SNORKELING: APO REEF


Day 1: Occidental Mindoro: San Jose – Sablayan – Apo Island

map1Ilang araw bago maganap ang trip na ito, nakatanggap ako ng imbitasyon mula kay Chyng Reyes (oha! ako na naaaya ng lumelevel na blogger) para maki-join force sa lakad nila sa Apo Reef. Noong una hindi ako naka “oo” agad, kasi naman sobrang iksi na ng preparation tapos kare-resign ko lang. Pero ang totoo akala ko talaga Apo sa Davao yung pupuntahan namin kaya nahirapan talaga akong “umo-o” ๐Ÿ˜€ (naka schedule na rin kasi ang pagpunta ko doon sa Davao sa July sayang naman kung mauulit).

Pero aaminin ko na-excite ako ng bunggang-bungga! ๐Ÿ˜€ kaya nagpa-booked agad ako ng one-way sa Cebu Pacific kahit humigit kumulang 2k na ang pamasahe. Wala na rin akong nakuhang pabalik kaya bahala na kung paano makakauwi. Napabili na rin ako ng worth 4k na Camera na GE.. yung pinakacheap pero 14mp na (sulit!). Last time kasi nang hiram lang ako ng Camera (yung kamuntikan na mahulog sa palayan ng Sagada) tapos pagbalik ko ng Maynila doon ko natuklasan na low-res pala yung nagamit kong setting kaya hindi ko malakihan nung ine-edit ko na).

First time ko sasakay sa erpley ng Cebu Pacific, gaya ng una kong lipad hindi na rin ako nakatulog kasi kailangan daw 2 hours before ng flight ay dapat nasa airport ka na. Sakay ng Taxing walang metro, sakto naman akong nakarating sa Terminal 3 at dumerecho sa express lane nakapag pa webcheck na rin naman kasi ako noong gabing ‘yon.

Nasa baba palang ako natanaw ko na agad si Donnie, ganoon din si Chyng kahit first time ko palang siya mameet. yeah! 3rd prize ako! Sumunod na ring dumating ang 4th-6th prize na sina Peng, Maricar at Jeng.

Si Peng, Jeng, Donie at Chyng Reyes habang nagkukulutan sa lapag, este naghihintay pala ng flight. lels. ๐Ÿ˜€

Mabilis na rin ang mga pangyayari noong mga oras na iyon kumain at nagtake out sa Jollibee, bumili ng makakain sa Mini Stop (natakot kasi na wala talagang makakain sa isla) at naupo sa lapag habang hinihintay ang flight namin.

ON BOARD

map2Makailang refresh din ang ginawa ko sa web check-in ng Cebu Pacific para sumakto at makaupo sa side ng window ng erpley at maswerte namang napunta din sa tabi ng bintana (A8 yung seat number ko) . Kaso, malas pa rin pala kasi sa pakpak pa rin ako natapat. epic fail! dalawang bata ang katabi ko, maya-maya wala na sila. Ayaw nila ako katabi? Mabuti na lang at tumabi sakin si Jeng ๐Ÿ˜€

Parang napadaan lang kami sa himpapawid mahigit 30 minutes lang kami sa ere.. napapatanong tuloy ako.. 2k na yun? lels.

Pakpak ng Eroplano baw
Ang walang kamatayang Japan-Japan thanks to Jeng.
Welcome to San Jose, Occ. Mindoro (Madali na manlait kapag nakapunta ka na sa magandang Airport, sana pagandahin na nila ‘to tulad sa Iloilo) ๐Ÿ™‚

Matapos makuha ni Maricar ang balikbayan box nya. haha! joke lang (naka bag kasi sya na de -ulong). sumakay na rin kami sa trike papuntang terminal ng bus pa-Sablayan. Kaso wala daw biyahe ang mga de-aircon kaya umandar muli ang tricycle para dalhin kami sa isang Bus Stop na ordinary lang biyaheng pa-Abra de Ilog. Dito na rin namin nakita at nakilala ang iba pa naming mga makakasama na nag Bus/Roro papunta dito: Jay, Kate, Gladys, Ken at Aisa.

