Tag Archives: MRT

DAANG BAKAL


Ayokong pag-usapan ang badnews dito sa blog ko, pero iinisin ko muna kayo ng kaunti hahaha.

Hindi na naman lingid sa inyo na mag tataas na ang pamasahe sa LRT at MRT.

Mula sa dating pamasaheng 15-20 pesos, asahan na daw natin ang 50-100 porsyentong pagtaas nito. Sa pinakamadaling paliwanag dodoble na ang 15 pesos sa 30 pesos. aw.

Pero hindi naman talaga yun ang ikukuwento ko ngayon. Hindi na naman kasi ako madalas gumamit na ng LRT at MRT mula noong sa Maynila na ako nagtrabaho mula sa dating opisina ko sa Makati.

Pero aminin na natin na isa ka sa apektado at syempre apektado din ako no,  sasakay at sasakay pa din naman kasi ako ng LRT at MRT sa ibang pagkakataon.

Anila, ang mga tren daw ay isa mga sumisimbolo na umaangat ang isang bansa, napapabilis kasi nito ang transportasyon na higit na kinakailangan para sa mabilis na pagtakbo ng ekonomiya. Syempre tao din naman ang kumikilos para sa ekonomiya. At bilang tao, tao din naman ang gumagamit nito. Ano daw? hahaha nagulumihanan ako.

Sa ibang banda, importante ang mga tren tapos.

Kamakailan, umuwi ako sa Cavite, syempre dahil uuwi ako ng Cavite dadaan at daan ako sa Alabang.

hindi naman ito ang una kong sakay pero buhat noong natuklasan ko ‘to, isa na ako sa tumatangkilik dito.

Mula sa España sa Sampaloc Maynila, naisipan kong mag PNR (Philippine National Railway) wala lang gusto ko lang ma-try uli.

Nakakatuwa, Kasi mga bago ang tren (de-aircon). malayung-malayo na sa mga bulok at tila basurahan, dahil trip itong tapunan ng nakaplastik na basura ng mga nakatira sa illegal settlement noon.

Ayun. Isa pa pala yun! Wala nang squatter area sa paligid. Ito na yata ang pinaka nagustuhan ko sa proyekto ng nakaraang administrasyon.

Kumportable ang biyahe, hindi nagtatagan ng maraming minuto ang tigil ng tren sa bawat istasyon. Bukod doon, kumportable pa sa bulsa 🙂

Mula sa Alabang (sa likod ng Starmall) hanggang EDSA station 10 pesos lang.

Mula naman sa Alabang hanggang San Andres station 15 pesos lang.

At Mula sa Alabang Hanggang España 20 pesos lang, yun pa lang mga nasasakyan at nabababaan kong stations kaya yun lang alam kong eksaktong pasahe.

Wala na mang balita na kasama ang PNR sa magtataas kaya isang malakas na tawa! BWuahahahaha! 😀

Pero kung tutuusin napaka-laking tipid talaga. Imaginin mo ang pamasahe sa bus mula Taft (Pedro Gil) pag sumakay ako ng bus doon papuntang Alabang 35 pesos na agad. Ang laking tipid talaga.

Pero ang kinakatuwa ko doon, napakabilis ng biyahe. Ang dating nilalakbay ko na humigit kumulang isa’t kalahating oras papuntang alabang (depende pa kung magpapapuno pa ang bus o matatrapik) ngayon ay mahigit kalahating oras na lang.

Wala kasing traffic at toll way sa daang bakal. hehe

Pero napansin ko lang sa mga tren, marami ngang security sa loob ng tren at bawat istasyon pero hindi naman ganoon kahigpit ang seguridad. Sa ticket palang, kung gugustuhin ko ngang bumaba sa ibang istasyon hindi ako mahahalata sa na ganun ang halaga ng ticket ko, dahil hindi naman madalas ang inspeksyon ng mga ticket (parang bus ticket lang). Hindi rin ini-inspeksyon ang mga bagahe, kung may mga inspeksyon man, pahapyaw lang.

Malaki ang tiwala ng tagapangasiwa ng PNR sa mga pasahero nito.

Iniisip ko din na sana ginawa na lang nilang magnetic card ang PNR.

Sana marami pang makatuklas ng PNR lalung-lalo na doon sa laging bumabiyahe papunta at palabas ng Maynila -ang laking tulong kasi!.

Alam n’yo may matayog akong pangarap para sa mga tren ng bansa… yung mala tren ng Japan -pinakamatulin na tren sa buong mundo. astigin yun mga parekoy. haha ambisyoso lang.

Kung sisimplehan ko naman ang pangarap ko para sa mga tren, sana hindi na lang magtaas 😦 at kung magtaas man sana mas gumanda ang serbisyo.

