Tag Archives: Huawei S7 Tablet

LATE KA NA NAMAN!


Late na nga kung tutuusin ang gagawin kong blog post na ito tungkol sa year-end special ko. e bakit ba! ako na busy! 😀 Hindi n’yo naman ikalulugod kung anong nangyari sa buong taon ko sa blogworld o sa buhay ko, pero wala lang, gusto ko lang magbalik tanaw sa loob ng isang taon na nakalipas.

Humigit kumulang 32,000 hits ang natamo ng Libre Lang Mangarap ngayon taon. Katumbas ng humigit kumulang din na 250views a day. Malayong malayo sa dating 500-800 views a day taong 2008-2009. e ganun talaga. Hindi ko naman pinagkakakitaan ang blog ko para pansinin ang mga stadistikang yan. Pero nakatataba ng puso kapag may ganitong kadaming bumibista para basahin ang walang-kwentang blog ko 😀

Salamat na lang talaga at nagbalik-loob ako sa Blog noong January 2011 kung hindi pa, malamang hindi ko nakuha ang Bloggers’ Choice Award sa PBA.

PHILIPPINE BLOG AWARDS 2011

TNT ano daw kinakanta ko dito? haha

Hindi ko na bibitinin kung ano ang hindi ko makalilimutan ngayong taon kundi ang pagkapanalo ko sa PBA. Magkadikit-dikit lang naman ang puwet ko sa upuan noong mga oras na tinatawag ang blog ko sa awards night. Sobrang hindi ko inexpect ang pagkapanalo ko noon, dahil kinagabihan palang alam kong talunan na ako. Salamat sa mga valid votes 🙂

Madami akong natanggap na email matapos ang pagkapanalo ko; mga pagbati, paghanga, spam, at ang labis kong kinabahala ang death treat! my gowd! ang daming haters!! lels.

Tapos puso pa ring pasasalamat sa mga sumuporta at bumoto 🙂

BAGONG TRABAHO | BAGONG TIRAHAN

ALABANG SKYLINE, pero hindi dyan aparment ko.

Buwan ng Hunyo noon nang ma on-the-spot akong natanggap sa trabaho. Hindi ako makapaniwala noong mga oras na iyon, sandaling interview lang kasi, wala  pa ngang hands-on narinig ko na agad yung “you’re hired”. Sa ngayon na renew uli ko yung contract ko hanggang MAY 2012.

Ang pagkakaroon ko ng mas maayos na pasahod sa trabaho ang naging dahilan para magkaroon din ng maayos na tirahan. Nakare-renta na rin ako ng apartment malayong-malayo sa kalagayan ko noong nag bo-boarding ako sa España Manila. Yung tipong tatae ka na  lang, kailangan mo pang pumila 😀 Sa apartment ko ngayon kahit maliit lang ang CR pwede pa akong matulog.

HUAWEI aka HOWIE

Hindi ako masaya sa lagay na 'yan haha

Abril naman noong na approved yung pangalawang plan ko sa GLOBE. Tuwang tuwa ako noon kasi first time ko gagamit ng touch screen. Na i-enjoy ko naman s’ya ngayon kahit walang mahagilap na charger ng HUAWEI S7 Tablet at pinag cha-chagaan ang naka electrical tape na Charger. Hindi na rin ako nag eenjoy sa service ng Globe kasi buwan-buwan na lang ata ako nag papa-adjust ng bill ko (ibang usapan na yun..) pwede naman lumipat ng network pag di ka na masaya di ba? (makalipat nga sa Kapatid Network! artista!? lels).

POSSES-PUSESAN!

"Ebidinsya" na nakasakay ako ng erpleyn

Nobyembre: Halos masaniban talaga ako noon,  noong malaman kong makararating na rin ako sa ibang lugar -ILOILO-GUIMARAS. Ang daming first time na nangyari: first time nakasakay ng eroplano, makasakay ng bangka, makakita ng white sand, makalabas ng Luzon at ang hindi ko malimutan ang makagamit ng palikuran ng eroplano. Kinilig pa nga ako pagtapos ko umihi e. swabe!

First time ko din magpakain noong birthday ko. Kahit mamulubi, nagawa kong manlibre sa mga ka-officemates ko at matatalik na kaibigan. Gusto ko nga sana lahat pa ng bloggers kaso hindi naman kaya ng bulsa ko ‘yon. Malay na’tin next time. (weh?)

Maraming salamat sa mga lumiham

Sobrang saya ko nun, noong makatanggap ng daan-daang liham (joke lang wala pang 100) Nakatataba talaga ng puso. Kahit ang mga readers ko nagpadala sakin, mga bloggers at mga ka officemates SOBRANG THANK YOU! 🙂

Madami pang nangyari kung tutuusin pero ito talaga yung mga hindi ko malilimutan.