PAALALA: Bago sumakay tanungin n’yo muna yung mga tricycle driver kung magkano ba talaga ang pamasahe. Sabi kasi samin sa loob ng paliparan P20 lang, pero noong pagbaba namin sa 50 per person na! Mabuti na lang marunong tumawad ang mga kasama ko kaya P100 na lang ang binayad namin.. parang naging tatlo isang daan na lang. Tagti-thirty five kami.

Now Boarding on Bus lels. ๐Ÿ˜›

Hindi ko alam kung may oras ‘tong bus na ito o naghihintay lang madagdagan ng pasahero. Medyo may katagalan din kaming naghintay. Nagawa pa naming magbabaan para bumili ng karagdagang dalahin tulad ng tubig at sunblock. May nakilala pa kaming Manong na reporter daw ng Love Radio sa Occidental Mindoro at Palawan na sya ring Board Member ng Lugar. Sinabihan nya din kami na tatakbo sya sa pagka bise-alkalde! Manalo nawa!  (feeling ko nga bet n’ya si Jeng. ayiiiiiiii lel. ๐Ÿ˜› )

Isang malawak na taniman din pala ang Occidental Mindoro ๐Ÿ™‚

Humigit Kumulang tatlong oras ang tinagal namin sa biyahe mula San Jose hanggang Sablayan. Tumuloy muna kami sa Sablayan Tourism Office, nagparehistro at nagbayad na rin ng bangka kasama na rin ang rerentahan naming tent at snorkel. (speaking snorkel hindi ko talaga alam ‘yun kaya nagmukha akong anga-anga sa kanila).

Ilang araw din kaming magiging Mangyan ๐Ÿ˜€
Amazing Sablayan: Tourism Office

P950.00 ang orihinan na ambagan namin pero dahil may kaunting problema sa computation bali naging P965.00 na yung nai-share ko. (ayos lang to be fair sa lahat).

Agad na ring kaming umalis lulan pa rin ng tricycle papuntang Pier kung saan naghihintay na ang aming kapitan. P10 per head ang singil sa amin. Pero sabi sa tourism office 8.00 pesos lang. (nyewan!)

Sa daungan palang kita na agad ang linaw ng tubig. Masisilayan mo na agad yung mga buhay na naninirahan sa ilalim nito tulad ng mga starfish.. o ha! san ka nakakita na Starfish na apat lang ang  galamay? (galamay ba tawag dun?) ๐Ÿ˜€

Starfish na Disable lels.

Humihit kumulang tatlong oras uli ang nailagi namin sa tubig. Nakakapagod sya kung tutuusin habang nagba-vibrate ang buo mong katawan dahil sa makina ng bangka, pero sulit na sulit pagbaba mo isla na Apo. Agad e-eksena sayo ang modernong Light house na parang gustung-gusto mo na syang agad akyatin.

Welcome to Apo Island
Ito yung sumalubong sa amin pagbaba.

Matapos maibaba ang mga gamit namin, hinanda na namin yung mga dala naming makakain. Lamon ang ginawa ko sa Champ na nabili ko sa Jollibee.. alam mo yung pakiramdam na nabusog ka dahil sa kailangan mo lang kumain? Ewan ko basta hindi ko naenjoy yung berjer ko! siguro dahil alam kong matatagalan pa ang pagkain ko ng kanin.

SNORKELING

map3Ito na yung sagot sa matagal ko nang katanungan kung ano ba yung snorkel at snorkeling. Katawa. pero ganun ako kawalang alam sa mga bagay na iyan. Lulan pa rin ng sinakyan naming bangka, suot ang mga life vest at dalang snorkel na sira (yung akin lang ata), dahan-dahan kaming bumaba sa bangka at sa unang apak ko sa tubig ay parang may mga bagay na nag-uudyok sa akin na huwag ko nang ituloy. Hindi ko akalain na kaya pala akong ilutang ng life vest. ๐Ÿ˜€

Hila-hila ng bangka habang nilu-lublob ang mukha, kitang-kita ko ang kaluluwa ng karagantan! Shetness!! pagkaganda-ganda. May mga isdang grupo-grupo ayon sa kanilang mga kaurian at kulay. May mga baby pating akong nakita, mga corales, mga starfish at kung anu-ano pa. May mga pawikan din pero hindi ko sila nasilayan sa bilis ng mga pangyayari halos gusto ko paikutin ulo ko ng 360 degree. (Nakanang parang PHL360degree lang lels Go! Chyng! obvious naman na ikaw yung nasa promo nila) Nagkalunuk-lunok ako ng maalat na tubig, pero sige pa rin kagagamit ng snorkel kahit sira. (para-paraan lang).

