UUWI NA SI OTEP


Matapos ang mahigit kalahating taon.., sa wakas! muli na naman akong uuwi sa bayan kong sinilangan sa Cavite. Nakakatawa no? ganoong napakalapit lang ng naman ng Cavite mula sa Maynila hindi ko pa masaglitan. Wala naman kasi akong gagawin doon.

Matapos din ang dalawang Todos los Santos na nagdaan, mukhang makakadalaw na rin ako sa wakas sa puntod ng aming ama na si Mang Pepe.

Alam n’yo noong bata pa ako, inggit na inggit ako sa mga kapitbahay namin sa tuwing sasapit ang mga araw ng patay. Naman kasi! wala pa kaming patay noon. (lol) Kaya madalas na lang akong nakikisama sa mga kapitbahay namin para dalawin ang mga puntod ng kanilang mga minamahal sa buhay na yumao na.

Natatandaan ko pa nga sabi sa’kin ng papa ko noon.

“Ikaw bata ka, ang hilig mo pumunta sa sementeryo baka pag namatay ako hindi mo ako dalawin, sige ka ako dadalaw sa’yo”

Noong taong 2007, sa unang pagkakataon hindi ako nakadalaw sa Papa ko, kasi naman unang araw ko ng OJT o On the Job Training ‘yun. Nagkataon kasing sa marketing department ng Loyola Memorial Parks and Gardens ako nag ti-training bilang Graphic Artist. Kung tatanungin ninyo kung ano naman ang kinalaman ng pagiging Graphic Artist sa Memorial Park, kami yung gumagawa ng mga fliers, posters at tarpaulin na ginagamit para mas makahimok pa ng mga taong pipiliing magpalibing sa naturang pangmayamang sementeryo.

Alam n’yo kahit nasa bente anyos na ako noon, natatakot pa rin ako na baka magkatoto nga ang sinabi sakin ng Papa ko.

Kaya pag sapit ng gabi ng ika-1 ng Nobyember, nagawa ko na lang magtirik ng kandila sa boarding house ko. Salamat at hindi nagkatotoo.

Nitong nakaraang taon naman (2008) ewan ko ba kung anong naging dahilan ko noon kung bakit ko nagawang pumunta sa Papa ko.

Salamat na lang at muling hindi nagkatotoo ang nakakatakot na bilin n’ya na dadalawin n’ya ako pag di ako dumalaw sa puntod n’ya.

Baka pinagbigyan n’ya lang ako sa magkasunod na taon, kaya pupunta na talaga ako sa puntod n’ya bukas.

Alam n’yo kung may pangarap man ako ngayong Undas para sa Papa ko ito yung mailipat s’ya sa isang maganda at bonggang-bonggang Family Estate o Mausoleum para mas safe at maaliwas kumpara sa mga pampublikong sementeryo.

Kaya kayo habang nabuhuhay pa kayo paghandaan nyo na ang paghihimlan n’yo hindi lang yung puro basic needs.

kaya kontakin na ang Loyola Memorial Parks and Gardens lols.

66 thoughts on “UUWI NA SI OTEP”

  1. hehe..can’t afford ang mahal na lupa ehhe..pero xempre kung may pera bakit hindi di ba hehe..
    hamo’t pag iipunan ko hehe..yay..

    heneways..enjoy sa bakasyon sana sa susunod ako rin hehe..

    Like

    1. wow bumase si Lovely ha.. hehehe lols.

      minsan minsan kailangan din nating magbakasyon..

      actually hindi naman ako nagbakasyon isang araw lang lols.

      Like

  2. Kapag mahal natin ang isang tao…hindi siya basta-basta mawawala sa isip at puso natin. Tama yan pasyal ka doon sa atin – Cavite.

    Pahirit Otep, paki tirik mo naman ako ng kandila kung makarating kana doon hahaha (serious mode)at pakisabi na lang na ito ay “para kay paul pruel – sa kaniyang mga mahal na nauna na sa kaniya.”

    Saan ka sa Cavite? Ako’y sa Tanza, Capipisa. Magkapit bahay pala tayo. Ang cementeryo dito sa Saudi ay iba hindi ka puwede pumasok bawal.

