Noong naimbitahan ako sa paglalakbay na ito ang tanging naisip ko lang ay ang pagkakataong mapuntahan o masubukan ang mga nararanasan din ng iba. Wala akong kaalam-alam sa madadatnan ko doon bukod sa alam kong may tubig ang pupuntahan namin. 😀 Hindi na rin lingid sa kaalaman n’yo (na pangarap nyo rin) na mapuntahan ang maraming lugar. Masarap at masayang isipin na bukod sa nararanasan mo iyon, napakarami pa palang supresa at mga kaganapang hindi mo naman pinangarap pero alam mong natutupad. Ansabe?
Hindi ko alam kung anong oras na iyon, isang katok sa pinto ang narinig ko (ay madami pala!.. ang weird kung isang katok lang tapos gising na agad?.. parang “Tok!” ang OA ha! hahaha)
“kakain na daw”
Walang punas-punas o sipilyo (kaderder) dumerecho na agad ako sa lamesang puno ng laman. Syempre hindi mawawala ang kape. Tulad noong kinagabihan patak-patak muli ang ginawa namin para makapag-almusal at hindi na lumabas para makahanap ng makakainan.
Hindi ako sanay mag-almusal pero sarap na sarap ako sa kinain ko.
Parang ang bilis ng oras! dahil pagdating na ng hapon ang alis namin pabalik ng Maynila. At di tulad noong papunta kami dito na naka susyal na eroplano ako, pang-mahirap ng RoRo na lang ang sasakyan ko. (joke lang yung pang-mahirap).
Kaya nagtanong-tanong na rin ako kung anong plano sa mga natitirang oras, at ang sagot ay KKN (Kanya Kanya Na). Hindi ko pinayagan sarili ko na hindi malibot ang Sablayan kaya niyaya ko na ang iba. On the Go agad si Jheng pero nagyayara na rin kami para gumala. ayun nagsamahan din pala. hahaha. Iilan lang ang naiwan sa hotel.
Dumaan muna kami sa Palengke ng Sablayan nag-libot libot at bumuli ng kung anong pwede. Bumili ako ng protector.. protector ba yun? basta yung telang sinusuot sa kamay para hindi maging nognog kamay mo.
Lakas loob kaming maglalakad sana papunta sa Adventure Camp (parang tourist spot din sa lugar) Kaso may nadanan kaming Halo-halo kaya naghalo-halo muna kami ang init kasi.
Doon napagpasyahan na lang naming mag trike. Pagdating sa Adventure Camp.. wala lang. para lang s’yang ordinaryong beach na may hindi kaputiang buhangin (hahaha iba na talaga kapag nakapunta sa white sand, kung makapanglait wagas-wagasan na!).
May shortcut daw doon papuntang parola “Pressing Park” kaya kami naman…. si lakad. Malapit lang daw e.
Naisip namin na sa probinsya pala ang malapit nila ay parang tatlong istasyon na ng LRT hahaha.. Kaya iyon sakay kami uli ng trike.
Pagbaba namin sa pangalawang sakay namin ng trike, sinalubong kami ng mayayabong na puno na tila nagiging payong sa paakyat na daan. Kakaiba ang pakiramdam dito. Napakalilim at natatanaw pa rin ang karagatan.
Nakakapagod umakyat pero nakakawala ng pagod kapag alam mong nasa itaas ka na o nasa Pressing park ka na. Lalo na kapag abot kamay mo na ang mga parola ng Sablayan.
Siguro inabot din kami ng ilang oras sa kakagala at kapipicture. Pagbalik namin ng Hotel nananghalian muna kami malapit sa Palengke. Hindi kayo maniniwala na ang serving ng ulam doon ay katumbas ng tatlong order sa Maynila ang dami ng isang order!. Grabe ang daming Ulam (but wait there’s more) may libre pang extra rice!. Ang babait ng mga tao sa Occidental Mindoro. 🙂
Matapos kumain, nagpahinga muna kami.
