ANG PANGARAP NI BENJIE


Sa mundong ating kinagagalawan mahirap tanggapin na sa realidad ng buhay ay mayroong hindi pagkakapantay-pantay. Mayroong may kapintasan, mayroon ding kaakit-akit pagmasdan, may mahina sa mga bagay-bagay at mayroon din namang pinagkalooban ng kakayahan at ang pinakamasama (para sa’kin) ay may mahirap at mayaman.

Maraming beses na rin akong nagtanong patungkol dito, lalung-lao na sa pagiging maralita at makapanghariyan. At sa mga munting kasagutan mula sa mga tanong tulad ng: Kung walang maliliit na tao, sino daw ang magiging basurero?, Sino daw ang magtatanggal ng mga bara mula sa lababo at poso-negro?

Kung iisipin nga naman, kung ikaw ay isang edukadong tao, maaatim mo ba ang ganitong kabahong (literal) trabaho?

SYEMPRE hindi!, kaya ka nga nag-aral para hindi mo maranasan ang mga ganitong uri ng hanap-buhay.

AT ITO ANG PUNTO KO.

boy-kahoy2Kagabi, pinanood ko ang I-Witness episode ni Sandra Aguinaldo ukol sa mga “BOY KAHOY” at gaya ng pagkakaintindi na’tin sa titulo, patungkol ito sa mga batang magkakahoy na sa murang edad ay nagbabanat na ng mga buto, hindi lang para sa sariling pangangailangan, kundi para din sa kanyang pamilya. upang matugunan ang mga dumadaing at kumakalam na tiyan.

Gaya mo at gaya ko, may kan’ya-kan’ya tayong pangarap sa buhay… pangarap sa sarili.., sa pamilya at kahit sa bayan. At tulad ni Benjie ay may pangarap din sya, hindi man kasing tayog pero tila napakahalaga.


..gusto kong.. may masuot na maayos , para hindi ako marumi tignan..

..PANGARAP ko lang makapagtrabaho ako e, kahit anong trabaho okey lang sa’kin…

..magkabalikan sila.., para tatay ko po bubuhay sa’min…

Benjie

May halong supresa at pagkamangha ang narinig ko mula sa binitawang salita ng bata. At sa daloy ng pagsasalaysay ni Sandra, Driver pala ang pinapangarap maging trabaho ni Benjie, hindi personal driver, hindi rin Jeepney o taxi driver kung hindi isang driver ng truck ng basura.

Hindi sa pag-e-emote, pero tila pinahiya ako ni Benjie. Tinira ako habang nakatalikod ng walang kalaban-laban mula sa napakatalim n’yang pangarap na hindi ko naisip ni minsan.

May mga naisip akong dahilan kung bakit iyon ang napili n’yang pangarap:

Marahil dahil sa kawalang pag-asa sa buhay kaya ganoon n’ya na lang nakikita ang sarili sa paglipas ng panahon.

Maaari ding naisip n’yang malabo na s’yang makapag-aral kaya mas tumimbang sa kanyang pangarap na makapagtrabaho agad kaysa sa pag-aaral.

Pero anu’t ano pa man iyon, ang pagbuo ng isang mumunting pangarap ng tao, lalung-lalo na sa kabataang tulad ni Benjie at napakahalaga. Dahil sa munting pangarap na’yun, unti-unting sisikat ang liwanag ng pag-asa.

13 thoughts on “ANG PANGARAP NI BENJIE”

  1. kakapanood ko lang nito ngayon.

    bilib ako sa mga batang kumakayod na kahit bata pa dahil sa kahirapan.

    sana ang mga tulad nila ay nsa paaralan at nagaaral.

    pero dahil sa kahirapan, sarili nilang pangarap nglalaho ng isang prang bula..

    oo nga eh, kaya minsan hindi ko maiwasang ilagay ang sitwasyon ko sa sitwasyon nia.. tae na hindi ko yata yun..

    sana nga after nila mapanood ‘to, maraming tumulong sa mga tulad ni Benjie na mga batang magkakahoy.

  2. dahil sa hindi ako nanonood ng tv parati, marami pala akong namimiss na magagandang shows.

    alam mo, minsan hindi naman sa nawawalan ng pag-asa yan. minsan ay dahil yan na ang nakalakihan. yan lang ang nakikita sa paligid. yung hindi natitikman, hindi rin hahanapin.

    kaya sa tulad nina benjie, dapat nag-aaral sila… dapat hindi nagtatrabaho kasi sa school magbubukas ang utak nila sa sobrang daming posibilidad para bumuti ang buhay niya.

    syempre madaling sabihin pero mahirap gawin.

    korek. mahirap talaga yun lalo na sa tulad nila benjie.

    ‘lam mo tama ka, halos pare-pareho lang ang gusto iparating ng mga programa sa telebisyon, pero gaya nga ng sabi nila, hangga’t may napapood ka ibig sabihin nand’yan pa rin ang problema..

    at maganda na rin ‘to para paulit-ulit na ipamukha ng programang ito kung anong problema mayroon tayo sa mga nakakataas..

    hayyyyy..

