DEAR FRIEND, NAGSESELOS AKO!


selosKung inaakala ninyong may kinalaman si Marvin at Jolina sa post na ito mag-isip isip na kayo dahil nagkakamali kayo. Sinusulat ko ito dahil wala naman kasi akong kaibigan sa personal na buhay para pagkwentuhan nito. Kung mayroon man ay ‘di ko rin naman sasabihin  dahil alam ko na ang sasabihin nila -mala comedy bar na pagtawa. Hindi kasi magandang tingnan sa lalakeng tulad ko na mag-emo sa personal.

Tutal, tinuturing ko naman kayo bilang kaibigan, at alam kong ganoon din naman kayo sa’kin, maliban sa mga taong suklam na suklam sa’kin dito na kulang na lang ay sabihan ang lahat ng blogger para iwasan ako, pasensya ka na hindi mo deserves ang emoness ko.

Siguro naman, lahat kayo nakadama ng pagmamahal sa mundo. Pagmamahal na nagdadala sa’tin ng kaligayahan at kadalasan ay kalungkutan din, pero kung iisipin pangit din naman kung puro kaligayahan na lang. Sabi nga nila paminsan-minsan ay kailangan din na’ting humarap sa mga ka-emohang bagay. Personal kasi akong naniniwala na sa pamamagitan nito mas lalo tayong matututo at mas tatatag ang samahan ninyo.

Dahil nga doon, hayaan n’yong ikuwento ko sa inyo ang dahilan ko kung bakit ako nag-eemo.

MAHAL PAANO MALALAMAN?

Isa na daw sa madaling paraan para malaman mo kung mahal ka o mahal mo ang isang tao ay kung ikaw ay nagseselos o pinagseselosan.

Ito na yata ang isa sa pinaka mahirap mawala sa’kin, seloso kasi akong tao. Yung tipong kahit sino o kahit na sa maliit na bagay ay pinagseselosan mo. Lalung-lalo na sa mga kaibigan n’ya. Yung tipong “sana lagi mo s’yang kasama”, yung tipong baka may magkagusto sa kanya o baka s’ya mismo  ang magkagusto sa iba. Yung tipong sobrang paranoid ka na baka sa ilang sandali ay baka mawala s’ya sa’yo!.

Pag inlove ka sa isang tao, gusto mo sa’yo lang umiikot ang mundo n’ya. Yung tipong patay na patay s’ya sa’yo at masasabi mong “ang haba ng hair ko”

Kung puwede, oras-oras mo s’yang kausap, kung puwede lagi ka n’yang tiniteks ng kahit ano.

Dahil nga mahal mo ang isang tao, kahit saan naalala mo s’ya kahit sa mga oras na tulad nito, habang nagbablog ka. Hanggang sa pagtulog at paggising s’ya ang lagi mong naaalala (parang kanta lols.) kaya sobrang saya mo pag ginising ka n’ya sa pamamagitan ng tawag sa phone, kahit sa teks lang, babangon ka na may ngiti at feeling mo “complete “ ka na. Minsan nga gusto ko bumanat sa teks  “Mahal, puzzle ka ba?, ang aga-aga binuo mo na araw ko” pero dahil gasgas na yun at kumita na, minsan ikaw na mismo ang  mahihiya sa sarili mo, 😀 kaya di mo na itutuloy.

Nagdaan na rin ako sa ilang relasyon at napatunayan ko na dalawa lang ang nagiging dahilan kung paano ito natatapos; dahil sa sinakal n’ya ko o sinakal ko s’ya.

Ngayon, feeling ko na naman nananakal ako, at nakakasiguro ako na iisa lang ang ibig sabihin nito, MAHAL KO YUNG TAO.

Minsan kasi, sa sobrang pagmamahal mo, gusto mo ibigay lahat ng gusto n’ya, kahit alam mong masasaktan ka. Ni-ayaw mong magalit s’ya sa’yo o tampo man lang. Pero minsan sa sobrang mapagbigay mo, nauuwi ito sa dalawang bagay (1) lalo ka n’yang mamahalin (2) o aabusuhin ka at mauuwi sa ka-walang sustansiyang relasyon o pagsasama, nawawala dito yung tinatawag na’ting thrill sa buhay.

give and take ba tawag dun?

