ROAD TO DAVAO


Maka-title naman ako sa taas parang pang travel blogger lang ang dating -Road to Davao! Pero ang totoo gusto ko muna ikwento ang mahigit kalahating taong paghahanda para sa paglalakbay na ito. Nakaka-lungkot lang dahil may mga hindi makakasama, lalo na yung nag-aya sa akin, pero ayos pa rin naman dahil napakasaya at napakadaming naganap sa loob ng napakaraming araw na iyon. Sa sobrang dami parang kailangan ko muna talagang alalahanin lahat bago ko maikwento ito ng kumpleto,  kaya mag pi-pre-Davao trip post muna ako. (pa-epal lang, parang ganun). 😀

THE NORTH FACE BAG

Mahigit isang linggo bago ang flight ko sa Davao medyo panic mode ang nararamdaman ko, bukod kasi sa first time ko lilipad nang mag-isa (dahil nga nag backout ang mga kasama ko na magmumula din sana sa Manila)  hindi pa talaga ako nakakapaghanda. Wala akong matinong bag para sa kulang-kulang na isang linggong paglalakbay. Ayaw ko namang gamitin na yung bag kong nabili sa ukay-ukay na nagamit ko noong nagpunta ako sa Occidental Mindoro kasama sila Chyng Reyes at Donnie Ray dahil mukha talagang pangmahirap. Hahaha. Timing namang may nagpost sa FB na nag-aalok ng The North Face bag kaya napa-order ako. Sa totoo lang suntok sa buwan ang ginawa kong pag order online. Pero dahil medyo maliit na halaga lang yun para sakin (mayaman kasi ako hahaha) sabi ko “bahala na, kapag naloko ako atleast lesson learned.”

Nagbayad ako tru BDO online banking at successful naman ito, ang delema lang kada follow-up ko sa inorderan ko panay “bukas na ang deliver” ang sinasabi n’ya sa akin, free shipping kasi siya. Hindi s’ya yung tulad sa Sulit.com na palitan. Sabi ko “mukhang na scam ako!” Iyak-iyakan ako nun pera din kasi yun! (pero drama lang naman). 😀

Nag message  ako sa kanya sa FB at inambon ng text! (di naman kasi masyadong maraming text) ayun infairness naman sa kanya siya pa ang tumawag sa akin. Nagpaliwanag sya akin na wala naman sa kanya yung problema kung bakit nagka delay-delay ang shipping kundi sa courier.

Kinabukasan matapos s’yang tumawag, nagulat ako may dalang plastik bag na blue na balot sa tape ang officemate ko mula sa ibaba.

Officemate: Otep may deliver ka! (palengkera lang lels. 😛 )

Hindi ko alam kung saan umabot ngiti ko noong mga oras na iyong kung sa tenga ba o kisame ng office namin. Sobrang tuwang-tuwa ako. Lahat ng imahinasyon ko patungkol sa bag na iyon… ay iyun! na iyon talaga! (babaw ng kaligayahan) medyo may kabigatan nga lang dahil may bakal yata sa likod. Konting kapa-kapa pa meron akong nakita sa ilalim ng bag -may damit pa!

GE DIGITAL CAMERA
Ang first ever na bag kong nabili online 😀

Sa gustong magkaroon ng ganito text nyo lang ako. Promise! kaunting patong lang ang ipapatubo ko. hahahaha.

AIRASIA

Naging problema pa sa trip kong ito ay ang maiiwanan kong trabaho. Sa totoo lang part time lang naman s’ya tuwing ikalawang linggo, malas lang talaga dahil tumapat na may lakad ako (gaya nga ng sinabi ko kalahating taon na kasi itong booked). Kung hindi ko naman kasi papasukan part time job ko -sayang naman! Pambayad apartment din yun!

Ika nga for the benefit of the doubt nag pabook na lang ako sa Airasia. Timing uli! dahil may promo. So solved ang problema kahit magiging bitin ang lakwatsa!

BRADFORD SHOES

Isa pa sa kinaka-praningan ko bago ang flight ko sa Davao ay ang sapatos ko. (Hindi nyo naitatanong o kahit hindi nyo na itanong, alam nyo na kung gaano ako katangkad. 5’4″ lang kasi ako. Kapag nakita nyo ako sa tindig na 5’6″ sigurado naka elevated shoes ako nun. hahaha.

Naalala ko tuloy nung nakasabay ko sa paglalakad si kikilabotz, liit na liit na ako, paano pa kaya kapag wala akong sapatos? 😀

Kaya naman espesyal na sapatos talaga ang kailangan ko.  Sira na rin kasi sapatos ko, nakakaduwal mang sabihin pero pakiramdam ko ang baho-baho na nya kahit walang amoy paa ko! 😀 Ilang baha na rin kasi napagdaan nun sa sobrang tibay inabot sya sa akin ng isang taon. Nakakahiya naman kung sa pagbasok ko sa airport at ipadaan sa X-ray machine makita nilang pang puritang begar ang sapatos ko kaya bumili ako ng bago.

GE DIGITAL CAMERA
O di ba pangmayaman? lels.

Bibilhin ko sana yung medyo formal na casual pero since pupunta ako sa Davao kaya ito nalang binili ko -pang travel lang ang peg. Medyo may kataasan lang dahil 3.7″ sya.

Tulad noong unang sapatos ko na nabili sa kanila, sinukat ko din ito at na disappoint lang ako sa resulta. nawawa ang .7″

bradford1
Kahit anong gawin kong pagsusukat 3″ lang talaga at nawawala ang .7″!
bradford2
Nacurious lang ako kaya ko sinukat 😀

May opinyon ako na kaya mahal ‘tong sapatos na ito ay dahil sa taas na dinadagdag nila. Kaya may pananaw din akong may karapatan akong magreklamo kung hindi man naging tumpak ang naisasaad na taas nito sa sariling pagsusukat ko. Sabi ko nga, sinukat ko din naman last time yung unang sapatos na nabili ko at sakto naman sa nakasaad sa kung paano ko ito sinukat. Kaya nakakainis talaga. charot.

Agad ko silang tinext, sa numerong pinang-tetext nila sa akin kapag may promo o new arrival sila pero wala akong nareceived na reply o paliwanag man lang. Matatanggap ko pa nga sana kung sabihin nilang “baka mali sukat n’yo sir” kaso wala e.

I promise to my self (wow english) na lang na hindi na ako muli bibili ng shoes sa kanila. Bukod kasi sa pinahihirapan ko lang sarili ko kahit pa nadadagdagan nito ang confidence ko mukhang mas maganda pa rin kung magpapakatotoo ako sa sarili ko at maging kontento kung ano mayroon ako. Tapos na ako sa pangangarap na maging matangkad at napatunayan ko na hindi ko naman ikakaasenso yun, nagmukha lang akong TH! (Trying Hard). hahaha

Libre pa ring mangarap tumangkad! kaya mag go-growee na lang ako! joke lang! hahahaha 😀

“Ilang oras na lang at nasa Davao na ako. Sigurado akong kinabukas matutupad na ang pangarap kong makatuntong sa Mindanao!”

next post: FIRST TIME SA MINDANAO