Naalala ko pala kalagayan ni Peng halos magmukha siyang pawikan nang halos maglapas-pasok ulo nya sa life vest hahaha! (yung life vest yung naging bahay nya) pero bago naman matapos ang snorkeling namin ay nasilayaan naman n’ya ang ganda ng ilalim ng tubig.

BARAKS: Dito tambay yung mga bantay dagat ๐Ÿ˜€
snorkeling habang kinakaladkad ng bangka. kewl.
ang Green Turtle yey!
Mga Tsismosong Isda ๐Ÿ™‚
Agua! Agua! Nasaan ka na? ako pala si Otep hinahanap ko si Nemo lels. ๐Ÿ˜€

Ayoko mangitim (pero nognog ako ngayon) Nanatili sila sa dagat habang ako nagbanlaw na at nagpaduyan duyan na lang.

Habang nagtatampisaw ang karamihan sa dagat, gumala muna ako at lakas loob na pinuntahan ang Light House. Akala ko kasi hindi kami pupunta dito, pupunta din pala kami kinabukasan.(heksyated lang!) Akala ko walang daan sa gubat kaya sa dalampasigan ako dumaan. May pagkakataon pa ngang nadulas ako sa patag na bato ayun baldog! pero wala naman tao.

Dito ako Nadulas, remembrance.
Isa sa mga obstacle sa tabing dagat.

Parang mina-magnet talaga ako ng lighthouse kaya kahit sobrang layo ko na lakad pa rin ako ng lakad. Swerteng wala palang nagbabantay sa lighthouse kaya malaya akong nakapasok. Nagtangka akong umakyat pero hanggang kalagitnaan lang ako sa takot na mahulog ako at walang makakita. Sobrang ganda sa itaas kahit sa gitna lang ako.

Ang mapang-akit na LightHouse
Hanggang dito na lang inabot ko haha.
kahit anino nagja-Japan-Japan hahaha!
Papagawa ako ng ganito sa bahay ๐Ÿ˜€

Pero nakadama ako ng kakaiba na tila madaming elementong nakatingin sa akin kaya agad din akong bumaba. Sa takot na madulas muli sa mga batong minsa’y kakikitaan mo ng naipon na tubig kahit low tide kaya iniwasan ko ito, kaya sa mga pilapil na lang ako nagdaan kahit pa natatakot akong minsan sa paglalakad mo’y dakmain ka na lang ng hayop na nagtatago sa mga matataas na halaman at puno.

Safe pa rin naman akong nakatuntong sa hide out namin lels. Akala ko doon sa taas ng light house ko makikita ang paglubog ng araw pero hindi ko nagawa kaya pumunta na lang ako sa kanluraning bahagi ng isla at doon nasaksihan ko ang napakagandang paglubog ng araw. Nakita ko rin pala sina Maricar at Gladys.

kaka emo.. may mas maganda pa akong shot dyan. ๐Ÿ˜›

Pagkatapos masilayan ang paglubog ng araw nasa bandang likod lang pala ang nagmimistulang luwang mata -ang buwan. Napakaganda, bilog at maliwanag sya, sapat para bigyang liwanag ang buong isla.

NIK-NIK

Doon, nagsisimula na palang umatake ang mga lamok ng isla. Noong una Mik-mik ang dinig ko, Nik-nik pala. Hindi ako tsismoso pero sabi ng mga bantay-isla, isang oras daw sila aatake pero alas-diyes na! kulang na lang ilipad nila ako. Tantad ako ng kagat. Mabuti na lang binahagian ako ni Peng ng Off! (lamok siguradong tepok! -parang katol lang lels) hahaha. At salamat na rin pala… at may jacket ako at mahabang medyas na nabili ko pa sa Sagada.

Nakahiga kami sa kumot na inilatag ko sa buhangin sa ilalim ng buwan, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang tumo-toma si Peng at Donnie.