PASENSYA NA PO

Pasensya pala last time sa pagpa-flood. Ni-repost ko kasi ang ilan sa mga matinong blog posts ko… malamang nareceieved nyo yun. Patawad po.

Ganoon pa man, maraming salamat po sa mga bagong sumusunod o followers ng Libre Lang Mangarap 🙂 Narito sila (mula noong Disyembre – kasalukuyan)

  • Wanhandredwan
  • AJ Luna
  • blacklovesme
  • Zyra
  • Zen
  • Ackeeno
  • boytoypoi
  • Ang Tambay na si MyR
  • pilarcinderella
  • Maglenatividad
  • silentblabbermouth
  • (2) someone bali “sometwo” na yun lels.
  • At Iba pa. (baka may nalimutan)

Kung nais nyo maki-subscribe sa isa na namang  taon nang pagbablog. tumingin lang sa upper right ng blog na ito at makikita nyo doon ang “SUNDAN SI OTEP” para makatanggap ng mga pinakabagong blog post ko. 🙂

Marami pang mga pangarap ang nais kong matupad ngayong taon bago gumunaw ang mundo.

Lalo na sa mga bagong lugar na nais kong marating.

Maraming Salamat muli sa Pagtingkilik at asahan ang mga walang kwenta na naman subalit may sustanyang mga post ngayong 2012!

Libre pa rin Mangarap 🙂

HOWIE


Mahigit tatlong linggo din akong nawala sa sirkulasyon dito sa blog. Busing-busy kasi ako sa kakaraket at gumawa ng iba’t ibang kaek-ekan sa buhay.

Sobrang dami ko tuloy na missed ikuwento, pero ang kwento ko ngayon ay yung pinaka highlight lang ng tatlong linggo kong pananahimik dito 🙂

Flat Screen:

Yeah! sa loob ng mahigit tatlong taong pananalagi ko sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, sa wakas! pinalitan din ang computer ko ng Flat screen. Hindi ko alam kung gaano kalaki basta malaki, kaya inspirado akong magtrabaho.

Parang ayaw ko pa tuloy mag resign, lulumain ko muna yung bago kong computer bago ko iwanan. hoho.

My|Phone QTV20

Matapos naman ng mahigit isang taon mula noong una akong nag-apply sa Sun Shop ng SM Manila at Sun Shop SM Sta Mesa ng postpaid line (na nadisapproved). Finally na approved na ito sa Sun Shop Robinson’s Ermita. (take note) isang linggo lang.

Tamang tama, hindi ko na kailangan bumili ng TV sa boarding house dahil may TV na ang phone ko sa halagang P250 a month with unli call and text sun to sun at 100 regular load to other network 🙂

kaso, puro officemates palang naka phonebook sa sun ko. text text naman tayo sa sun ko. hoho 0923-7329028.

Huawei S7 Tablet

Nasira pala yung phone ko nitong nakalipas na dalawang linggo, wala tuloy ako magamit. Kaya kaysa bumili ako ng bago, kumuha na lang ako ng additional plan sa Globe.

Masyado akong na enganyo sa Tablet sa halagang Plan 999 a month kaya iyon na lang ang kinuha ko.

Nakakatuwa kasi ang babait ng mga tao sa Business Center ng Globe sa UN Avenue branch, talagang inasikaso nila ako at nireserba pa ng unit na napaka hirap hagilapin -Huawei S7 Tablet.

Medyo wierd ako nitong mga nakaraang araw, sobra kasi akong natuwa sa touch screen with 4 orientations at wi-fi na  ang bilis bilis!! nakadownload tuloy ako ng napakaraming kanta at porn (lols). 8Gb kasi ang internal nya tapos nilagyan ko pa ng 8Gb na SD card, kaya sobrangggggg dami kong puwedeng ilagay. 🙂

nakakatuwa din pag may nagtetext, kasi parang nakikipag chat lang ako, yun nga lang pag may tumawag hindi mo sya puwedeng idikit sa tenga kaya dapat mong gamitan ng head set hahaha.. 7″ kasi.

Pinangalanan ko na nga tablet ko. sya si Howie S7 parang Howie Severino ng Channel 7 lang, kasi naman napaka teki talaga ng idol ko parang tablet lang hoho.

Ngayong taon, ang tablet ko na ang kauna-unahang pangarap na nakamit ko. ang saya saya 🙂

sana bago matapos ang taon laptop naman 🙂