Category Archives: DOKYU REVIEW

ANG PANATA


I-Witness Docufest na naman, at siyempre hindi ko naman pinalagpas ang pagkakataong ito, pumunta ako sa Gateway nitong sabado para manood at para makita ang mga iniidolo ko.

Biruin mo yun, halos kalahating dekada  na pala akong namamanata sa mga docufest pati na rin sa mga DVD launching/autograph signing nila.

Nakakatawa lang dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ako nagsasawa magpapirma sa kanila.

Highschool pa lang ako masyado na akong sumusubaybay sa I-witness. Doon nagsimula ang pangangarap ko at nagsimulang malaman kung ano nga ba talaga ang gusto kong marating pag laki ko. (kahit na hindi na ako lumalaki physically lols. 😀 )

Noong nasa College na ako taong 2005 unang nagkaroon ng I-witness Docufest.

iwit05

At syempre, nakakatawa mang balikan ang buhay kolehiyo ko, pero nagagawa kong mag-cutting classes noon (bawal gayahin) para makapanood nito. (host pa dito si Raffy Tima)

2006 naman, hindi ‘ko alam kung nagkaroon ba ng i-witness docufest pero pumunta naman ako noon sa Sine Totoo 2006 noon sa Megamall. Sa unang pagkakataon nakita ko sila Ivan Mayrina at Reah Santos (panahon pa yun ng Pinoy Abroad)

iwit06

Minsan kahit mag-isa lang ako o kahit walang kasama, pumupunta pa rin akong sa mga docufest.

Nakakatawa mang malaman pero dahil sa I-witnes napuntahan ko na ang halos lahat ng mall tulad Trinoma, Gateway, Megamall pati na rin ang Greenbelt. , lakas lang ng loob para hindi maligaw.

iwit07

Madalas pa ring akong mangarap maging Dokumentarista balang araw, pero sadyang mailap talaga ang tadhana. Siguro sa propesyong gusto kong marating may dalawang uri lang talaga: ang taga gawa ng dokumentaryo at ang taga nood ng kanilang mga gawa. Siguro doon na lang talaga ako nabibilang sa taganood. hehehehe. 😀

iwit08

Pero dahil libreng libre pa rin ang mangrap balang araw magiging wall of fame din ako tulad ni Howie Severino Nyahahahhah 😀

iwit09

Sapat na marahil ang subaybayan ang kanilang gawa, at baunin yung mga aral na gustong ipukol sa’tin, naniniwala kong ayun din ang pangarap nila sa bawat obra na kanilang ginagawa para sa’ting mga tagapanood. 🙂

ANG PANGARAP NI BENJIE


Sa mundong ating kinagagalawan realidad ng maituturing na mayroon talagang hindi pagkakapantay-patay. At isa sa pinaka payak na halimbawa dito ang pagitan ng mahihirap sa mayayaman.

Anila, kailangan daw ng mahihirap sa mundo para bumalanse ito. Katulad sa sitwatwasyon ng isang basurero. Sino na nga ba ang maghahakot ng mga basura kung wala ito? Ganoon din sa ibang trabaho tulad ng pagiging tubero at mga naglilinis ng mga poso-negro?

Kung iisipin nga naman, kung ikaw ay isang edukadong tao bakit mo nga naman aatimin ang mga ganitong uri ng hanap buhay? Syempre hindi di ba? kaya nga tayo nag-aaral para hindi maranasan ang ganitong trabaho.

So ano ba pinupunto ko?

Kagabi, pinanood ko ang I-Witness episode ni Sandra Aguinaldo ukol sa mga ‘BOY KAHOY’. At gaya ng pagkakaintindi na’tin sa titulo, patungkol ito sa mga batang magkakahoy na sa murang edad ay nagbabanat na ng mga buto. Hindi lang para sa sarili, kundi para din sa kanilang pamilya para matugunan ang mga dumadaing o kumakalam nilang tiyan.

Gaya mo at gaya ko, may kani-kaniya tayong pangarap sa buhay. Maaaring pangarap sa sarili, sa pamilya o kahit sa bayan. At tulad ni Benjie, mayroon din s’yang pangarap. Hindi man kasing tayog gaya ng pwede nating isipin pero napakahalaga talaga.