    Like

    1. Wow mabuhay ang mga Caviteño sa Silang ako…. sa Bulihan sa tapat ng GMA Cavite 🙂

      sakto tatlong kandila ang tinirik ko.. dalawa kasi patay namin dun yung Papa ko tapos sa Lola ko.. ayos kaya pala may isa pang kandila.. hehehe 🙂

      Like

    1. hehhe ito nakabalik na uli ako sa Manila.

      alam mo pareng Blu okay lang ba yun? nag wish kasi ako.. hehehe para akong tanga pero humingi ako ng gabay sa labi ng Papa ko.. ayt. hehehe

      Like

  3. welcome home!

    By the way, hindi ko na pala kailangan ang sementeryo dahil dalawa lang ang hiningi ko kung akoy ma dedbol.

    1. donate ung katawan ko doon sa Medical School and/or

    2. i-cremate ung dedbol kong katawang lupa pagkatapos ung ashes itapon sa pacific ocean.

    Like

    1. Wow Kuya Freddie hoho nga no… hindi ko naisip yun..

      paano ba magdonate ng katawan?

      maganda din yung itatapon yung ashes sa pacific ocean.. astig parang bigla ka na lang nawala sa earth.. wala na rin bibisitahin pamilya mo 🙂

      Like

      1. “Akin pang naalala, noong si Ama’y nabubuhay pa. Ang sabi nya, ay [state your name], mag-aral kang mabuti” – Kuya Freddie

        Welcome back sa Kamaynilaan!

        Sa ibaba ung link kung papano mag-donate ng katawang lupa na iniwanan ng “spiritung nakitira ng panandalian sa mundong ibabaw” (according sa relihiyones de la paniniwala such as Hinduism, Judaism, Christianism, Zoroastrianism, Islamism, Voodooisms, Satanism, Spiritism and etceteraism.)

        Link kung saan pueding mag-donate kung sakali mang pumanaw ang katawang lupa.

        http://lifequestanatomical.com/?gclid=CMGa3NW_7J0CFVF95QodCT_ENA

        Maki google ka na rin of your choice.

        maganda din yung itatapon yung ashes sa pacific ocean.. astig parang bigla ka na lang nawala sa earth.. wala na rin bibisitahin pamilya mo

        1. Doon na lang sila bibisita sa Pacific Ocean.

        2. Hindi na rin sila magbabayad ng yearly renta doon sa nagmamay-ari ng sementeryo. Alam mo na, big business ang cemetery.

        Another, alternative sa pagtapon ng “ashes” para mas dramatic effect.

        Itatapon lang ang ashes ng katawang lupa during “thunderstorm”, para maalala nang mga naiwan tuwing mag-thunderstorm.

        Like

        1. parekoy kinikilabutan ako doon sa link. takot pa naman ako sa ospital..

          gusto kong mag donate ng mata pag namatay ako hehee..

          btw, tama ang usapang patay hehehehe..

          Naalala ko yung dating namamahala sa PAG-ASA sino nga yun? yung ashes nya pinatapon sa Taal lake astig.. dramatic nga. alam mo yung dating sa’kin.? parang napakasarap sa pakiramdam n’ya dahil sobrang lapit n’ya sa kalikasan.

          Like

  4. alam mo pangarap ko sayo otep?

    sana mas maging close ka pa sa family mo lalo na sa mommy mo kasi wala na pala ang tatay mo. ingat.

    Like

          1. tanginang avatar yan o!

            hahaha. sexy! facial expression pa lang, pumapalo na pano pa kaya ang hubong katawan pag pinakita na.

            hubadero ka na pala ngayon otep.

            Like

  5. Excuses! Pag gusto may paraan, pag ayaw may dahilan… hehehe… Mukhang d k nman umabot sa Nov.1 kasi inuna mo tong post mo na to. hehehe… Pasalubong ha! Buko pie!!! 🙂 🙂 🙂

    Like

    1. waaaaaaaaaaaa parekoy wala akong mabilihan, saka dito na ako Manila. hehhehe libre na lang kita Egg Pie sa Bakery lols.

