BORINGNESS…


Kung gaano kaboring ang buhay ko ngayon, s’ya din namang ka-walang buhay ng blog ko. Wala kasing bagong pangyayari kaya wala din akong mai-blog. Kaya nasa inyo nang mga mata kung pagpapatuloy nyo pa ang pagbabasa nyo ngayon.

Sayang lang theme ng new header ko seasonable pa naman hoho.

Syempre kung boring ang nagsusulat (may maisulat lang) ganun din ang kuwento.

Nakakalungkot lang, sa una kasing pagkakataon, makalipas ang tatlong taon, hindi ako makakaakyat ng Baguio. Akala ko every lenten season na’to. Wala kasing mang ti-treat ngayon, kaya walang Baguio. Alam mo naman ako, mahilig lang maki ride-on. Hoho

Sana next month o bago matapos ang taon makapunta muli ako sa Baguio. Sarap kasi ng klima doon, para akong wala sa Pinas, lalo na siguro kung marami akong pera. Hoho.

Pinaka- namimiss ko doon yung burger nila sa public market na pagkalaki-laki. Sing-laki din ata ng bread yung kamatis na palaman sa gitna. Kewl.

Pero sa totoo lang kung malapit lang sana ako sa simbahan (not literal) siguro hindi ako maboboring. Puwede naman kasi akong mag bisita eglesia ngayong semanta santa, o kahit simpleng pagsisimba lang. Kaso yun nga ang problema… siguro ako na din ang lumalayo.

Ganito ang napapala ng mga taong nilalayo ang loob sa kanya, mas matagal din ang pagdating ng supresa.

Sabi nga sa isang kasabihan “kung walang tiyaga, wala ding nilaga” pero parang mas maganda yung isang kasabihan “nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa”.

Mahirap din ang hiling ng hiling tungkol sa mga gusto mong marating, magawa o makuha. Di lang basta pagsisikap dapat mayroon ka ding gabay at pinaniniwalaan.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ‘tong katamaran ko, pero sana matapos na.

Nalaro ko na ata lahat ng free games sa android market, boring pa din.

Ano naman masasabi mo sa post ko? For sure tatamarin ka din mag comment. Hoho

Maligayang Pasko ng Pagkabuhay!

4 thoughts on “BORINGNESS…”

  1. lilipas din yan.. yang katamaran mo. hahaha may mga panahon talagang tag-tamad.. alam ko walang word na ganyan, inimbento ko lang para may masabi ako haha..

    at ang cute nga ng header mo..

    Like

  2. Gusto ko rin yung burger n may malaking kamatis sa public market. Tsalap!

    Kahit naman sino, inaatake ng Katamaran.
    lahat may tamang oras, lahat mya tamang panahon. XD

    “Kaso yun nga ang problema… siguro ako na din ang lumalayo.”
    – Kaya ako na ang lumalapit sayo. XD

    Like

  3. hmmm, hindi naman ako tinamad basahin ang sinulat mo.

    anyways, malay mo sandali na lang mapunta ka na nang baguio.

    hoho.

    ingat!

    Like

  4. at least me luxury ka na maging tamad.. sa iba it would mean 1 meal missed.. one day ng maintenance medicine nila.. or even their job.. worst is.. for others it would mean their life.. but that’s a long story to tell. sure tatamarin kang basahin..

    anyway look at it as opportunity to think of nothing.. the monks do it.. they stay in a place.. do nothing to try think of nothing.. “emptying of their minds..” they say they need that in order to accept whats coming…

    have a nice Tamad-day..

    Like

Leave a comment