POST- VALENTINE’S ♥


Kakatapos lang ng Valentine’s Day at sigurado akong hindi naman lahat sa inyo ang nakapag-celebrate.. siguro yung iba walang time -hindi suwak sa oras, yung iba sadya lang talagang walang ka-date. wahoho.. pang-asar! 😛

Nitong gabi, naisalang ko naman yung all-time-favorite kong movie -ang If Only.

Ewan ko ba kung anong gayuma meron dito sa movie na ito na kahit sobrang nakakaiyak at paulit-ulit na lang hindi ako nagsasawa kahit medyo sad story ang ending.

Siguro tinadtad lang ng mga aral ang bawat scene at mga nakakaemong pangyayari kaya ganun.

Naisip ko tuloy i-repost ito at i-suggest na maganda itong pang post valentine’s para sa mga taong hindi nakapagcelebrate sa saktong oras.

Pero ayos lang naman kahit hindi on time o sabay sa selebrasyon ng valentine’s day kayo magcelebrate, isipin nyo na lang ang tag line ng SOGO HOTEL : everyday is valentine’s day! 😛

Try nyong sabay panoorin ‘to, ewan ko na lang kung maghiwalay pa kayo.

appreciate the little things in life

sabi ni manong driver

Continue reading POST- VALENTINE’S ♥