  3. Otep, wow first name basis. I like this blog, care to exchange links? Good commentary, writing and good advocacy. Keep it up!

    wow parekoy.. salamuch d’yan sa sinabi mo.. hehehhe kaw din I saw na your blog.. luphet luphet😀

  4. di ko pa siya napapanood pero madami na din naman akong napapanood na ganyan, minsan nga feeling ko mga bata na ba bumubuhay sa mga magulang ngayon? minsan kasi ang mga magulang na din ang may kasalanan talaga eh. how sad… T_T


    yup. kaso sa sitwasyong ito.. isa lang ang masisisi ko ang kahirapan.
    hindi naman sa pagiging tamad ng mga magulang pero kung wala talagang mahanap na trabaho..

    sa bagay, kung ang ilan nga d’yan kumikita sa pagkakahoy, paano pa yata yung matatanda..

    kawalan ng tiwala sa sarili, at masasabing kawalan ng pag-asa marahil ang nag-uudyok sa mga magulang kaya ganon.

    Kaya kahanga-hanga talaga ang tulad ni benjie.

  5. nakakamiss ang mga temang ganyan sa mga docu. mamumulat ka sa realidad.
    nakakalungkot mang isipin yung pangarap nya, wala tayong magagawa dahil ayun ang lipunang kanyang ginagalawan.
    errrrr. palagi akong lumulutang kapag ganto ang daloy ng usapan.

    demet ka poverty!

    nice blog!

    hehehe.. nadala ka ba?, bakit pag sinabing realidad parang ang nega.? sana nga pag katapos mapanood yun maraming tumulong sa kanila:(

    thanks😀

  6. maraming beses ko na yang naitanong din sa sarili ko at sa mga kaibigan ko.. kung walang mahirap sino magtitinda ng tawas pangtangal ng putok ng mga iraq.. hehehe..

    http://painuminmoko.idlip.net


    hehehehe adik…may nagbebenta na rin sa mga malalaking grocery kaya hindi lang pang mahirap ang tawas lols.

    nyahahhaha

    thanks sa bisita:D

  7. hmm. madami talagang natatagong ideas sa mga bata, kaya nga tulad nung sinasabi ng iba marami kang matututunan sa kanila eh. tulad nyan, hindi naman ibig sabihin ng pangarap eh pagiging presidente, o kaya superstar oh business tycoon, ito yung kung ano yung gusto mong abutin at balak mong abutin. hindi lang basta basta iniisip lang, malamang pangarap nung bata na maging driver ng basura ngayun ayon sa estado ng buhay nila at ayon sa naabot ng kaisipan nya.
    sabi nga, wag kang titigil mangarap, kasi nagbabago ang buhay, nagbabago ang pangarap.

    yeah right.. well said.. kaya nga libre lang mangarap hehehe..kaso nakakaawa talaga.. parang ang unfair ng buhay para sa kanila..

    salamat sa komento mo😀

  8. napanood ko ito
    nakakaawa yung bata
    minsan nakakatuwang isipiun na may pera sa maliit na pirasong kahoy pero malungkot kasi may mga taong kapos na kailangan talaga para maghirap.hay… naawa ako kay benjie. ang hirap ng pera sa buhay nya, ang dami nyang kapatid para suportahan pati ang nanay nya. naisip ko hindi ba pedeng makagawa ng paraan ang ina para makatulong din sa gatusin sa kanila?

    mahusay na post ito otep! tulad mo idol ko din ang i-witness! =)

    oo nga eh.. naisip ko din ‘yan, yung ibang nanay kahit maraming anak, hindi pa rin naatim na maghirap ang kaniyang anak.. haaaaaaaaaaaaaayy… sa huli, responsibilidad pa rin ng magulang ang kanilang anak.

    mahusay ba na post? -mana ako sa’yo parekoy😀

  9. grabe talaga ang hirap nang buhay ngayon…

    pero minsan ang pagbabanat ng buto ay hindi masama nagiging masama lang ito kapag nalalagay na sa peligro ang buhay.

    itong mga batang to, tutal naman gusto nilang magtrabaho bakit hnd sila bigyan ng gobyerno ng mga mas magaan na pagkaka abalahan kesa ganyang life.

    nwei, very well said otep (close? hehe!).😉

    pero kung iisipin din, mas okay yung ganito,kaysa makita mo sila sa lansangan nagrarugby o hindi kaya’y nagsosolvent.

    o kaya yung malala, makikita mong nandudukot at nagnanakaw..

    maaayos na ring makikita mo silang gumagawa ng mabuti para sa kapwa.

  10. err.. unga.. napanood ko din to.. wala nga ko masabi eh… hayyy

    ako din, eh wala ako magawa para tumulong, ang tanging nagawa ko lang ay magbigay ng pananaw..😦

  11. ako, hangga’t maaari, iniiwasan ko na ang mag-emote…

    bagama’t di kami ‘original’ na maralita, naiintindihan ko kung paano malugmok sa hirap ng buhay… yung asukal ang ipang-uulam na sa kaning malamig pa sa bangkay
    o sosyal ka na, pag kape ang pinang-sabaw sa kanin…

    am a pessimist…

    mababaw din ang luha ko…

    pero nagsawa na nga ako halos, malaki kasi ang naging epekto ng kahirapan sa aking pagkatao.

    naiyak din ako nun, yung highschool kong kapatid, may problema kasi sa schooling nya– kaya naman, sa ‘pagbubulakbol’ nya– nais kong ipaalala sa kanya na okey lang kung di na nya kaya, basta ba konsiderasyon sa akin, sabihin nya agad para di na ako mahirapan sa pagtatrabaho.

    yung bunso namin, grade 2… minsang nagsabing gusto niyang maging basurero– natawa na lang ako. di ko na sya kinontra… sa bandang huli naman, malalaman nya ang lahat.

    amp. wala ako masabi sa comment mo..
    classic din ng storya.

    dapat sa mga kapatid mo, kinakausap talaga at pinapangaralan sa mga bagay na maaring maganap sa paglipas ng araw..

    god bless p o:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s