PHOTO-WALK : BAWAL MAG-SHOOT DITO!?


Ilang araw na ding nakararaan noong magyaya si Taympers (Mar Castillo) na mag photo-walk sa Intramuros. Sakto namang pareho silang dayoff ni Hamster (Jason De Guzman) tuwing wednesday. Hindi ko dayoff ang miyerkules pero dahil sa tabi-tabi lang ako ng Intramuros lumiban na lang ako sa part-time job ko sa isang pahayagan.

2:00pm ang out ko sa trabaho sa Alabang pero alas-4:00 na halos ng hapon kami nagkita-kita. Orihinal na magtatagpo sana kami sa SM Manila pero dahil heksayted silang dalawa sa “dati” na lang kami nagkita-kita. hoho

DATI: Dalawang Taon na ang nakakaraan noong huli kong napagmasdan 'tong Puno. Nakakapraning lang parang hindi kasi siya lumalaki. Parang ako lang. lels.

BAWAL MAGPHOTO-SHOOT DITO? WEH?

Nitong mga nakaraang araw din, napabalita ang mga nagproprotestang Litratista sa Luneta. Hinaing daw ito sa di umano’y pagbabawal ng tagapamahala ng nasabing parke sa pagpalilimita o pagkuha ng mga larawan sa pasyalan kasama na daw ang Intramuros. (Baka daw kasi biglang mag japan-japan si Rizal lels).

Ayon sa nababasa ko pati na rin sa napapanood, hindi naman daw ito tahasang pagbabawal o utos kundi paglilimita lang daw lalo na doon sa tinatawag nilang commercial photographers.

Anila, baka daw kasi maulit yung mga nauna ng mga pangyayari partikular na sa Libingan ng mga Bayani kung saan ginawang pre-nuptial photo background ng ilan nating kababayan, na sa totoo naman ay nakabastos naman talaga lalo na dun sa mga nahihimlay na. (siguro parang gusto lang nilang gawing literal yung mga banat na)

Lalake: Alam mo mahal, kapag kinasal tayo gusto ko sa Simenteryo.

Babae: huh!? bakit naman.

Lalake: Kasi patay na patay ako sayo! lels.

Naging isyu din sa mga lokal na litratista ang di umanoy “double standard” dahil, bakit daw ang mga porenger exempted ganung nagbabayad din naman ng buwis ang mga photographers.

Natatawa na naiinis lang ako. Bakit imblis na pagbabawal ng pagkuha ng mga picture/video ang ipagbawal nila, bakit hindi na lang batas o guidelines sa mga dapat at hindi dapat gawin kasama na ang kaukulang parusa ang ilatag nila, sakaling nakabastos man o nakasira ng imahe ang isang litratista sa pagkuha.

Ewan ko hindi ko makuha kung bakit bawal. Ako, personal na rin akong nasita sa Luneta. Akala kasi ng guard kinukuhaan ko ng video si Rizal e picture lang naman yun (tatlong taon na ang nakakalipas). Ano naman ang pagkakaiba ng picture sa video? Malamang magkaiba yun sa literal pero paano sa pagkuha kay Rizal? (Ahhh baka daw kasi biglang mag JumpShot.) lels.

Saganang akin, di ba mas okay nga kung mas maraming kukuha ng video at larawan sa mga pasyalan at tourist sites natin? Mas kakalat ‘to lalo na ngayon dahil computer age na. Ibig sabihin magkakaroon tayo lalo ng impact sa mundo para dayuhin tayo ng mga turista.

Ikaw ba kapag may pupuntahan kang lugar bumabase ka lang ba sa mga nariring? syempre hahanap at hahapan ka ng mga larawan para bubusog sa kukuryusidad ng isipan mo.

Ako, sa personal pa ring  perspectiv, sobrang dami kong pangarap mapuntahan dahil sa mga nakikita ko lang sa mga larawan at video. Sa tingin nyo papangarapin ko bang mapuntahan yun kung wala akong ideya kung ano ang mga matatagpuan ko dun?

Gusto ko din naman mag jumpshot at magjapan-japan sa Pyramid, Great Wall, Taj Mahal, Sao Paolo at sa buong mundo DAHIL SA MGA IMAHENG NAKIKITA.

Tapos para sa rebulto lang ni Rizal pagkakait nyo pa! dapat nga ay pinagmamaki natin yun sa buong mundo. Kung gumagalaw lang siguro rebulto ni Rizal bumaba na yun doon tapos bubulong satin.