At dahil mahal na araw iyon noong nagpunta kami dito. Syempre ayaw naman naming makalimot sa Diyos. Kung palaka ka nga na pagkalaki-laki nakukuhang magsimba kami pa kayang tao?
Pagkabalik namin sa Hotel, nagulat na lang ako na naka-alsabalutan na sila. At dahil dala ko na ang gamit ko sa simbahan. Sampa na lang agad sa Trike at nagpaalam.
Natawa lang ako. wagas kasi ako makababye, kasabay ko pala sila RoRo bus na sasakyan ko.
Minsan kahit nakakatuwa ang ganitong senaryo makakadama ka rin pala ng konting lungkot kasi tapos na agad ang ilang araw na paglalakbay 😀
Sobrang nakakapagod sa Roro bus ilang oras din akong naupo siguro nasa tatlo hanggang apat na oras din bago nakasakay ng barko yung Bus namin.
Sabi nila masaya daw sumakay sa barko kasi marami kang makikilala, parang wala naman (o hindi lang siguro ako friendly) Napakahirap matulog sa barko at sakit sa batok kahit nakahimbing ako ng kaunti. 2-3 oras din yata ang nilangoy ng barko bago makarating sa Batangas Pier.
Noong bumabiyahe na ang bus namin sa kalupaan ng malaking isla ng Luzon papuntang Kamaynilaan.. sabi ko “tapos na ang bakasyon”. Pero alam nyo matapos ang pangyayaring ito nabago ang pananaw ko sa salitang bakasyon. Ang bakasyon na sa akin ngayon ay hindi lang basta pasarap kundi Adventure.
Grabe ang Paglalakbay kong ito! naranasan ko lahat ng uri ng transportasyon. By air, land at Sea! 😀 imagine All in One!
Nakakatuwa rin na unti-unti na akong nag-i-evolve dahil kaya ko na ring makipag socialize sa mga unang beses ko palang nakikita o nakikilalang tao. haha..
Maraming Salamat talaga sa mga nakasama ko, salamat at naging bahagi kayo ng mga hakbang ko sa mga pinapangarap ko namang literal na marating 🙂
Sa uulitin! 😀
DAY 3 (Personal) EXPENSES
- P 200.00 = Hotel (150 per day + exceeding time)
- 75.00 = Breakfast
- 15.00 = Coffee
- 25.00 = (contri. beer [last night])
- 35.00 = pangprotekta sa kamay (di ko lam tawag)
- 50.00 = Lunch
- 24.00 = (trike 8×3) Adventure Camp + Pressing Park vice versa
- 10.00 = Halo-Halo (yumyum)
- 10.00 = Trike to Booking Station
- 800.00 = Roro Bus
- 149.00 = Food (Pizza etc.)
- 14.50 = Jeep (Cubao to Nagtahan)
- 20.00 = Trike (bahay na!)
- P 1,427.50 = Total
APO REEF ► PANDAN GRANDE ISLAND ► SABLAYAN TRIP EXPENSES:
- P 3,829.48 = Day 1 (Note: Air fare lang nagpamahal dyan*)
- P 570.00 = Day 2
- P 1,427.50 = Day 3
- P 5,826.98 = Grand Total (Magastos lang yata talaga ako)
ang mahal ng nagastos mo! lol
LikeLike
bale magkano lahat? lahat lahat?
LikeLike
Mindoro din ako Sir, Oriental nga lang. Maganda rin dito sa ‘min! Wala nga lang akong matandaang tourist attraction maliban sa bantog na Puerto Galera. LOL.
LikeLike
Masarap din mag over looking sa parola… malawak na dagat at matayug na bundok.
LikeLike
Ayos ang trip ah… Ang galing ng timing mo sa sariling sikap na jump shot lolz… Gusto ko yong tinuran mo na nabago ang pananaw mo sa bakasyon.. tama… Adventure is more appropriate! Keep it coming Otep!
LikeLike
Just finished reading your Occidental Mindoro series. Kasama mo pala sina Chyng at Maricar noon — nabasa ko rin yung blog post nila dati. Can’t wait to explore Sablayan too, especially Apo Reef. 🙂
LikeLike