PAGLALAKBAY


Nakakailang pahina na rin ako sa isinusulat ko, pero malayong-malayo pa ito sa gusto kong mangyari. Kasing layo ng nararating ko para lang makahanap ng maganda-gandang daloy ng istorya.

Kamakailan, dinala na naman ako ng mga paa ko kung saan-saan. Mula sa Manila City Hall, sumakay ako ng LRT (Central Station) at bumaba sa Edsa Taft. Mula doon muli na naman akong sumakay ng tren (MRT).  Para akong adik na hindi ko mawari kung saan ako pupunta. Ang dami ko ngang mall na nadaan sa EDSA. Hanggang makarating na ako sa dulong istasyon nito -North Avenue. Pumasok ako sa loob ng mall doon -ang Trinoma. Matagal-tagal nadin akong di nakapunta doon at natatandaan ko pa noong huling punta ko, noong autograph signing pa ng I-Witness DVD sa Powerbooks.

Gaya ng dati, wala na naman nangyari sa pinunta ko doon, hindi pa rin ako makapulot ng kuwento. Matapos pagmasdan ang mga makukulet na tubig na naglalaro sa mall na iyon, lumabas ako at pumunta sa kabilang mall -SM North EDSA. Pumunta ako sa IMAX at binalak na manood ng AVATAR na binibida sa akin ng isang kabigan na ubod daw ng ganda. Kaso medyo may kamahalan, wala naman akong kasama para may manlibre sa’kin.

Naubos lang ang oras ko kakalakad. Kung totoo lang sana yung kasabihan sa radyo na nakadaragdag ng tangkad ang paglalakad okay pa sana.

Sabi : Sa bawat 100 kilometro daw na paglalakad mo katumbas ito ng 1 inch na kalyo, so kung susundin mo ito at maglakad ng 500 kilometro sa kabuuan may 5 inches ka na agad. At kung 5’5 ka na ngayon magiging 5’10 ka na. (not bad). e iyon ay ayon lang sa korning joke napakinggan ko sa radyo ukol sa pagtitipid ng gasolina.

Bumalik ako sa Trinoma at nanood na lang ng Sine -Salomon Kane. Kasamaan laban sa Mabuti parang ganun. Demonyo laban sa dating masamang tao? (parang ganun uli). Hindi makatotohan ang istorya pero makatotohanan ang aral sa dulo na kahit anong pagiging masama at naging kasalanan mo noon puwede ka pa ring gumawa ng mabuti sa dulo.

Sa huli natapos ang araw ko sa panonood ng sine. Alas 12:00 na nang umaga noong nakalabas ako sa Trinoma at nag isip kung paano makakabalik sa bahay. Nakita ko ang MRT at naalalang weekdays pa rin pala kaya hanggang ala-una pa ang MRT.

Sana pala sa ganitong sitwasyon lagi ang MRT kakaunti lang ang tao, walang init kang mararamdaman higit sa lahat wala kang nakikitang nakatayong tao sa loob ng tren. at mas higit sa lahat mas matititigan mo ng lubos pag may nakita kang bagong crush lols.😀

Noon ko namasdan lahat ng tao sa loob ng tren, pawang mga inaantok at may kani-kanilang iniisip kahit ang iba’y tila tuluyan ng nakatulog. Noon ko din naisip na lahat nga pala tayo ay may kani-kaniya ding kuwento.

Bumalik uli sa isip ko yung isinusulat kong kuwento, wala pa rin palang ibang puwedeng pagkuhaan ng ibang kuwento kundi ang sarili mong karanasan.

Siguro sa ganitong paglalakbay gamitin na lang nating mga tauhan ang mga nakakasalubong na’tin sa buhay at iyon ay walang iba kundi sila ding taong naging parte ng iyong sariling karanasan.

My site was nominated for Best Foreign Language Blog!

****

Participate @

22 thoughts on “PAGLALAKBAY”

  1. tama ka dyan otep.karanasan ay nagbibigay sa atin ng kulay..itim,pula,puti, at bughaw..gaya ng nakita mo sa tren meron din silang pangarap yan..hindi mo maririnig pero maramaramdaman mo meron silang pangangailangan..sa tren na rin kadalas tyo nag-iisip ng pangarap at goal para sa maghapon at bukas.

    natawa ako dun sa “Sa bawat 100 kilometro daw na paglalakad mo katumbas ito ng 1 inch na kalyo, so kung susundin mo ito at maglakad ng 500 kilometro sa kabuuan may 5 inches ka na agad. At kung 5′5 ka na ngayon magiging 5′10 ka na. (not bad). “..hehehe..pareho tyo nangangarap din madagdagan ang taas..hindi na rin kasi effective sa atin ang cherifier..hahahaha…kaya tanggapin na lang na…. tyo ay mga cute…hehehe..

  2. kapag gusto ko makapag-isip isip, gusto kong tumambay o kaya maglakad lakad na wala naman talagang siguradong pupuntahan.
    tama, wala kang ibang pwedeng pagkuhaan ng kwento kundi karanasan mo, o ng mga taong derektang may kaugnayan sa buhay mo, mga taong pinapahalagahan mo, o mga taong nakapukaw ng damdamin mo.

  3. isa sa mga naging past time ko dati ay gawan ng kwento sa aking isip ang mga taong nakaksabay ko sa bus……
    …dito nagsimula ang aking malayang kaisipan…..kasi sa isipan natin walang kontra at kontrabida….
    ….

  4. Otep said, “Bumalik uli sa isip ko yung isinusulat kong kuwento, wala pa rin palang ibang puwedeng pagkuhaan ng ibang kuwento kundi ang sarili mong karanasan.”

    As you are telling your stories to us, I am getting more excited on reading your first book.. kase kilala ko kung saang bahagi ng experience mo hinugot ung kwento (or moment n un…) fairly done.. Galing.

  5. ako rin madalas maglakad kapag may iniisip ako. masnakakapag isip ako kapag ganun eh.

    maganda ba talaga ang avatar? sige..aabangan ko na! haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s