Tag Archives: LIBRE LANG MANGARAP!

HINDI BA?


“hindi ba mas masarap isipin na kaya ikaw ang mas nasasaktan, ay dahil ikaw ang mas nagmamahal?
may dahilan ang lahat…”

-Ploning

Halos isang buwan na rin buhat noong huli akong nakapanood ng sine, Orphan pa nga ‘yata yung huli kong napanood.

Dati na naman akong nanonood ng sine mag-isa pero buhat noong nasanay akong manood na may kasama, parang tinamad na ako manood mag-isa.

Ang entry kong ito ay para kay Lovely, naikwento ko na rin kasi sa kanya ito ukol sa mga pinagdadaan nyang kaemohan sa buhay ngayon lols. Ang blog post ko ring ito ay igi-guest blog entry ko sana kay Lei. Napapansin ko kasi puro patungkol sa pag-ibig ang kanyang mga posts. Sabi ko, baka puwede doon dahil ayoko na na mag post ng love entry dito 😛 lols .

Kamakailan, pumunta ako sa bahay ng isang kaanak. Nagkataon naman na halos hating gabi na ako nakarating doon. Hindi pa ako dalawin ng antok, at ni-wala din naman akong makausap. Habang nanonood noon sa televisyon nalingon ako sa umpukan ng mga DVDs hinalungkat ko ito, medyo nakornihan lang ako dahil puro tagalog movies ito at hindi naman ako mahilig doon maliban sa mga indie films na makabuluhan (hindi x-rated ha) lols. yung mga mala: HAW-ANG at  BATAD -isa sa pinakapaborito ko at marami pang iba.

(Mabalik tayo sa usapan) Habang naghahalungkat ako ng pelikulang maaaring pakinabangan mapanood, may nalaglag na isang DVD – iyon ang Ploning. Medyo kinurot lang ako ng kukuryusidad ko kaya nagawa ko itong isalang. Pumasok kasi yung tanong na bakit ito napili bilang maging kinatawan ng Pilipinas sa Oscars noon?

Sa totoo lang habang pinapanood ko ito medyo naguguluhan ako sa istorya na nagiging dahilan para mas panoorin ang pelikula. Kakatuwa nga dahil sa unang pagkakataon nakapanood ako ng filipino film na may tagalog sub title.

Pero maliban doon may mga dahilan pa kung bakit mas lalo akong tumututok -dahil ito sa mga winiwika ni Ploning.

Hindi ko alam kung bakit, pero tila ako ang sinasabihan ni Ploning noong winika n’ya ito

“hindi ba mas masarap isipin na kaya ikaw ang mas nasasaktan, ay dahil ikaw ang mas nagmamahal?

may dahilan ang lahat…”

Bakit hindi ko agad naisip ‘to? na napakapalad ko dahil ako ang mas nasasaktan. Siguro tama nga ang sabi nila na ang pag-ibig lang ang aspeto ko pagdating sa kalungkutan.

Siguro tama din ang sabi nila na by choice din ang pagiging malungkot ganun din ang kasiyahan.

At siguro masyado kong pinapasok ang kalungkutan kaya masyado akong nasasaktan.

“May dahilan ang lahat” -at kahit hindi ko pa alam ang mga dahilan na iyon, alam kong alam kong may mga dahilan naman para maging masaya sa buhay.

Ang pangarap na pag-ibig ay nakapaghihintay at tulad ng pelikula ang lahat ay ginawa para kapulutan ng aral.

KAPENG ARABO


Kung naalala n’yo pa ang post ko ukol sa “Taguan sa Eyeball” marahil ito yung Part II. Pero kung iniisip n’yo na muli akong nakipag-EB, nagkakamali kayo. Tinagurian ko itong part II dahil ito ang mga sumunod na  pangyayari habang nagtatago. 😀kapeng arabo

… Dali-dali akong pumasok sa loob ng National Bookstore sa SM Manila. Nang pumasok din sa bungo kong wala nang laman, ang bagong librong di umano’y ilalabas na ngayong buwan ng Mayo –ang Kapitan Sino. Nalaman ko ito dahil miyembro ako ng isang grupong sumasamba sa mga librong naisulat at isusulat pa ng  talentadong si Bob Ong sa Friendster. (Friendster day pa ‘to WTF!) 😀

Pero magpahanggang sa ngayon ay di ko pa nababasa ang nasabing libro dahil pending pa rin ang reservation ko sa NBS.

