Tag Archives: Himno ng Maynia

ARAW NG MAYNILA (PANG TOTOY NA LAYOUT)


Pinagdiriwang ngayon ang ika-438 pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila at dahil Manileño ako mag kukuwento lang ako ng kaunti.

Ang totoo Caviteño talaga ako pero dahil sa botante na ako sa Maynila, siguro Manila citizen na rin akong maituturing. Pero di ko pa rin naman itinatakwil ang lupang sinilangan ko -ang Cavite, alam ko pa nga himno namin e.

Bayang Cavite, aming mahal
Laging Patnubay ng Maykapal
Sa yakap mo ay langit ay buhay at laging makulay

May isang siglo ang nagdaan, Bayan mong Kawit na kung saan.

Ay Isinilang ang Kalayaan ang lahat ay nagdiwang……

Cavite… Cavite.. ang lalawigan kong mahal

Mahal kita, Cavite… tangi ka sa Maykapal.

Cavite… Cavite… lagi ka puso ko.

(tama ba?) Nyahahaha..

at Alam ko rin naman kantahin ang Himno ng Maynila

Tanging Lunsod, naming mahal
Tampok ng silanganan
Patungo sa Kaunlaran
At kaligayan

Nasa kanya ang pangarap
Dunong lakas, pag-ulad
ang Maynila tanging perlas
ng Bayan ngayon bukas..

Maynila, o Maynila
Dalhin mo ang bandila

Maynila, o Maynila

At itanggahal itong bansa..

Oha! (napakanta ka no?)

Btw, dahil dito na’ko sa Maynila nag-aral ng High School at College, madami na rin akong napuntahan, sa kabilang banda kahit itapon mo na akong tulad ng pusa (tigilan nyo na yun magagalit ang PAW) ay hindi na ako maliligaw.

At dahil lakwatserong-gala ako hindi mawawala ang camera ko sa bag, kaya nagkakaroon ako ng pagkakataong makakuha ng mga larawan.

At dahil doon umusbong na naman ang pangarap kong maging Litratista. noong una, sabi ko kung mabibigyan ako ng pagkakataong maging photographer gusto kong masabak sa mga ambush picture yung parang paparazzi ba? o kaya kung tipong nagkakapukpukan na ng mga batuta at nagliliparan na yung mga streamers sa rally. Ayun yung pangarap ko!

pero dahil maliit akong tao, kahit na advantage yun sa paglusot sa mga paa ng mga kapwa mo litratista disadvatage pa rin ito kapag nagkakasiksikan na at nagtataas na ang mga camera ng mga kapwa mo photographer (e yun naman ay sa pagiging ambisyoso lang).

Sa ngayon, sinasanay ko muna ang sarili sa pa click click lang at sinasanay munang makipagbuno sa sariling kakahayan bago sumabak sa totoong laban.

E ano ba relasyon nito sa Maynila?

Noon pa man pinangarap ko ng mapublished ang mga kuha ko di naman kagandahan pero ayos na rin kaysa sa Wala Nyahahahah :D..

Ayun,  dahil sa pahayagan ako nagtatrabaho bilang layout artist nagkaroon ako ng pagkakataong isama ang mga kuha ko.

Ang totoo no choice lang sila kaya ayun uli, libreng libre ko itong napublished.

page-9 (1)