Sa huli, sinasabi ko na lang sa sarili ko na: “kung kayo talaga sa isa’t isa, kahit anong mangyari kayo pa rin ang magkakatuluyan sa dulo”.

ganoon na lang ba lagi?

sa bagay, kung di ka na talaga gusto ng tao, anong magagawa mo?

Pero, kadalasan sinasabi ko din sa sarili ko: “mahal na mahal ko s’ya, gagawin ko ang lahat para magsama kami, sakaling di n’ya na kaya, wala na naman ako magagawa kundi palayain s’ya.”

Masakit  malaman na pinipilit n’ya lang paniwalain ang  sarili na mahal n’ya ko, dahil alam n’yang masasaktan ako, kaya mas mabuting layuan n’ya na lang ako, kaysa magsinungaling s’ya ng makadalawang ulit, -sa sarili n’ya at sa akin.

NAPANSIN MO?

Dahil sa selos ang dami na agad pumasok sa utak ko. Kaya ang selos walang magandang pinatutunguhan kung meron man iyon ay napatunayan mo na mahal mo ang tao, pero hindi naman lagi, marami pa ring paraan.

Tandaan: Ang selos, nakamamatay! lalo na kung patay na patay ka sa isang tao 😀

Nais ko lang iparating na dahil sa selos maraming maaring kahinatnan ang selos sa maganda at pangit na resulta.

nasa iyo na ‘yon kung paano mo panghahawakan.

“I am not jealous, I can’t be jealous, I’ve never been jealous… ngayon lang! -janluyd.

KUNG BAKIT MAS NANAISIN KONG PAKINGGAN ANG SPEECH NI CORY KAYSA SA SONA NI GLORIA


Nagkalat na ang blog posts ukol sa SONA ni Gng. Arroyo -ang pangulong pinakamatagal na naupo sa puwesto, sumunod sa diktador na si Marcos. At kung mayroon man silang pagkakaiba  iyon ay ang kanilang kasarian. (wala na kong sinabi).

Si Gloria ang pangalawang babaeng pangulo ng bansa, pero kung ihahambing s’ya sa unang babaeng pangulo, malamang ga-bewang lang si Gloria kung pag uusapan ang dangal na kinamit ng Pilipinas.

Kung tutuusin, wala akong gaanong alam sa pulitika, pero dahil Pilipino ako,  marunong din naman akong makinig sa mga sinasabi nila. At dahil doon natututo akong mag analisa at humanga sa tao.

Noong naupo si Cory sa pagkapangulo, nasa talbos pa ako ng kamote noon, kaya nakakatuwang sa tulong ng Youtube.com napapanood ko ang nakaraan.

Habang napapanood ko ang bidyo, hindi maiwasang tumayo ng balahibo ko.

Si Cory na Pilipino, ay binibigyan ng pugay sa pamamagitan ng masigabong palakpakan ng mga tao sa Kongreso ng Estados Unidos.

At habang nagtatalumpati s’ya, hindi maiwasang humanga sa mga binibigkas n’ya. Animo’y isang Ina na nagkukuwento sa kanyang mga anak, isang Gurong nagwi-wika sa kanyang mga estudyante. Isang babaeng naglalahad ng lungkot na kanyang dinaanan, isang tagumpay na kinakamit na ng buong sambayanan, at pangarap na demokrasyang nakamtan. Kaya hindi na naikakatwa kung bakit hinangaan ang Pilipinas sa buong mundo.

Ngayong nasa sitwasyon tayo kung saan sa ilang sandali ay maaring bawiin sa atin ang babaeng simbolo na ng Pilipinas, ang babaeng tinaguriang Tita ng lahat. Nawa’y alalahanin na’tin ang mga naiambag n’ya sa demokrasya na Pilipinas. Kaysa pakingkan ang mga boses at salitang wala namang pinatunguhan hanggang sa huling pagkakataon.