Nanghihinayang naman akong bumili sa iba dahil sayang naman ang points na maaari kong  matamo  dahil may Laking National Card ako na may P20.00 ng laman. Yeebee! 😀

Samantala habang nakikipagtaguan ako at naghahanap ng bagong librong mapaglilibangan isang libro ang umagaw ng aking kukuryusidad –ang Kapeng Arabo ni Manny Garcia.

Dahil mahilig ako sa Kape, madaling nakuha ng librong ito ang atensyon ko at bilang mambabasa aalamin mo kung bakit Kapeng Arabo ang naging titulo nito.

Parang yung McArthur ni Bob Ong natapos ko na yung libro at kalaunan ko lang nalaman kung bakit iyon ang ipinamagat dito. (‘sensya slow lang).

Btw, dahil isa akong Layout Artist, nakakatuwang makakita ng ganitong uri ng layout ng libro, siguro sa iba ordinaryong layout lang ito pero hindi para sa akin. Akmang-akma sa nilalaman dahil kulay kape din ang font.

Sa bawat chapter din ay mayroong illustration na mas lalong nagpapagana sa aking pagbabasa.

At habang binabasa ko ito, hindi maiwasang pumasok kayo sa isip ko lalong-lalo na sina  Dencios, Rye, Bluguy  at iba pang mga kapwa pilipino at blogger na nasa kabilang ibayo.

Ganun ba talaga pag nasa ibang bansa? gagawa at gagawa ng mga pamamaraan para malibang ang sarili? Lalo kong naisip si Dencios -ang gym master ng WP noong hinaylayt dito ang pag gi-gym ng mga kababayan natin sa ibang bansa bilang paraan upang maging kapaki-pakinabang  ang kanilang libangan. Kaya iniisip ko na iyon rin marahil ang prinsipyo ni Dencio.

Mabuti rin palang gawing panuntunan ang prinsipyo ng fitness sa pagtupad ng mga pangarap -Manny Garcia

Gusto ko sanang kopyahin ang buong chapter 3 at i kuwento sa inyo dito pero dahil meron tayong tinatawag na copyright  na nasasaad sa libro at ayokong mabitay dahil sa pagkukuwento (wag naman po) at dahil gusto kong bumili din kayo nito para isabuhay hayaan n’yong ipaliwanag ko na lang ‘to sa sariling pagkakaintindi.

Anila, ang pag gi-gym ay maihahalintulad din na’tin sa pag-abot ng pangarap. kinakailangan na’ting mag tiyaga at magsumikap. At tulad sa pag gi-gym kinakailangan na’ting maging matiyaga upang makamtan natin ang inaasam na magandang katawan o sa pinaka-magandang baybay ang maayos na kalusugan.

Sa kabuuan, ang lahat ay pinagpapawisan, hindi agad ito nakukuha sa papetiks-petiks lang.

Ang pangarap at mithiin ay hindi natatapos at nananatili sa pag-iisip at panaginip lamang. Sa halip, isinasabuhay ito sa pamamagitan ng mahusay na pagpaplano, at pinagsisikapang matupad.” –Manny Garcia.

PULAG: KAPAGURANG GUGUSTUHIN MO


 

Napapagod ka na ba? Yung pakiramdam na pwede mo namang iwaksi at iwasan ang isang bagay pero hindi pwede dahil kailangan? E, yung ‘pagod’ na kahit alam mong hirap na hirap ka na pero disidido ka pa ring tapusin ‘to dahil alam mong dito ka masaya?

