Mga Imbak na Marka: Alta Vista de Boracay

PUKA SHELL BEACH


HPIM0183Magandang alon! – (“goodmorning” in sea world) lels. 😛

Ito lang yung mahirap kapag galing ka sa halos dalawang araw na walang tulog, makatulog ka man ng tatlo hanggang apat na oras, napaka hirap paring gumising. Ginusto ko ‘to eh! Kaya bangon agad para sa aming pangmayan na buffet breakfast ng Alta Vista De Boracay.

Continue reading PUKA SHELL BEACH

DAY 1 BORACAY: BAKASYON GRANDE!


philippine boracay map

Paalis na lang ako may mga pahabol pang trabaho at gawain, hindi na tuloy ako nakatulog para sa 8:00 am flight ko papuntang Boracay. Pero ganoon naman talaga di ba? Kailangan mo munang mapagod, magsikap at maghirap bago mo masabing “natutupad ang mga pangarap mo dahil sa mga paghihirap na ‘yan” ganoon din para mabigyan mo ng reward ang sarili mo.

———-ooOoo———-

#MEMA  Ayon kay pareng wikipedia, ganoon din sa mapa, Lels 😛 matatagpuan ang Isla Boracay sa itaas na bahagi ng Isla ng Panay. Sakop ito ng Probinsya ng Aklan at bahagi ng Munisipyo ng Malay. Mayroon itong tatlong barangay: ang Manoc-Manoc, Balabag at Yapak.

Alam na naman ng lahat na kilala ang Boracay sa mga natatamo nitong parangal  mula sa maraming lathalain sa iba’t ibang bansa dahil sa angking ganda nito at dahil na rin sa iba’t iba aktibidad nito sa isla. Pero alam n’yo ba kung saan nagmula ang katawagang “Boracay”? Anila, madami daw itong pinagmulan. Ang isa ay mula daw sa lokal na salitang “borac,” na ang ibig sabihin ay “bulak,” na maihahambing sa kulay at makinis nitong pinong-puting buhangin ng isla. At ang isa naman ay mula pa rin sa lokal na salitang “bora,” na ang ibig sabihin ay “bula” at “bocay,” na ang ibig sabihin naman ay “puti”. Maaari din daw nagsimula pa at nagmula pa noong panahon ng kastila sa salitang “sagay,” ang katawagan para sa mga kabibi At “boray,” na katawagan naman para sa mga buto ng halaman ang katawagang “Boracay”.

———-ooOoo———-

Continue reading DAY 1 BORACAY: BAKASYON GRANDE!