Kung mangyari man ang malungkot na katotohanan, alam kong hindi lang s’ya mananatili sa kasaysayan kundi sa puso ko at sa puso ng buong bayan.

Video Credit: NinoyAquinoTV

ANO ANG PANGARAP MONG LIBRO?


Tadtad na ng mga pakontes ang wordpress, at hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung sino ba ang nagpasimula nito, ganoon pa man, salamat sa mga nakakaisip ng mga ganito, dahil nabibigyan ng mga idea ang mga blogger na wala ng maipost tulad ko heheheh joke lang :D, ang totoo, gusto ko lang din manalo at maki-join sa uso, higit sa lahat maki-diwang kung ano man ang dahilan kung bakit sila nakaisip mag pa kontes.

pangarap copy

At bago muna ang lahat nais ko munang humingi na hinaing dahil bagsak ang blogstat ko 😦 bakit kaya? mula sa 800 readers bumagsak na sa humugit kumulang 200 readers a day na lang kawawa naman 😦

Dahil marahil sa madalas kong pang aaway sa mga blogger.. sorry na 😦

At sa mga may matinding galit sakin na hanggang ngayon ay nais pa rin nila akong gawing madam auring para hulaan kung bakit?

Btw, nais kong gamitin ang pagkakataong ito para sa isang annoucement pahintay na lang po ang T-shirt may konting problema lang sa imprintahan 🙂

Nangangamba akong maunahan pa ng ibang mag papremyo kaysa sa LLM T-shirt ko hehehehe.

Btw uli, dahil tambak na ang invitations ko para makasali sa pakontes nila, tulad nila, Bernard at Mon, babawasan ko muna ito sa pamamagitan ng pagsali sa pakontes ni CWW.

Habol pa sana sa deadline 🙂

***

KUNG BAKIT NAIS KONG MAKUHA ANG LIBRO

coverpageSa pagdiriwang ng anniversaryo ni CWW sa WP, naglunsad siya ng isang pakontes: magkakaloob s’ya ng isang libro ukol sa fotographiya na may titulong “How to Shoot Great Travel Photos” ni Susan McCartney. Kinakailangan mo lang sumagot sa makalaglag utak na mga tanong na nakapaloob sa pakontes na isusumite sa kanya sa pamamagitan ng komento sa blog n’ya, at paggawa ng isang blog entry sa blog mo tulad ng ginagawa ko ngayon kung bakit mo nais mapasakamay ang libro. hehehe

hinihingi ko ang inyong tulong para mag spam dito (with sense) hehehehe para mapasakamay ko ang libro.

Noon pa man ninais ko ng maging litratista, hindi nyo naitatanong ang una kong entry sa blog na ito ay may kinalaman sa potograpiya na pinamagatang “DARKROOM”

Bata pa kasi ako, sobrang makati na ang mga daliri ko pagdating sa mga larawan. Ang hilig-hilig kong magkakalikot ng mga litrato ng magulang ko. Saganang akin kasi, nagkakaroon ako ng mga idea kung ano ang meron sa panahon nila kumpara sa panahon natin ngayon, na talaga namang malaki na ang pinagkaiba na.

Naalala ko pa nga noong nasa highschool ako iniyakan ko ang isang point and shoot kamera na de film, nag aaksaya ako ng pera para bumili at mga padevelop nito.

Kaya noong pumasok ako sa kolehiyo, pinili ko ang kurso na may kinalaman sa photography, kaso napaka limited lang na ituro samin yung “basic” na tinatawag lang. Tinuruan kami kung paano mag develop ng litrato sa pamamagitan ng agitation at Chemical A&B->stop bath->fix->running water->hang and clip. hehehe

Noong unang subok ko nga sa darkroom, nakasunog pa ako ng litrato masyado kasi akong natuwa habang pinagmamasdan ang unti-unting paglabas ng imahe sa likidong nasa developing tray.