“Ma’am.., Sir, pasok na po kayo sa tent” -yan yung gumising sa amin. Akala ko umaga na, alas dose palang pala. Bumangon din ako agad para ipagpatuloy ang panaginip ko sa loob ng tent. Nakalimutan ko kung ano ang panaginip ko pero alam ko noong mga oras na iyon na gustung-gusto ko na makakain ng KANIN!! ๐Ÿ˜ฆ

DAY 1 EXPENSES:

  • 1,880.48 = Airfare Ticket
  •       81.00 = 7-eleven
  •    200.00 = Taxi
  •    200.00 = Terminal Fee
  •     149.00 =  Jollibee
  •     145.00 = Mini Stop
  •       35.00 = Trike to Bus Station
  •       51.00 = Sun Block & Bottled Water
  •     113.00 = Bus to Sablyan
  •    965.00 = Contribution
  •       10.00 = Tricycle to Pier
  • P 3,829.48 = Total (Ang gastos ko! haha)

โ–บ DAY 1 – SNORKELING: APO REEF 
โ–บ DAY 2 – APO REEF TO SABLAYAN
โ–บ DAY 3 – ANG MGA PAROLA NG SABLAYAN

21 thoughts on “SNORKELING: APO REEF”

  1. Susmaryosep palagi ka na lang nadudulas…ingat naman! Ang ganda nga ng lighthouse kaso nakakatakot yung hagdan parang ang taas, pero walang tatalo sa aninong nagja-japan hehe. Ganda ng mga kuha mo under the sea at yung mga map mo panalo may kasama pang image ng mode of transpo (Like)

    Like

  2. hahaha, 1st time mong gumamit ng lifevest?

    kumpleto ang detalye. im happy nag-enjoy ka sa iyong 1st snorkeling experience. for sure bibili ka na din ng sarili mong gears after nito. maganda talaga ang ilalim ng dagat. 70% nga ng mundo ay dagat right, so di hamak mas maganda ang maooffer ng tubig!

    Like

  3. bakit nde ko nakita yang mga Mangyans na estatwa? san yan? ako na ang may tapahoho at nde nakikita nasa paligid hehe!

    ang dami kong tawa sa kwento mo ๐Ÿ˜€ ang ganda ng sunset! ๐Ÿ˜‰

    Like

  4. Tama si chyng. Masarap pag may kasamang pertaymer. Totoy ka pa nga. hahaha! Nakaka-amaze na amaze na amaze kami sayo otep habang amaze na amaze ka sa mga nakikita mo. hahaha!

    Sana makapunta ka sa Coron to see the corals up close. Like us, boring na ang beach bumming lang.. you have to see what the underwater world could offer. Nice to meet you by the way.

    PS. Di ako maka-comment using my blog. Hangsaaaaad…

    Like

  5. marami talagang mapansamantala, pero siguro tulong na rin lang natin yon sa mga locals and sa turismo. baka kaya 4 arms lang meron yung starfish kasi holy week so nag-anyong cross muna sya hehe.

    gala lang ng gala habang bagets pa at ituloy lang ang mga pangarap!

    Like

  6. haha natuwa naman ako dito sa blog mo na ito haha…

    ** May panlalait talaga sa Airport namin haha…

    ** Dapat sinama mo ako papunta jan di sana 10 Pesos lang pamasahe nyo sa trike dahil 10 lang naman talaga from Airport – Bus Terminal dahil Malapit lang hehe…

    *** Mali pa yung napuntahan yung terminal dahil meron namang mga aircon Bus going to sablayan haha

    ** Si Rod Agas ba yung nakilala nyo haha di yun mananalo haha

    Like

  7. nice photos… ๐Ÿ™‚ and very easy to grasp article, as if anyone can just go ride a plane and go there, walang paligoy-ligoy… tama ka, libre ang mangarap… ang may bayad eh yung pagtupad ng pangarap, pero sulit naman ang bayad… ๐Ÿ™‚

    Like

  8. natuwa ako sa iyong paglalahad ng iyong karanasan. haha! kaka-aliw basahin. nways, may tanong ako. totoo bang walang mga bumabyaheng mga aircon na bus tuwing biyernes santo? balak kasi namen magpunta dun ng biyernes santo, gusto sana namen magbus galing maynila. kaya lang sabi nila wala nga daw. ang mahal naman masyado ang pleyn kasi

    Like

  9. OMG NAMISS ko na ang Apo Reef grade 6 palang ako nung huli at un akong nakapunta jan. The best experience ever.. Proud to be MIndorenyo:)

    Like

Leave a comment