POST- VALENTINE’S ♥


Kakatapos lang ng Valentine’s Day at sigurado akong hindi naman lahat sa inyo ang nakapag-celebrate.. siguro yung iba walang time -hindi suwak sa oras, yung iba sadya lang talagang walang ka-date. wahoho.. pang-asar!😛

Nitong gabi, naisalang ko naman yung all-time-favorite kong movie -ang If Only.

Ewan ko ba kung anong gayuma meron dito sa movie na ito na kahit sobrang nakakaiyak at paulit-ulit na lang hindi ako nagsasawa kahit medyo sad story ang ending.

Siguro tinadtad lang ng mga aral ang bawat scene at mga nakakaemong pangyayari kaya ganun.

Naisip ko tuloy i-repost ito at i-suggest na maganda itong pang post valentine’s para sa mga taong hindi nakapagcelebrate sa saktong oras.

Pero ayos lang naman kahit hindi on time o sabay sa selebrasyon ng valentine’s day kayo magcelebrate, isipin nyo na lang ang tag line ng SOGO HOTEL : everyday is valentine’s day!😛

Try nyong sabay panoorin ‘to, ewan ko na lang kung maghiwalay pa kayo.

appreciate the little things in life

sabi ni manong driver

♥♥♥

Naaalala nyo ba pa ang kuwento tungkol sa magkasintahang nakasakay motor siklo?

Kung hindi pa narito ang kuwento:

babae: hinto mo na natatakot na ako!

lalaki: masaya to!

babae: ano ka ba baka madis grasya tayo!

lalaki: humawak kalang ng mahigpit…puwede bang sabihin mo na mahal mo ako!

babae:oo mahal na mahal kita!

lalaki: puwede bang yakapin mo ako ng mahigpit!
(niyakap ng babae ng mahigpit ang lalaki)

lalaki: puwede bang isuot mo itong helmet! (isinuot ng babae ang helmet)

pagkatapos ng ilang minuto, isang aksidente ang nangyari.

Ang magkasintahang sakay ng motor siklo’y kapwa naaksidente! at sa bilis ng pagpapatakbo nito himala na lang kung hindi sila maano.

Nakaligtas ang babae ngunit namatay ang lalaki. Nang inimbistigahan ang nangyari nalaman na nawalan pala  ng preno ang motor siklo.

Alam na ito ng lalaki bago pa sila maaksidente, ngunit isa lamang ang dala nilang helmet kaya mas pinili ng lalaki ang mamatay kaysa ang kanyang kasintahan.

Kagabi hindi ko magawang patulugin ang sarili ko. Siguro sabihin na lang natin na may mga lamok na bumubulong sakin kaya hindi ako mapakali sa kinalalagyan ko. -lamok ng pag-iisip (ang kati!)

Nagsalang ako ng bala para mabawasan ang init ko. (toinks!) ibig kong sabihin para mabawasan ang pagkainip ko at ang hindi yung iniisip n’yo. Walang porn sa bahay (sino meron? pahiram ako) lols.

Dahil gusto ko ng maramdam ang pagiging inlababo muli  isinalang ko yung love story (hindi nyo naitatanong, jologs ako kaya bukod sa mga pelikulang may temang pagkagunaw ng mundo trip ko din ang love story)

Hindi ko maipaliwag yung nararamdaman ko, pero habang nanonood ako noon walang scene na hindi ko naalala ang mga nakaraan ko.

Sobrang ganda ng istorya, nanlilingid ang mga luha sa mata ko.

Hindi talaga natin maiiwasan ang mga nakatakda sa atin no?

Sa kabilang banda, mapapalad yung mga taong nabibigyan ng babala sa hinaharap para maipakita at maparamdam natin sa isang tao kung gaano natin sila minamahal.

Sa ibang banda, kung alam lang talaga natin ang patutunguhan ng lahat, gusto kong ibigay sa kanya ang buong buhay ko, ang nararamdam ng puso ko at mga bagay na alam kong ikatutuwa n’ya.

Kaso minsan, nahihirapan tayo kung paano natin ipapakita sa kanya ito. Yung mga salitang “I love You” o “Mahal kita” ay hindi sapat sa nag uumapaw na pagmamahal mo.

Masakit mawalan ng minamahal, kasing sakit din ng literal na pagkawala. Pero ang totoong nagmamahal kahit wala na yung minamahal mo nananatili at mananatili ito sa puso mo.

Siguro maihahalintulad din dito ang  isang puso na tinatuan gamit ang tintang hindi nabubura (imposible? pagmamalabis?) kaya walang sinabi ang mga letra na iniukit sa bato at sanga na puwede pang burahin ng panahon.

Ang pag-ibig nagbubukas sa ating mga mata sa ibat ibang dimensyon, sa ibang banda nakikita ng totoong pagmamahal ang lahat-lahat kahit ang pinakamaliliit na bagay.. parang “love will show you everything”

Siguro ang pinaka astig na pangarap ng pag-ibig ay yung,

PANGARAP MONG MAMATAY PARA SA MAHAL MO.

22 thoughts on “POST- VALENTINE’S ♥”

  1. Mga kaibigan kong babae ang ka-date ko kagabi. Pinag-usapan namin kung bakit kami single. Kung tutuusin dapat emo shit kaming lahat, pero ang dami dami naming tawa.

    Akala ko ang tagline ng Sogo ay: So Good, So Clean

    Para mabawasan ang init, maligo. Bohahaha!

    1. Slogan nila ang So good, so clean..

      yung everyday is valentine’s day sa tarp. ko nabasa hoho..

      te salbe paano magbawas ng init ang babae pag naliligo? sa lalake kasi madali lang sa babae?

      wahahahhaa laugh trip ako dito. wahahaha..😛

      P.S nasagot ba ang tanong kung bakit kayo single?

  2. gusto ko yung kwento. pero yung movie eh di ko pa ata napapanuod yan.

    pag free time, mastream nga online yang movie na yan.🙂

    naalala ko yung isang movie na napanuod ko. jean.. err. basta may jean sa title nun. indie film sya.🙂 just the same exact story pero yun lang, nalunod misis nya kaya tumalon na din sya para magpakamatay.

    til death do us part ang drama nila.😦 nakakalungkot lang.

  3. hay,,,naku tlaga nga namang member aq ng SMV jejejeje. biro lng po…ganda nman ng Movie suggstion u otep. I like it! Gud Post!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s