Sigurado akong minsan mo ring naramdaman ‘to. Yung pagkakataong… pwede ba sa isang araw man lang ay makatakas tayo sa pagod at sa positibong pagkakataon naman ito maranasan?

Halos mag-iisang taon na rin noong maganap ang kakaibang karanasan kong ito. Pakiramdam ko ito na yung tinatawag na “nagpabuhay sa katawang-lupa ko”. Sa loob ng dalawang araw at tatlong gabi, nalayo ako sa problema ng syudad. Wala akong ibang naiisip kundi ang mga bagay kung paano ko malalagpasan at mapagtatagumpayan ang pakay kong maakyat ang pinaka mataas na bundok sa Luzon sa taas na 2,922 meters (above sea level), at pangatlo sa buong Pilipinas matapos ang bundok Dulang-dulang at Apo sa Mindanao.

‘Araw’ ko ang gabing iyon. At tulad ng marami sa atin, gusto nating maging kakaiba ang bawat pagdiriwang ng kapanganakan natin. Salamat na lang sa paanyaya ng mga dating kong mga kamag-aral sa kolehiyo kaya naging katangi-tangi talaga ang karanasan kong ito.

Maghahating gabi na noong umakyat kami sa Baguio at madaling araw na nang makarating dito. Malayo pa man kami sa pakay namin noong mga oras na iyon, pero umuusok na agad ang mga hininga namin dahil sa lamig ng Baguio. Para akong bata na nagpaulit-ulit na huminga para makitang lumalabas iyon sa bibig ko. 😀 Napakatagal na kasi noong huli akong nakahinga ng ganun. haha. 😛

Napatanong tuloy ako. Paano pa kaya sa pupuntahan namin?

Naghanda na rin kami para suotin ang mga panlamig namin. Hindi ko napangatawanan ang pagsa-sandals at shorts, kaya sinuot ko na ang ang makapal kong medyas at nagsapatos.

4

Naghanda na rin kami sa paglipat ng sasakyan papunta sa Bokod, DENR Office. Pero bago pa makarating doon, nag stop over muna kami sa isang kainan para sa aming heavy breakfast. Napakaganda ng lokasyon ng kainan na iyon. Sa likod noon ay mayroon napakalaking hanging bridge. (Inclusive iyon sa package, kaya maraming nagtatanong sa akin bakit hindi daw nila nakita iyon noong umakyat sila sa Pulag).

1

04

Matapos namin mag breakfast, bumalik na kami sa jeep. Sa pagkakataong ito mas pinili namin ng mga classmate ko na mag-topload! wooohooo!!

Pagkarating namin sa DENR Office, nagsimula na rin ang Seminar tungkol sa pag-akyat namin sa Pulag. Sa totoo lang, dahil sa matagal ko na talagang pinapangarap ang makarating dito, halos alam ko na rin ang nilalaman ng seminar dahil sa mga napapanood at nababasa ko.

Pero hindi ko pa rin lubos maisip yung mga kwento na may mga insidente na kinakailangan pagtulungang ibaba sa bundok ang ilang mountaineer dahil hindi nila kinakaya ang labis na lamig dito. Ayon din naman sa kwento, nabuhay pa naman daw sila. lels. 😛

Magtatanghali na noong makarating kami sa Ranger Station. Doon, heavy lunch naman ang kinain namin. Kailangan talaga heavy lahat? haha.

Dito na nagsimula ang totoong adventure. Wala nang atrasan.

03

Noong mga unang sandali kinakaya ko pa. Marahil nakakatulong talaga ang ganda ng kapaligiran na nakikita mo, dahil sa bawat makita, hinto. picture! haha

6

May sandali pang parang kinakapos ka na nang hininga. Normal daw iyon. Critical stage daw ang first 15 minutes ng pag-akyat mo. (May ganun?)