Yung tipong walang bumabagsak na pinto (may naalala tuloy ako haha, ibang kuwento na yun), ‘yung… hindi na nagiging siksikan dahil panay naman ang dating ng Tren… May mas mahigpit na securidad.. may mga xray machine (ba tawag dun? ) para sa mga baghahe ang lahat ng istasyon.

Ayos ang mga speaker ng tren -mga buzzer para hindi nakakarinde sa tenga. May mga maayos na palikuran, hindi yung ilang istasyon lang.. yung tipong kapag natae ako hindi na ako pupunta sa mall.

at kung anu-ano pa! sana nga maging worth it ang magiging karagdagang bayad ng mga mamamayan na tumatangkilik sa pinaka mabilis at pinaka abot kayang transportasyon sa mga siyudad ng Kamaynilaan.

PAGLALAKBAY


Nakakailang pahina na rin ako sa isinusulat ko, pero malayong-malayo pa ito sa gusto kong mangyari. Kasing layo ng nararating ko para lang makahanap ng maganda-gandang daloy ng istorya.

Kamakailan, dinala na naman ako ng mga paa ko kung saan-saan. Mula sa Manila City Hall, sumakay ako ng LRT (Central Station) at bumaba sa Edsa Taft. Mula doon muli na naman akong sumakay ng tren (MRT).  Para akong adik na hindi ko mawari kung saan ako pupunta. Ang dami ko ngang mall na nadaan sa EDSA. Hanggang makarating na ako sa dulong istasyon nito -North Avenue. Pumasok ako sa loob ng mall doon -ang Trinoma. Matagal-tagal nadin akong di nakapunta doon at natatandaan ko pa noong huling punta ko, noong autograph signing pa ng I-Witness DVD sa Powerbooks.

Gaya ng dati, wala na naman nangyari sa pinunta ko doon, hindi pa rin ako makapulot ng kuwento. Matapos pagmasdan ang mga makukulet na tubig na naglalaro sa mall na iyon, lumabas ako at pumunta sa kabilang mall -SM North EDSA. Pumunta ako sa IMAX at binalak na manood ng AVATAR na binibida sa akin ng isang kabigan na ubod daw ng ganda. Kaso medyo may kamahalan, wala naman akong kasama para may manlibre sa’kin.

Naubos lang ang oras ko kakalakad. Kung totoo lang sana yung kasabihan sa radyo na nakadaragdag ng tangkad ang paglalakad okay pa sana.

Sabi : Sa bawat 100 kilometro daw na paglalakad mo katumbas ito ng 1 inch na kalyo, so kung susundin mo ito at maglakad ng 500 kilometro sa kabuuan may 5 inches ka na agad. At kung 5’5 ka na ngayon magiging 5’10 ka na. (not bad). e iyon ay ayon lang sa korning joke napakinggan ko sa radyo ukol sa pagtitipid ng gasolina.

Bumalik ako sa Trinoma at nanood na lang ng Sine -Salomon Kane. Kasamaan laban sa Mabuti parang ganun. Demonyo laban sa dating masamang tao? (parang ganun uli). Hindi makatotohan ang istorya pero makatotohanan ang aral sa dulo na kahit anong pagiging masama at naging kasalanan mo noon puwede ka pa ring gumawa ng mabuti sa dulo.

Sa huli natapos ang araw ko sa panonood ng sine. Alas 12:00 na nang umaga noong nakalabas ako sa Trinoma at nag isip kung paano makakabalik sa bahay. Nakita ko ang MRT at naalalang weekdays pa rin pala kaya hanggang ala-una pa ang MRT.

Sana pala sa ganitong sitwasyon lagi ang MRT kakaunti lang ang tao, walang init kang mararamdaman higit sa lahat wala kang nakikitang nakatayong tao sa loob ng tren. at mas higit sa lahat mas matititigan mo ng lubos pag may nakita kang bagong crush lols. 😀

Noon ko namasdan lahat ng tao sa loob ng tren, pawang mga inaantok at may kani-kanilang iniisip kahit ang iba’y tila tuluyan ng nakatulog. Noon ko din naisip na lahat nga pala tayo ay may kani-kaniya ding kuwento.

Bumalik uli sa isip ko yung isinusulat kong kuwento, wala pa rin palang ibang puwedeng pagkuhaan ng ibang kuwento kundi ang sarili mong karanasan.

Siguro sa ganitong paglalakbay gamitin na lang nating mga tauhan ang mga nakakasalubong na’tin sa buhay at iyon ay walang iba kundi sila ding taong naging parte ng iyong sariling karanasan.

My site was nominated for Best Foreign Language Blog!

****

Participate @