ANG HAMSTERS KO :)


Kanina nagtungo ako sa World Trade Center Manila para puntahan si Yhen-yhen, nangako kasi akong pupuntahan ko s’ya kahit hindi nya ako naiboto sa PBA Nyahahahahahaha 😀 lols.

Nakakatuwa, pag punta ko palang doon, mala-fiesta na ang dating dahil sa dami ng tao at palamuti. Samahan pa ng mga Kabayo, Baboy, Isda at kung anu-ano pang hayop. Agricultural trade kasi ang nagaganap doon hanggang sa sabado. Napakarami ding halaman at prutas. Binilihan ko nga ng apat na pasong may halaman ang ate ko, naaaliw kasi ako sa mayayabong at makukulay na mga bulaklak dito. Malayong-malayo sa kulay ng pamumuhay ko ngayon (Nyahahha nag-emo bigla)

Pero bago muna ‘yun, kamuntikan na kaming di magpang-abot ni Yhen dahil tinatamad akong magparegister sa haba ng pila. Mabuti na lang at isa si Yhen sa mga exhibitor doon kaya nakapasok ako agad.

Pagpasok ko, una kong napansin ang masscot nila.

Kaya nagpapicture agad ako 🙂

PICT1202

Huli na ng malaman kong Palay pala s’ya at hindi Saging. Nyahahahahahah 😀 (pareho pa kami nakadilaw).

Syempre pinikyuran ko din sa Yhen-yhen.

yhen philrice

Pakatapos kong makapasok lumabas na din ako agad, may pasok pa kasi ako (napadaan lang).

Pumunta agad ako sa nakita kong mga hamsters kanina, at bumili ako ng dalawa kasama ang kanilang magiging bahay.

Ang ku-kyut nila 🙂

hamster<—ito si Chino ang cute cute magkahalong brown at white.

Syota nya si Jabee ang medyo gray at may white din papakilala ko sila sa inyo next time at kukuhaan pa ng video.

Alam nyo, K9 talaga ang pangarap kong pet, yung mala kabayo ang laki. Yung tipong puwede kang ipagtanggol sa mga nanakit sayo. lols. pero dahil malabo pa ang pangarap kong iyon, sa hamster muna ako.

Masayang masaya ako sa bago kong makakasama sa buhay. Tatlo na kami ngayon sa boarding house  🙂

Salamat Yhen at nakilala ko sila aheheheh 😀