka ay bumubuka din pala ang bibig mo. At kasabay naman noon, magaganap na pala ang sex scandal of the decade sa lupon ng mga butiki sa kabahayan nyo. At doon ka naman magigising nang may bigla na lang may malalaglag sa bibig mo! Aakalain mo na iyon yung babaeng butiki na sa sobrang kalandian at kahaliparutan kaya nahulog sa bibig mo. Yun pala spermcell lang ng lalakeng butiki na habang nalalag sa hangin ay biglang nagiging kasing laki at bumibilog na tulad ng mothballs sa aparador.

Iisipin mo bigla na mamamatay ka na! pero magpapasalamat ka na mabubuhay ka pa pala. Pero kalaunan mapapansin mo na tila unti-unti nang mawawala ang boses mo. Doon mo maalala na natutunaw din pala ang mothball pero sa sitwasyong nagiging mala-bulldog super glue ito na unti-unting tumutunaw ng adams apple mo.

GANUN BA!! HA! kailangan ba may mga malunok pang spermcell ng butiki para sabihin nating hindi na ako mag-aabang ng butiking nagsesex sa kisame para kuhaan ng video! Kung kailan natunaw na ang adams apple mo at kung kailan hindi ka na makakapagsalita pa!? Doon mo ba masasabing natuto ka!? Ha! At kinatutuwa mo yun! Ha!

Ang trying hard ko magpatawa no? Pero hindi ako nagpapatawa. Pero kung tumawa ka nakakatawa nga. lels. 😛

Minsan masarap na lang tawanan ang kamalian.. Pero nasasaktan pa rin tayo kapag alam nating yung dati mong kaibigan ang nagkakaroon ng kamalian at nasasaktan.

NAKAKAMISS LANG.

Kumain ako ng Lugaw dito sa kahabaan ng west drive dito sa Alabang. Yung.. lugawan dito sa harap ng Jollibee na 24 hours sa pagputok ng araw ay nawawala din dahil may huli ata. 😀

Medyo masarap. Medyo naalala ko din si ex BFF mas masarap pa rin pala kumain kapag may kasama. Nakakamiss yung mga panahon na sabay pa kami naghahanap ng makakaitang Gotahan.

Minsan, dahil ayaw mo na nang gulo at ayaw mo nang madagdagan pa ang pag-aawayan nyo. Iiwas ka na lang at aasang “Magkaka-ayos din kami” Nakakatakot lang na sakaling magka-ayos nga kami.. baka siya na yung “Kulang”

Hindi ko na kayang ipagtanggol ang isang taong feeling n’ya ay dinidiktahan sya..

Ang hirap din mangarap sa kasiyahan ng isang tao, ganoong hindi mo na alam kung nasaan na siyang parte ng pagkatao n’ya.

Mamayang Gabi Uli.

-Lugaw.