02

Kung yung mga unang sandali ng paglalakad ay picture ang pahinga, dadating ka sa punto na literal na pahinga na talaga ang gagawin mo! Ayaw mo nang kumilos. Halos higupin mo lahat ng fog na madadaanan mo para makabawi ka ng lakas. Hindi na rin kinakaya ng lamig ng kapaligiran ang mga pawis na nilalabas ng katawan mo kaya kinakailangan na rin bawasan ang kapal ng suot mo. Wala pa ako sa Camp 1 pero isang litro na ng tubig agad ang nauubos ko. Pero sa totoo lang, ang laki nang naitutulong ng mahamog na kapaligiran. Para kang may oxygen na nakasuksok sa loob ng ilong mo para tulungan kang huminga. Swabe ang natural oxygen!

7

Pinili ko na lang na magpahuli talaga. At least, kahit alam kong nahuhuli ako, sigurado akong makakabalik pa ako sa Maynila. haha 😀

Pakiramdam ko isang henerasyon na akong naglalakad. Para kasing walang katapusan. Hanggang makarating na rin ako sa Camp 1, na inabot din ng hindi bababa sa dalawang oras. Nakakainis na nakakatuwa kasi halos tapos na silang magpahinga noong nakarating ako doon, samantalang ako magsisimula pa lang maghabol ng hininga.

8 Ilang minuto lang din kami nagpahinga doon at muli na ring nagpatuloy sa paglalakbay. Damang-dama mo na pataas na kayo nang pataas. Wala namang mga obstacle sa mga madadaanan nyo pero napakalayo talaga ng apat hanggang limang oras na lakaran. Sabi nga nila ang Ambangeg trail, ay trail ng pang-artista. Para ka lang nag ka-cutwalk nang napakahaba. haha. Hindi mo kinakailangan yumakap sa mga lupa at ugat ng mga puno para makaakyat ka. Marami ring pagkakataon na para kang nilalamon ng makapal na habog na ikalulugod mo, dahil sobrang pambihira talaga ang halina nito.

Para kang nasa isang paraiso na may mga kakaibang nabubuhay sa paligid mo na doon mo lang talaga makikita. Napaka sarap langhapin ang mga naaamoy mo. Yung mga kaluskos, parang musika lang sa pandinig mo. Hindi ka man lang makaramdam ng takot sa paligid mo dahil sa ganda ng lugar, hindi mo iisiping may masamang nilalang na ninirahan dito. —heaven talaga! swear! lels. 😛

Hapon na nang makarating kami sa Camp 2. Para akong nakawala sa pagkasarap-sarap na pagkakatinik sa mga napagdaanan ko.

9

HIWAGA! —yan ang salitang pwede kong ilarawan. Napaka-kapal ng ulap sa taas. Napakalamig. Umuulan. Halos mga higante ang mga anino sa likod ng mga ulap nito. Hindi ka makapaniwalang nahahawakan mo ang mga ulap kahit alam mong tagus-tagusan naman ito sa buong katawan mo. Hindi naman sa pagmamalabis pero para kang nasa loob ng isang panaginip. lumulutang at pawang puti lang ang nakikita.

Ang mga halaman o damo sa itaas ay tila perpekto sa pagkakapantay-patay sa pagkakatabas. Wala pa kami sa pinaka tuktok pero sulit-sulit na ang pagkakatungtong ko dito.

Pero gaya ng masayang panaginip, bangungot na ang mga sumunod. Ang malakas na ulan! hindi lang basta ulan! kundi malakas na ulan na tila wala nang katapusan. Ulan! at ulan! Agad-agad din kaming naghanap na mag pu-pwestuhan ng tent namin. Kinakailangan namin itong magawa kung gusto naming magkaroon ng matutulugan para magkaroon din lakas sa pag suong namin patungong summit ng Mt. Pulag bago magbukang-liwayway. Nagawa naman namin iyon. Pero sa kasawiang palad ay pinasok din kami. Halos nabasa ang lahat ng gamit ko. Ang suot ko. -Kalbaryo. 😦

Kinagabihan, nawala naman ang ulan. unti-unti na ring lumalabas ang bituin na sobra mong kamamanghaan. Kumain kami ng hapunan. At doon, kahit hindi makatulog ng maayos dahil kinailangan naming mangapit-tent, (dahil hindi na talaga puwedeng matulugan ang na-Yolanda naming titirhan) natuto kaming mamaluktot sa wala ni-isang kumot.