Rizal: “Doon tayo banda sa Ocean Park -bawal dito”. hahaha 😀

PICTURE-PICTURE

Natapos naman ang photo-walk naming tatlo na hindi naman nasita sa loob ng Intramuros (buti naman) Nag enjoy kami at naranasang masaya talagang maging malaya saan mang aspeto o sa anu mang pamamaraan.

Sana malaman ng tagapamahala ng mga parke ganoon na rin sa mga namamahala ng tourist at historical site sa bansa, lalung lalo na sa tulad nating mamamayan na hindi lahat ng kalayaan ay dapat nating abusuhin. Ang kalayaan ay hindi lang pribilehiyo kundi RESPONSIBILIDAD.

BAGONG HERSTAYL BA KAMO?


IT’S PAYDAY! Bakit ganoon pag bagong sahod, hindi ka mapakali at gusto mo ng lustayin lahat ng pera mo. Parrrañg (kurog‘s tongue) one day millionaire ka?. Sayang tuloy yung turo sakin ni CJ na “Mag impok bago gumastos”. E ganun talaga e.

HOT OIL

Kinagabihan nagkita kami ni Hamster sa SM Manila.. at ang pakay, -magpaherstayl. Wala naman sa isip ko na magpagupit, balak ko lang talaga s’ya samahan. Pero dahil namimiss ko na ang salon (sarap kasi mag relax manamis-namis lels) nagpa Hot oil na lang ako.

Hindi ko naman perstaym magpahot oil nagagawa ko na rin ito sa mga maliliit na salon sa kanto. Ang sarap kasi ng feeling (manamis-namis lels) kapag hinihilot hilot yung anit mo at sinasabutan ka. Nakakatawa lang kasi, tinatagurian ‘tong hot oil pero ang lamig lamig naman sa ulo.

Pero nagbago ang pananaw ko sa David’s Salon pagkatapos ka palang sabunut-sabunutan e may isusuksok sa ulo mong isang malaking helmet. Uusok yun syempre at doon na siguro masasabing hot oil kasi literal na syang mainit.

HERSTAYL NI HAMSTER

Matapos paliguan ang daga naupo na sya sa harap ng salamin. Astig nga ng entrance parang si sister Estella sa puting tuwalyang nakalugay sa ulo nya. (sayang hindi ko nakuhaan ng pic.) haha

kitang kita ko, kung paano sya nilamas ng bading habang hinihintay si Ms. Eva (ang personal hairstylist ko since 2010 pero hindi pa rin n’ya ako kilala haha lels). Siya ang pinaka indemand sa salon kaya siya ang pinaka may malaking SF (service fee) sa halang 250.00. Kaya iyon na rin ang nirekumenda ko kay Hamster.

S’ya nga pala ang maganda kasi sa David’s salon, maganda ang serbisyo, sha-shampuhin ka talaga ng maka-ilang ulit with head massage (ulo sa taas yung sinasabi ko ha. lels) at pagkatapos may body massage pa pero bandang leeg at balikat lang.

Nang dumating na si Ms. Eva para  hasain si Hamster nag usap sila syempre. (hindi na ako nakinig) pero malamang sa alamang pinag uusapan nila kung anong gustong gupit ni daga.

Mukhang nagkaintindihan naman sila. Pero ang totoong pakay ni Hamster doon, ay para naman maiba ang herstayl n’ya kahit may kamahalan ang pagpapagupit. Saka sabi ko kasi sa kanya mas okay sa ganoong salon kasi sabihin mo lang na “sila na bahala” e konting tanong lang sayo e aarankada na. Hindi tulad sa ibang salon na kaya ka nga nagpapaherstayl e para makuha kung ano ang bagay sayo at makamit mo naman ang talento at pagiging profesyonal nila sa larangan ng paggugupit e parang wala din. Sayo pa din babalik ang tanong na “Henong gupit Ser?”

Kaya dapat doon na kayo sa masasatisfied ang pagpapasalon nyo. Magpagupit na sa David’s! (Nakanang promotion lels)

Pagkatapos nyang magpaguit… “May nabago ba?” haha.. sa isip-isip ko “parang wala”.

Para naman kasi sakin, ganun naman talaga yung bagay na gupit kay hamster yung simple lang, pero may konting tayu-tayo sa dulo.

Medyo saglit lang sya nagupitan kasi ang dami pang gugupitan ni Ms. Eva.

