Tag Archives: Earth Shine Phenomenon

PILIPINAS, NGINITIAN NG JUPITER, VENUS AT NG BUWAN


OMG! – Ito na lang ang lumabas sa mga labi ko habang pinagmamasdan ang napaka-laking ngiti na nabuo mula sa pagtutulungan ng buwan at dalawang planeta.

Sa totoo lang kinilabutan ako habang pinagmamasdan ito. Napaka pambihirang karanasan ang makasaksi ng ganito.

Ang mga planetang Jupiter at Venus ay nagmistulang mayuyuming matang nagkikislapan habang nagmistulang matamis na ngiti ang nabuo sa ika-apat na bahagi ng Buwan.

Ayun sa mga siyentipiko tinatawag itong “Earth Shine Phenomenon” kung bakit? hindi ko alam eh.. lols 😀 search nyo na lang.. hindi ko rin alam kung tuwing kailan ito nagaganap.. Pambihira!

Haaayy.. Sinasabi ng karamihan na tulad ng isang mailap ng bulalakaw ay maari ka ring humiling dito. lalo na’t sa malaking smile (ay mali hindi pala smile, kundi “ISSSSMAAAAAAAAAAAAAAAAYYL” ganun kalaki!) lols.

Sinasabi ring malaking s’werte ang hatid nito sa bawat isa, lalo na sa ating bansa, imagine nginitian tayo? o baka nangingiti lang ang mga bituin sa kalangitan dahil sa nangyayari sa ating bansa.

Ganoon pa man, gamitin sana natin itong positibong simbolo para sa mga darating pang mga araw sa bayan man o sa pansarili. di ba?

Smile naman d’yan! 😀