Noong nakaluwag-luwag na ako, bumili ako ng digital camera nasa link na ito ang produkto niya, pero ang toong gusto kong kamera na DSLR ay nasa pangarap pa rin.

Alam ko sa sarili ko na may potensyal akong maging adik toinks! litratista pala kanya-kanyang pananalig lang ‘yan sa pangarap.

Kaya nais kong makuha ang libro, para habang di pa ako nakakabili ng kamera, magkaroon ako ng mga ideya kung paano gamitin iyon ng mas kapaki-pakinabang hindi kung tinatawag na “kuhang bahalang lang” 🙂

Sana tulungan nyo akong maabot ang pangarap kong makuha ang pangarap kong libro

suportahan nawa 🙂

salamat 🙂

P.S. Sticky post ‘to kaya sana mabasa n’yo din yung nasa baba. 🙂

ARAW NG MAYNILA (PANG TOTOY NA LAYOUT)


Pinagdiriwang ngayon ang ika-438 pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila at dahil Manileño ako mag kukuwento lang ako ng kaunti.

Ang totoo Caviteño talaga ako pero dahil sa botante na ako sa Maynila, siguro Manila citizen na rin akong maituturing. Pero di ko pa rin naman itinatakwil ang lupang sinilangan ko -ang Cavite, alam ko pa nga himno namin e.

Bayang Cavite, aming mahal
Laging Patnubay ng Maykapal
Sa yakap mo ay langit ay buhay at laging makulay

May isang siglo ang nagdaan, Bayan mong Kawit na kung saan.

Ay Isinilang ang Kalayaan ang lahat ay nagdiwang……

Cavite… Cavite.. ang lalawigan kong mahal

Mahal kita, Cavite… tangi ka sa Maykapal.

Cavite… Cavite… lagi ka puso ko.

(tama ba?) Nyahahaha..

at Alam ko rin naman kantahin ang Himno ng Maynila

Tanging Lunsod, naming mahal
Tampok ng silanganan
Patungo sa Kaunlaran
At kaligayan

Nasa kanya ang pangarap
Dunong lakas, pag-ulad
ang Maynila tanging perlas
ng Bayan ngayon bukas..

Maynila, o Maynila
Dalhin mo ang bandila

Maynila, o Maynila

At itanggahal itong bansa..

Oha! (napakanta ka no?)

Btw, dahil dito na’ko sa Maynila nag-aral ng High School at College, madami na rin akong napuntahan, sa kabilang banda kahit itapon mo na akong tulad ng pusa (tigilan nyo na yun magagalit ang PAW) ay hindi na ako maliligaw.

At dahil lakwatserong-gala ako hindi mawawala ang camera ko sa bag, kaya nagkakaroon ako ng pagkakataong makakuha ng mga larawan.

At dahil doon umusbong na naman ang pangarap kong maging Litratista. noong una, sabi ko kung mabibigyan ako ng pagkakataong maging photographer gusto kong masabak sa mga ambush picture yung parang paparazzi ba? o kaya kung tipong nagkakapukpukan na ng mga batuta at nagliliparan na yung mga streamers sa rally. Ayun yung pangarap ko!

pero dahil maliit akong tao, kahit na advantage yun sa paglusot sa mga paa ng mga kapwa mo litratista disadvatage pa rin ito kapag nagkakasiksikan na at nagtataas na ang mga camera ng mga kapwa mo photographer (e yun naman ay sa pagiging ambisyoso lang).

Sa ngayon, sinasanay ko muna ang sarili sa pa click click lang at sinasanay munang makipagbuno sa sariling kakahayan bago sumabak sa totoong laban.

E ano ba relasyon nito sa Maynila?

Noon pa man pinangarap ko ng mapublished ang mga kuha ko di naman kagandahan pero ayos na rin kaysa sa Wala Nyahahahah :D..

Ayun,  dahil sa pahayagan ako nagtatrabaho bilang layout artist nagkaroon ako ng pagkakataong isama ang mga kuha ko.