Kaya mas maganda pa rin magpagupit sa umaga kasi konti palang ang costumer at huwag magpapagupit pag payday madaming customer 😛

TIP

Matapos akong i-blower ng pagkatagal tagal dahil sa kapal ng bao ko, ayun at natapos naman kami. Nagpunta kami sa counter at nagbayad na. Medyo nagulat lang ako kasi naging P450.00 ang pagpapahotoil ko e ordinary lang naman yun. Naayos naman at P350 na lang ang binayaran ko. Si hamster naman ay P 250.00.

Dahil nag enjoy ako sa serbisyo ni Ate (hindi ko kilala) nagbigay ako ng 50. Sa pagpapagupit lang ako nagtitip pero dahil nag enjoy nga ako at ang dami ko talagang relax (mga walo) okay na yun.

Hindi nag tip si hamster kasi mahal na daw yung pagpapagupit nya. hoho

Pag labas namin sa isip-isip ko. “sana pala nag Rejoice na lang ako” Lels.

HAPPY BIRTHDAY OTIP!


Ang bilis ng panahon. Mahigit isang buwan na rin akong hindi nakakapagsulat dito sa lungga ko. Sayang yung nasa draft ko na hindi ko na naiposte at malabo ng mailathala pa dahil wala ng sustansya, pati na rin yung mga biglaang kuwento na bigla na ring naglaho ang  ideya at daloy sa isipan ko.

Bakit ba kasi ganito kaming mga manunulat madaling makapag isip pero madali ding nawawala kaya dapat ay mabilisan naitatala. (ako na writer!) lels.

Ewan ko ba kung bakit ang bilis-bilis. Katulad dati takot na takot akong mawalay sa magulang ko. Naglulumpasay ako sa kalye kapag hindi ako naisama at titigil lang kapag nakauwi na sila (totoo yun, kaya nga nagkasingkit-singkit ako kakaiyak). Ngayon tingnan nyo naman… bukod sa lagalag na, nakukuha ko pang magpaka indipendent. Syempre MALAKI na ko! (ayt! revised) syempre MATANDA na ko!. Gusto ko din naman tumayo sa sarili kong mga paa. Siguro ganun na rin ang turo sa aming magkakapatid na hindi sa lahat ng pahanon nandyan sila.

Ngayong matanda na nga ako.. at patuloy na tumatanda, bakit hindi nating pabalikin ang panahon. Oo 22 years old na ko, next year 21 tapos 20 hanggang umabot sa 1 month old hanggang mamatay (benjamin botton?) lels.

Naisip ko lang, hindi pa kasi ako nakakatatanggap ng sulat mula sa koreo maliban sa lintik na billing statement ng telepono etc. hahaha.

Bakit hindi n’yo subukang pabalikin ang panahon at padalhan ako ng sulat? Yung panahong wala pang nag-uugnay sa’tin tulad ng internet at mga telepono.

Dito, bukod sa makakatulong kayo sa Philippine Post Office (PhilPost) malalaman ko pa kung sino talaga ang ginigusto ako, minamahal ako, natutuwa sakin, hinahangaan ako (naks), gusto akong maging kaibigan, matalik na kaibigan at kung anu-ano pa. Gusto ko malaman kung sino mag eeffort para sakin. hahaha

Gusto ko maranasan yung nagbabasa ng sarili kong liham hindi yung nagbabasa lang ng sulat ng may sulat hahaha.. (ako na pakialamero) lels. Gusto ko maluha sa mga mensahe nyo mula ng inyong mga kamay (daliri pala). Gusto ko mag ala DJ sa radyo habang nagbabasa ng kwento nyo para sakin. Gusto ko mag ala Charo Santos at mag wika ng “Maalaala Mo Kaya?” o kaya Joe D’Mango para sa inyong mga love notes at para doon sa mga may matagal ng pagnanasa sa akin at hindi mawika. Hahaha (laugh trip ako dito) 😀

Hindi nyo naitatanong maagang dumating ang pinaka magandang regalo na matatanggap ko ngayong kaarawan ko.

Pero wala pa ring katumbas ang mga salitang sa inyo mismo magmumula. 🙂

Sana matupad nyo ang hiling ko ngayong nalalapit na Kaarawan ko sa ika-21 ng Nobyembre.

Ipadala lang sa

Joseph “Otep” Zablan

Tribune Publishing
9th Floor, GLC Bldg.,
T.M. Kalaw cor. A Mabini Sts.,
Ermita, Manila
1000

Huwag kalimutan ang inyong telephono sa loob ng inyong liham para personal ko kayong mapasalamatan.

Hihintayin  ko liham nyo ha.

Nagmamahal,

photo by  ©Mark Bryan V. Garcia