“Gusto kong.. may masuot na maayos , para hindi ako marumi tignan..” “Pangarap ko lang makapagtrabaho ako e, kahit anong trabaho okey lang sa’kin…” “..magkabalikan sila.., para tatay ko po bubuhay sa’min…”

-Benjie

Magkahalong supresa at pagkamangha ang naramdaman ko nang marinig ko ito sa kanya. Parang napaka bata pa niya para sabihin’ yan.

Sa pagkukwentuhan nila ni Sandra, pagiging driver ang pinapangarap ni Benjie sa paglaki n’ya. Hindi ko alam kung matatawa ako o mapapaisip ako noong tinanong siya muli kung anong klaseng driver ang gugustuhin nya. Ang tanging naisinagot niya ay ang pagiging driver ng basura!

Hindi sa pag-e-emote, pero tila pinahiya ako ni Benjie sa pangarap nya.

Siguro kaya niya naisip yung mga ganung pangarap dahil alam nyang ganoon lang ang magiging kapasidad ng buhay n’ya pagdating ng panahon. Maaari ding naisip n’ya na malabo na s’yang makapag-aral kaya mas tumimbang sa kanyang pangarap ang makapagtrabaho na agad.

Pero anu’t ano pa man iyon, importante natututo tayong mangarap. Gaano man kababa o kaliit, tandaan natin na sa maliliit at mabababa muna nabubuo ang isang malaking pangarap.

Kaya importante talagang nagkakaroon ng isang pangarap ang bata. Dapat malaman ng lahat na sa tulong isang pangarap nabubuo ang mga motibasyon at inspirasyon ng isang bata para matutong magsikap ito.

Ganoon pa man, walang maliit o malaking pangarap. Tandaan natin na lahat nagsisimula sa butil. At mula sa butil na iyon unti-unting tutubo ang maraming pag-asa na maaaring mamunga ng pagbabago.

ANG CLOWN BAW!


Ugali kong mag-email kay sir Howie, sa tuwing napapanood ko ang dokyu niya, nakakainspired kasi saka nakakataba ng puso sa tuwing mag rereply s’ya.. 🙂

Narito ang e-mail ko sa kanya matapos kong mapanood ang dokyu niyang pinamagatang ‘ANG CLOWN… BOW’

Dear Sir Howie,

Sa dokyu n'yo kagabi na alala ko tuloy best friend ko na si Tinay na hindi ko na nakikita ngayon, (sad).

Noong college kasi kami kilala s'ya sa pagiging kengkoy dahil sa lakas ng bunganga n'ya sa pagpapatawa at kakulitan, pero sa likod ng kantang malulutong ng tawa, at matatamis na ngiti, nakakubli pala ang nakakalungkot na katotohanan. (problemang pang-pinansyal at sa pamilya)

iniisip ko na nga lang, na kaya n'ya nagagawa ang maging masaya ay para makalimutan kung anong problema ang dinadala n'ya.

Minsan nasasabi n'ya sa'kin na maswerte daw siya at nakilala nya kami, dahil doon mas nagkakaroon s'ya ng pagkakataon para takasan ang kalungkutan.

Katulad din sa grupo ng mga payaso, na kahit ganoon ang kanilang sitwasyon ay magkakasama pa rin sila.

anu-ano pa man, maganda pa rin ang simbolo ng payaso sa'tin. ang mga hatid nitong positibong katangian sa mga tao, hindi lang sa mga bata patin na rin sa atin.

Walang taong walang problema 'di ba sir howie?, ganoon pa man, kahit may probema tayo hindi nangangahulugang hindi tayo pwedeng maging masaya at magpasaya ng ibang tao.

hahahaha... naalala ko tuloy custome nyo sir howie, kamukha n'yo talaga si Super Mario... hahahaha galing n'yo talaga!!

Salamat po.

-Otep

GUSTO KO MAGING ISANG TREE HUGGER


Na curious tuloy ako kung anong pakiramdam habang niyayakap ito. Kaya isina-tula ko na lang ang mga naiisip at magiging pakiramdam ko.

Maaga akong nakauwi sa bahay nitong Lunes, kaya naman mapalad akong naumpisahan ang I-witness. Ang edisode na ito ay obra ni Ms. Sandra Aguinaldo ukol sa mga matatandang o makasaysayang puno dito sa Metro Manila. May pamagat itong ‘Puno ng Kasaysayan’ na talaga namang naibigan ko. Astig diba? double meaning ang salitang ‘puno’.