Ang totoo no choice lang sila kaya ayun uli, libreng libre ko itong napublished.

page-9 (1)

AKO MISMO DOG TAG DAY


Bukas, ika-12 ng Hunyo ipagdiriwang na’tin ang ika-111 na aniversaryo ng ating kasarinlan mula sa mga mapang-api at mapanakod na mga dayuhan. Sa araw ring ito ipagdiriwang din natin ang araw ng pinakahihintay ng lahat -ang araw ng magkakaroon ng AKO MISMO DOG TAG! Yeebee.. 😀

o ayan na mga dude.. sa mga nagtatanong kung saan o kung paano makakakuha ng DOG TAG pagkakataon n’yo na.

Dahil isa ako sa mga sumusuporta sa adhikain ng AKO MISMO, kahapon nakatanggap ako ng e-mail mula sa akomismo.org.

At dahil ang commitment ko ay:

Ako mismo ang mangangarap ng pagbabago para sa bayan ko

at

Ako mismo ang mangangalap ng suporta para sa AKO MISMO para sa pagbabago

 

isi-share ko ang natanggap kong e-mail.

dogtagday-otep.wordpress.com

The long wait is finally over.

On June 12, 2009, the AKO MISMO dog tags will be made available to the public for the very first time. The dog tags will be sold at P40 each;  the proceeds of which will go to our beneficiary charity partners and to the socio-civic activities which we will be mounting nationwide.  It is such an important event for us that we declared it the AKO MISMO DOG TAG DAY which will be  held at the Bonifacio Global City Open Field in Taguig City.  

The event will start at 2pm when we start selling the dog tags to the public.  The dog tag will be your entrance ticket to the events of the day.

From 2PM onwards,  you have the opportunity to mill around and check out the eleven charity booths we have set up, as well as other activity ! booths.

The charity booths will be distributing information about their respective causes and each of them will carry AKO MISMO T-shirts and lanyards specifically designed for the charity.  People who wish to support a particular charity should simply make a purchase there and proceeds will go towards their charity of choice. Our beneficiary charity partners are Caritas Manila, UN Stand up Against Poverty, World Vision, Dynamic Teen Company, ERDA, UP PGH Cancer Institute Foundation, Gawad Kalinga, Cutis Laxa Benefit, PNP Badge of Honor Foundation, PLDT Smart Foundation and DDB Cares.  

The venue will also have fun interactive booths: Henna Tattooing, Face Painting, Ako Kiss Mo booth, as well as photo and video booths.  There will  be food and beverage booths courtesy of McDonald’s and Pep! si.  ;

From 5 to 7PM, school bands and some up and coming professional bands will perform, interspersed with videos of the different charities and live sharing from their reps. 

From 7 to 9PM, the main concert will take place featuring the hottest bands in the country: Bamboo, Pupil, The Dawn, Kamikaze, Kjwan, and Up Dharma Down. Ely will open with his hit song Sala but with lyrics specially written for  Ako Mismo. There will be a special number with all the bands performing together  to pay tribute to the late Philippine music icon Francis Magalona . 

All registered members of Ako Mismo attending the event will get a chance to win one of five Lenovo laptops and other gadgets being given away that day.  Those who have not registered yet can do so at the Ako Mismo booth. The raffle tickets are also available here. It will a have a portion that will be marked by each of the activity booths. Raffle winners who have at least three marks on their form (meaning they participated in three activities) will get limited edition premium dog tags. 
The venue can accommodate 20,000 people at most. Please do come early as the gates will be closed once the venue is full. 

Food and non-alcoholic drinks will be sold inside the venue, so there will be no food or drinks allowed upon entrance. For security reasons, people will be frisked at the entrance to check against illegal drugs and dangerous weapons. 

We look forward to your participation at the AKO MISMO DOG TAG DAY.  Thank you for your continued support.

 

http://www.akomismo.org

 

www.akomismo.org

  

Ambisyoso Lang Talaga