      Nov. 2 naman talaga ang all souls day, para sa mga santo ang Nov. 1.. kakatakot nga e kasi ako lang mag isa pumunta kanina.. ayun.. ayos naman nabisita ko na uli si Papa magkaligaw -ligaw nga ako e.

      Like

      1. buko pie! buko pie! ndi egg pie, adik. :))

        sabi ko nga Nov.2 ang all souls day e. kami kasi nov. 1 kung dumalaw kina Mama at Lolo…

        Like

    1. hindi. onli may bebe touches my skin, who touches yours?

      lols matinding photoshop lang yan sana naging picture na lang ako Nahahahahah.. lols.

      sa Loyola Memorial Park ka no?

      Like

  6. Same pala tayung wala nang tatay.Kami din ng mga kapatid ko gusto namin ilipat ng mahihimlayan ung papa ko. kasi ung pwesto nya sa palayag ay maputik, maraming basura at nasa sulok pa. Parang ung papa ko pala sabi samin “dapat tuwing araw ng patay dapat lagi tayung bumisita sa minamahal natin, kahit na sabihin mong busy ka o marami kang gagawin ka sinu ba naman ung saglit na oras na pagdalaw. Kaw din ayaw mong dumalaw sila ang dadalaw sayu” sabi nya sa amin nyan kapag ayaw namin sumama sa sementeryo pag araw ng patay. Kailan namatay ung Papa mo?

    Like

      1. kaya kadalasang nauuna ang mga tatay kasi mas stronger ang mga ina emotionally..kahit nahihirapan sila kaya paring panatilihin ng ina na hindi magkawatak-watak ang kanyang pamilya…observation ko lang naman yan.

        Like

  7. both of my parents are gone… nung una,parang hindi ko kakayanin, bt i need to stand with my own feet, kayod marino para mabuhay at maitaguyod ang pamilya.

    mmmm.. tila ayaw ko muna pag usapan to.

    napadaan lang..

    Like

  8. ayoko ng may namamatay sa family…ang hirap tanggapin… baka mabaliw ako nun.

    anyway, Caviteno ka din pala. san ka? sa Bacoor ako pero malapit na sa Imus (medical center imus ang daan).

    Like

    1. oo sino ba may gusto.. kakalungkot pag ganun papa ko nga noong na dedo 3 days muna bago tinignan sa kabaong nya..

      btw, sa Silang ako sa SLEX daan sa Carmona exit mas malapit kasi doon 🙂

      Like

  9. namiss ko tuloy si daddy, sana nandito na sya sa pinas para mayakop ko sya… matanda na rin kasi sya, mas maraming araw pa ang magkahiwalay kami kesa magkasama.

    Like

    1. aw. saklap naman, baka naging dahilan din ng pagkakahiwalay nyo kung bakit ka naging colboy si kaya?

      haaaaaaaaaay iba pa rin talaga pag lumaki ka sa kalinga ng ama..

      btw, kamusta ang bakasyon?

      Like

  10. aw! nako kya ayoko ng mga ganyang prng sumpa!

    hala ka, ayan na c papa mo sa likod mo..(sey hi naman!) 😆

    -nga pl, ayan tagalog ang post ko..promote promote! hehe

    Like

  11. Maganda yung pinaplano/pinapangarap mo para sa dad mo.

    Kung ako, mas gugustuhin kong ipa-cremate yung body then ilalagay ko sa columbarium. O kaya sa mimong bakuran na lang namin ililibing yung urn.

    Like

    1. wow oo nga puwede… parang gusto ko yun.

      malayo sa siksikan sa sementeryo at malapit din sa pamilya mo o yeah \m/

      maganda din ang columbarium sa Loyola susyal hehehe

      Like

      1. Yung isa kong lolo ganoon ang ginawa. Pina-cremate then dinala sa bahay yung urn. After a few months, nagpatayo sila ng grotto then yung base ng grotto parang may room. Doon nilagay yung un tapos tsaka sineal.

        Like

  12. dito eh uso, other than life insurance, ay bumili ang mag-asawa ng lote sa cemetery at customized na ataol habang buhay pa sila. para kahit sa kamatayan ay magkasama sila…..kahit me uod na sila

    Like

Leave a comment