Habang nanonood ko ito, may mga pagkakataong napapahanga ako sa mga Puno dahil nagawa nilang mabuhay sa haba ng panahon. Lalo na’t nakatanim ang kanilang mga ugat sa lugar kung saan sabihin na nating kaagaw ng tao.

Nakakalungkot lang dahil ayon na rin sa tree doctor ay kaunti na lang ang itatagal nito kung hindi talaga mapapangalagaan.

Sa mga tulad kong Greenminded.. nature lover pala, malapit talaga sa puso ko ang mga usaping kalikasan. Paano pa kaya kung samahan ito ng kasaysayan?

Nilalang ng maykapal ang mga may buhay kabilang ang puno at tao ng mayroong kanya-kanyang teritoryo sa tinatawag nating mundo. Marami ng sinakop ang tao. Sana naman, ang mga nanatili pang matatag na nakatayo ay huwag ng agawan pa. Dahil pag nawala pa ito, hindi lang buhay ang mawawala pati ang kasaysayang nakapaloob dito.

Sa kabilang banda, nakakatuwang may mga taong pisikal kung magmahal sa mga puno. May isang pamilya doon na ang hilig ay pagyakap dito.

Na curious tuloy ako kung anong pakiramdam habang niyayakap ito.
Kaya isina-tula ko na lang ang mga naiisip at magiging pakiramdam ko.


I-WITNESS DOCUFEST 2008


Hindi na siguro lingid sa inyong kaalam na isa akong I-witness fanatic in other word “adik” nyahahaha

Lahat yata ng docufest simula noong nagsimula ito ay lagi akong nanonood (hindi ko sinabing mag cut din kayo ng klase) pero nakakatawa lang talagang isipin, kasi nagagawa ko talaga lumiban sa klase noon para makanood nito, noong college ako. Nagkataon kasing may class ako tuwing saturday.

Baka isipin nyo masamang impluwesya sakin ng i-witness ha, hindi no, kasi mas lalo akong ginagahan mag aral na makapagtapos para, makapag aral uli at kuhain ang totoong gustong kurso, hehehe ayun nakagraduate naman kaso,

Hindi na uli ako nag-aral, nakahawak na ng pera e’.

Btw, bukod sa i-witness dokyufests, nanonood din ako ng sine totoo, dati kasi sa sinehan talaga yun pinapalabas ngayon nasa TV na, si Sir Howie ang host,

Bukod sa Sine Totoo, pumupunta din ako sa DVD autograph signings, yeah kinokolek ko kasi yun, sa ngayon konti na lang makukumpleto ko na, ipon pa ng pambili.

At ang pinaka-masaya pala, isa ako sa napili noong nagkaroon ng I-witness docu seminar, dami nga nagalit sa’kin, kasi ang yabang ko daw, pero iniisip ko na lang na inggit lang sila kasi hindi sila napili.. hehehe joke! mabait ako no. (pag tulog)

 

Kaya nga yun, para magtuloy-tuloy ang panata ko nanood uli ako ng I-witness Docufest 2008 na ginanap sa Gateway sa Cubao..

Kasama ko ang ex-classmate ko na si Aneng, buti nga may nakasama ako, dati kasi ako lang mag-isa nanonood.

Sa mga hindi naman nakanood nitong sabado may chance pa naman kayo manood sa sabado uli narito ang schedule:

OCTOBER 11 (SATURDAY):

SCREENING 1 – 11:00 AM to 1:00 PM”Katay Kabayo” by Sandra Aguinaldo”Alaga” by Kara David”Batang Langoy” by Jay Taruc”Si Gob at ang mga Bugador” by Howie SeverinoSCREENING 2 – 2:00 PM to 4:00 PM”Batang Kalabaw” by Jay Taruc”Biyaheng Sikmura” by Kara David”Boses Upos” by Howie Severino”Iskul Ko No. 1″ by Sandra AguinaldoSCREENING 3 – 5:00 PM to 7:00 PM(Repeat screening 1 Line-up)Docu-Making Contest WinnerOPEN FORUM WITH HOSTS – 7:00 PM to 8:00 PM

Nakakalungkot lang, kasi tatlong host lang ang dumating sa forum ibig sabihin hindi

nakarating si Sir Howie, kaya pupunta ako uli sa saturday,

Tinamad kasi ako magpa autograph at magpapicture sa sobrang daming tao at haba na rin ng pila, isa pa para makabili na rin ng DVD.. yee bee!!

Kitakits uli sa sabado. 😀