Goodnight! huhu.

FB_IMG_1443808314360

Tulog muna, bukas na lang ang Part 2..

AWARD TAYO KAPANGARAP!


ERMITA, MANILA – Ika-11:00 na ng gabi iyon habang nasa loob ako ng computer shop. Aaminin kong tumutok talaga ako sa nalalabing isang oras bago matapos ang pagsasara ng botohan sa pagpili ng bagong Bloggers’ Choice Award ng 2011 Philippine Blog Awards. Ito na yun e! hahayaan ko pa bang mawala ang pagkakataong dalawang taon ko ding hinintay matapos ang huling nominasyon ko nung 2009? Karir na ‘to  kung karir! Hahaha 😀

Sa bawat mabilis na minutong lumilipas, pabilis din ng pabilis ang pagtibok ng puso ko. Yung kaba na ilang sandali matatalo na ko uli hahaha! At kabang sa ilang sandali ay puwedeng matupad na yung pangarap mo. 🙂

KA TATS.

Habang inaabangan ko kung sino ang mag-oonline na blogger sa Facebook  list of friends ko na hindi pa nakakaboto hand’un at sabayang nakikisubaybay ang mga Kapamilyang Ubloggers ko. Halos nag mistula ngang war room ng eleksyon ang Group Page ng United Bloggers. Nagmistulan ding mga poll watcher ang iba. Ang iba naman tila naghahanap ng pangalang nawawala sa mga presinto nila kaya tag kung rag! haha. Yung iba naman nagmistulang fying voters para makabili ng boto kapalit ng kagandahan (joke lang).

2:4 yata ang naging ratio ng dagsa ng boto noong mga oras na iyon. Habang nadaragdagan kasi ako ng dalawang na boto, sa kanila naman ay apat. Nakakatawa lang kasi akala ko, ako lang ang nakadarama ng pressured noong mga oras na yun pati rin pala yung mga bloggers na naghahabol sa boto. Salamat na lang at pasok sa bangga ang boto nila.

Natawa naman ang lahat noong halos maka 3 points shoot sa PBA si CJ sa huling minuto nito.

Halos mangiyak ngiyak ako noong mga oras na yun kasi pakiramdam ko na nanalo talaga ako.

Kaya para makasigurado inisa-isa ko lahat ng boto ko. At medyo nanghinayang nga dahil mahigit tatlumpung boto lang ako kumpara sa iba na kulang-kulang apatnapu.

Ganoon pa man maluwag kong tinanggap yung masasabing “pagkatalo ko” at lubus-lubusan ang pasasalamat sa mga sumuporta sakin. Naiisip ko lang na doon pa lang winner na winner na ko! 🙂

KINAUMAGAHAN.

Tinamad ako gumising noong umagang iyon. Hindi na nga ako nakapasok dahil nga napuyat ako at tinamad na rin siguro. Kung hindi pa tumawag si Batang Mangyan para tanungin kung pupunta o anong oras at saan kami magkikita hindi pa ako babangon.

Sa totoo nagdadalawang isip ako noon kung pupunta ako, e wala din naman akong makukuha dun.

Ngayong taon nakakuha ako ata ako ng anim na nominasyon na inaccept ko (FYI hindi ko yun hiningi a! pero nung minsang may nagtanong syempre sinabi ko kung anong kategorya yun gusto ko –PERSONAL BLOG e personal blog naman talaga kasi ‘to). Sa anim na iyon nakatutuwang nakuha ko ang 3 finalists kabilang dito ang Readers’ Choice at Bloggers’ Choice pakiramdam ko kasi doon lang ako may chance manalo haha.. pero gulat much talaga ako noong nafinalist ako sa Humor Blog WTF! Sa totoo lang hindi ko alam kung ipagmamalaki ko ‘to o ikahihiya (inaccept ko pa kasi) Unang-una kasi hindi ko makita kung san banda yung pagka humor ng blog ko e tagalog pa nga lang mali-mali pa yung babay. Oo patawa ako minsan pero hindi naman talaga nakakatawa hahaha. Pangalawa yung ihanay ka sa mga finalists at 3 time-winner na blog tulad ng  The Profession Heckler noong panahong iyon…. may gulay talaga! What the Hek! Siguro sinama na nila ako para maging lima naman kaming finalists at magmukhang may nagtangkang kumalaban sa kanila haha.

PHILIPPINE HUMOR BLOG AWARD FINALISTS:

Naisip ko na lang oo nga sayang may pa raffle pala malay mo mabunot ako. 😀

5:30 ang usapan namin ni Batang Mangyan sa Glorietta (Finalist kasi ang Taragis.com) ayun ang traffic pala sa Makati, buti na lang pareho kaming late. haha. Derecho kami sa Awards Night (Nakanang pang-Famas) sa RCBC Building pala kung saan gaganapin ang paghuhusga.

Doon palang bukod sa maliit talaga ako e nakakapangliit talaga sa mga bloggers na nakikita ko, hindi ko man nababasa ang ilan sa blog nila pero mukhang batikan na talaga at mahuhusay.

Una naming nakita si CuteBerl tapos nakita na rin namin si Mc ayun usap-usap picture-picture at nagpakasiba kakakain ng mansanas haha.

Mabilis na ding lumipas ang oras pagpasok sa loob ilang minuto nag-Lupang Hinirang na rin at nag-umpisa na ang pagkilala sa mga natatanging Blogista ng Taon.

Parang napapadaan lang sa stage yung mga nananalo kaya mabilis ding nauubos ang mga award kasabay ng pagdaan ng mga pangalan ng mga blog na sinusuportahan ng mga ka-Ublog.

Noong nasa kategoryang Humor Blog na (dedma lang) pero nakakatuwa pa rin palang makita mong nagsisigaw blog mo sa stage -LIBRE LANG MANGARAP (ang laki kasi) and the winner is… for the fourt time The Professional Heckler  Wuuu Huuu! sana sumikat din ako ng ganun haha.. libre lang naman mangarap lels.

Syempre tuwa much sila. Hindi ko pinangarap yang award na yan ha. pero sumagi sa isip ko na.. “naku! kung nagmilagro pala anong sasabihin ko sa stage!?” siguro sasabihin ko “Ang award na ito ay para doon sa apat na finalists na mas deserving sa award na ‘to, ganoon pa man akin na lang ‘tong kalabaw” (hang ganda ka ng tropeyo).

Noong nasa pagpili na ng Bloggers’ Choice. sobra! hindi ko talaga inasahan yung nangyari lumaki ng husto yung tenga ko sa narinig ko at hindi  ako makapaniwala na ang “LIBRE LANG MANGARAP ang tinanghal na 2011 PHILIPPINE BLOGGERS’ CHOICE” (palakpakan!!! tatlo ata silang pumalakpak) lels. parang na mighty bond yung puwet ko nun tapos nanlamig yung kamay ko.. totoo pala yung mga nangyayari.

Umakyat ako sa stage na tila lumulutang ako blanko ko utak ko. Pagkakuha ko ng tropeyo na Kalabaw nakalimutan kong may kasama pala itong paper bag kala ko nga cellphone  e (haha ambisyoso), Rocket Plug-it Prepaid 4g 12mbps Broadband pala.

Nakalimutan kong magpasalamat sa SMART “Maraming Salamat Smart” (ako lang pala nabigyan nito) ewan ko lang maswerte lang siguro.

Nadukutan ako last time siguro ito na yung “Good karma” na sinasabi.

Nakalimutan kong magpasalamat sa SMART “Maraming Salamat Smart” (ako lang pala nabigyan nito) ewan ko lang maswerte lang siguro.

Nadukutan ako last time siguro ito na yung “Good karma” na sinasabi.

Pagkababa ko sa stage (hindi ko pa nga alam kung saan ako bababa) blanko pa rin ako di makapaniwala. Hindi ko na nga rin alam sinabi ko sa stage. Sayang kung alam ko lang talaga na mananalo ako sana naghanda ako ng sasabihin kaya dito na lang ako mag i-speech.

Unang-una nagpapasalamat ako kay Bro (naks). Sobrang dami ko ng blessings ngayong taon ay patuloy na nadaragdagan. Hindi ko ito inasahang lahat na nangyayari pero masasabi kong pinangarap ko itong lahat.

Pangalawa sa magulang ko na minsan ko na ring nakwento dito at wala pa rin syang kaalam-alam na minsan ko na siyang nabalahura dito (joke lang). Mahal po kita Mommy Selver. 🙂

Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga miyembro United Bloggers na todo-todo ang suporta lalo na sa apat na admin na sina kuya Tsi, Bernard, Boni at Joel ganoon din sa mga hindi nakaboto haha.

Hindi ko na po kayo mababanggit isa-isa sa dami. Ganoon din sa mga entry post nyo, hindi ko na po mabigyan ng tugon isa-isa, pero pipilitin kong gawin iyon 🙂

Syempre taos-pusong pasasalamat sa lahat ng bumoto sakin valid man o invalid ang boto. Ganoon din sa mga twitter followers ko at sa Facebook friends ko. Salamat din sa kulang-kulang isang daang followers ko sa Facebook fanpage at sa humigit-kumulang tatlong daang members ng Libre Lang Mangarap ng FB Group.

Pasasalamat din sa mga nag  like na umabot sa 348likes sa pagkaka finalist ko sa readers’ choice kahit hindi ko kilala ang ilan.

Salamat sa mga nagnominate sakin at sa bumubuo ng 2011 Philipine Blog Awards sa pagkakasama ko bilang finalist.

Salamat din sa Smart kahit nakalimutan ko kayong pasalamatan 🙂

Ang Award na ito ay simbolo ng isang katuparan ng isang pangarap na kung lahat tayo bilang isang tao o grupo ay magkakaisa at mag babayanihan o mag u-unite sa iisang adhikain ay may mga pangarap tayong puwedeng matupad. (ito dapat sasabihin ko sa stage! kinabahan lang talaga ako sayang!) hahaha

Ang Award ding ito ay isang buhay na katotohanan na kung tayo ay mangangarap nang may gawa ay posible talagang magkaroon ng katuparaan.

Nais ko sanang sabihin na kung kakikitaan man tayo ng maliliit na buto ng pangarap sa puso natin, huwag natin itong iwanan bagkus ito’y diligan ng mga positibong pananaw. Dahil ang butong iyan kapag ating inalagaan ay puwedeng mag-ugat at magsanga ng pag-asa  na puwedeng mamunga ng tagumpay.

Masarap po mag ani kapag tayo mismo ang nag tanim! 🙂

Maraming Salamat po!

Para sa lahat -Libre Lang Mangarap.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo:

  • Best Hobbies and Recreation Blog
    kuhol.net – cars, culture, competition, community http://kuhol.net/

SPECIAL CATEGORIES

ORCHESTROSCOPY http://www.orchestroscopy.blogspot.com/

WELCOME AND GOODBYE


Natatawa na natutuwa talaga ako sa mga Pinoy, biruin mo kada taon na lang may innovation ang mga paputok. Parang mga gadgets lang! Kung ang cellphone may iphone, 2, 3 at 4; ang paputok naman ay may Goodbye Philippines, Goodbye Earth at Goodbye Universe. Ano pa ba susunod sa Universe? haha.

Bagong taon na! Kasabay ng mga nasunog ng pera na pinambili ng paputok. hehe yaan mo na minsan lang naman sa isang taon ang new year celebration, walang wala  sa kasiyahang hatid nito lalo na kung kasing dami ng fireworks sa MOA ang binili mo. haha.

Continue reading WELCOME AND GOODBYE